Chapter 18

699 25 0
                                    

Nasa waiting area na ako ngayon,hinihintay ko si manong Wilbert na susundo sa akin.

Maaga palang kase kaya medyo matatagalan pa siguro bago ako sunduin ni manong wilbert,kaya napag desisyonan ko munang bumili ng palamig.

Nauuhaw na kase ako kanina pa,medyo kabado ako kase paano kung pagdating ko doon nandun na yung alaga ko,paano ko tratratuhin yun? Paano ako magsisimulang mag-alaga? Ano yung mga dapat kong gawin?

Piiiiiiiiiiiiiiip!

Malakas na busina ang nagpagising sa ulirat ko,nagulat ako ng sobra doon.

"Hoy,buksan mo to!"pumunta ako sa left side na pinto ng kotse na bumusina sa akin,at kinatok katok ko.

"Sabing ibukas mo to eh!"
Pero after nun,unti-unti ng bumababa ang bintana ng kotse at nakita ko nanaman ang taong kinaiinisan ko at sumisira ngayon sa buhay ko.

"Ikaw nanaman?wala kabang kadaldala ha?inaano ba kita? Ha? Taong palaka!"
Sabi ko ng medyo malakas,na siguradong narinig ng karamihan na nasa gilid namin.

"So,ako yung may kasalanan kung bakit ka paharang harang sa daanan?"

"Aba!pwede ka namang bumusina ng kaunti,hindi yubg sobrang tagal bago mo tapusin yung busina mo,nakakarindi,at nakakabingi!kung ikaw kaya ang iganun ko?"
Bago pa ako makapagsalit ulit,pinaharurot na niya ang kanyang kotse.

"haysst,hoy!taong palaka,bumalik ka rito."

Sobrang naiinis na ako sa taong yun,napakakulang ng aruga,siguro kung ako yung magulang niyan or ako yung nakaatang para baguhin niyan,sobrang kawawa niyan sa akin.

"Nakakainiiiiis"

Nanggigigil ako sa inis ko sa taong palakang yun,simula kaninang umaga,wala siyang ibang ginawa kundi sirain niya ang buong araw ko.

Pinili ko nalang bumalik sa waiting area,para hintayin si manong Wilbert kaysa sayangin ko pa ang oras ko sa taong yun.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko si taong palaka,feeling ko laging kumukulo ang dugo ko sa kanya. Ayaw ko siyang makita,pero kung wala naman siya ay lagi ko naman siyang hinahanap.

I thought it's a normal for me when you hate someone,you are angry everytime.

Hindi ko nalang inisip yung tungkol sa taong palakang yun,nagdiretso na akong naglakad papuntang waiting area,sa harap ng school namin. Nakita ko ng nakaparking yung kotse ni Mr. Azriel,nakita ko ring nakatayo si manong Wilbert habang nakasandal sa harap ng kotse.

Binilisan ko nalang ang paglalakad,baka kase kanina pa naghihintay sa akin si manong wilbert.

"Manong" sigaw ko,pero hindi niya narinig,kaya tinawag ko ulit siya.

"Manong Wilbert" doon lang siyq naalimpungatan ng medyo bilpitan ko siya. Para kaseng ang layo layo ng iniisip nitong si manong Wilbert.

"Oh Ensley andyan kana pala,kanina ka pa ba dyan?"

"Ah hindi naman po,actually kararating ko nga lang po eh,bumili lang po kase ako ngbpalamig doon sa kanto.

"Ganun ba,sakay kana,nandon na si Mr. Azriel at yubg aalagaan mo.

"sige po,tara na po"

Nagbusina lang ng isang beses si manong Wilbert ay kusa ng nagbukas ang napaka laking gate ng bahay ni Mr. Azriel.

Inayos ko na ang mga gamit ko at bumaba na ako para makapagpalait na at makausap na si Mr. Azriel at makita ko na ang pamangkin niyang aalagaan ko.

"Hello po sir" bati ko kay Mr. Azriel na abalang nagbabasa ng comics sa balcony nila.

"oh ikaw pala iha,nagmiryenda kana ba?"

"ah eh opo,nagmiryenda na po ako kanina bago ako sinundo ni manong Wilbert"

"Ganun ba,kung nagugutom ka,magmiryenda ka lang sa kusina,at open lahat para aayo ang lahat ng bagay dito,kainin mo lahat ng gusto mong kainin"

"ahmm nakakahiya naman po ata kung ganun,eh katulong lang naman ako dito eh"

"iha,sa pamamahay ko,kung sino ang andito,ay pamilya ko na,hindi ko itinuturing na ibang tao ang mga tao dito,kahit na sabihin natingkatulong ka lang,pero hindi iyon ang kalakaran dito,ang gusto ko magturingan tayo bilang isang pamilya."

"pero..." hindi ko itunuloy ang pagsasalita ko ng may narinig akong dabog ng paa,na papalapit sa amin,galing yun sa taas,pababa siya ngayon papunta ata sa amin.

Napanganga nalang ako bigla,hindi ko inaasahan ang makikita ko ngayon,hindi ako nagkakamali sa kubg ano ang nakikita ko,hindi pwede to.

Siya ba ang aalagaan ko? Hindi naman siguro,baka bumisita lang.
Bulong ko sa sarili ko.

"Ikaw?" sigaw ko sa lalaking pababa sa hagdan.

"why,what are you doing here?"taray na tanong sa akin ng lalaking bumaba sa hagdan.

"ikaw ang dapat kong tanungin niyan,anong ginagawa mo dito?"

Imbis na sagutin ako ay lumapit siya sa kay Mr. Azrile at nagmano ito sa kanya.

"Tito,anong ginagawa ng babaeng yan sa pamamahay natin?"
Tanong ng lalaki jay Mr. Azriel ng may halong pagtataka.

"Iho,siya yung bago....."
Hindi na natapos ni Mr. Azriel ang sasabihin niya,ng bigla nanamang sumagit ang lalaki.

"tito,huwag mong sabihing siya ang bago kong yaya"

"siya nga!"

"tito,ngayin din,paalisin niyo yang babaeng yan sa harapan ko,sa pamamahay na ito rather,ayaw kong nakikita yang babaeng yan,at lalong ayaw ko siyang nakikita ng araw-araw,please tito!"

"iho,hindi natin pwedeng paalisin nalang agad-agad si Ensley,binayaran siya ng Agency,maaari tayong maidemanda kung ganun at ano bang problema mo kay Ensley? Kilala mo na ba siya?"

"hindi lang ho sa kilala,kilalang kilala,kaya po please paalisin niyo na yang babaeng yan."


Thompson UniversityWhere stories live. Discover now