Chapter 17

698 27 0
                                    


Nakasakay na ako ngayon sa kotse ni Mr. Azriel. Ipinahatid niya ako kay Manong Wilbert,yung gwapong driver ni Mr. Azriel. Iyong manghatid sa akin kagabi.

Hindi pala dapat ako ihatid ni Manong Wilbert,dahil isasabay dapat sana ako ng pamangkin ni Mr. Azriel na aalagaan ko. Pero dahil sumumpong nanaman ang pagkasutil at pagka asungot ng pamangkin niya,imiwanan niya ako na kahit binilinan na siya ng uncle niya na isasabay niya ako ngayon is isinuway niya amg uncle niya. Haayst ayaw ba niya ng may makasabay na mala prinsesa ang ganda. Sabay ayos sa buhok.

"ah ma'am ok lang po ba kayo?"

"ay palaka!"
Sabi ko dahil nagulat ako sa kay manong wilbert,

"ah ok lang po ako manong!"

"ganun po ba ma'am,kanina ko pa po kase napapansing nakatulala kayo,tapos mamaya mapapangiti at mamaya manggigigil nanaman yung mukha niyo!"

"ah eh,hehe wala po yun manong,nagprapractice lang po ako ng mga reaction ko,may acting po kase kami mamaya sa isang subject ko." palusot ko kay manong,baka kase pagkamalan pa niya akong nababaliw na.

Pinasok ni manong yung kotse sa loob,ihahatid raw niya ako sa harap ng building ng room ko,pinipilit kong sa harap nalang ng gate pero ayaw niya,hindi siya nagpatinag sa akin,sinasabi kong ok lang na kahit sa harap lang ng gate niya ako ibaba,para daw fresh pa rin daw ako kung papasok na ako sa room ko,at para hindi na raw ako mapagod.

So yun,naging parang yayamanin ang naging awra  ko. Buti nalang at walang halos na estudyante sa pinagbabaan sa akin ni manong Wilbert.

"Manong naman eh,nakakahiya,sana sa harap nalang ng gate mo ako binaba,kaya ko naman po eh,at tiyaka isa pa po sanay na ako maglakad,nakatricycle nga lang po ako kung papasok eh"

"Eh iha,yun kase yung binilin sa akin ni Mr. Azriel,na dapat ingatan ka."

"manong,katulong lang naman po ako dun sa bahay ni Mr. Azriel eh,kaya huwag niyo na po akong itrato na parang prinsesa."

"hayst basta huwag ng matigas ang ulo,sese,punta na ako,susunduin nalang kita uli mamayang hapon,kase hindi ka pa naman pwedeng sumabay sa aalagaan mo,kase hindi mo pa siya kilala at isa pa hindi mo pa siya nakikita,pero mamayang gabi doon mo siya makikilala."

"sige po manong,ingat po kayo."

Naglakad na ako papunta sa elevator,ng akmang pipindutin ko na sana para bumukas ang elevator ay naunahan ako,pinindot na ng taong nasa likod ko,alam kong mas matangkad soya sa akin,dahil sa postura palang ng kamay niya ay napakahaba na,na naging dahilan ng naunahan niya akong pumindot.

Sumagi yung likod niya sa likod ko,at nalanghap ko rin ang mabango at presko niyang pabango. Sa part na nagkadikit ang tiyan niya at likod ko ay parang may kuryenteng bigla nalang tumaas mula sa ulo ko.

Unti-unti akong humarap sa taong nasa likod ko,pagkaharap ko sa kanya ay doon ko napagtanto na si taong palaka nanaman ang nasa harapan ko,mabilis ko siyang tinulak papalayo sa akin. Dahil na rin siguro sa pagkagulat at pagkahiya,nakita ko pang nagulat din siya sa ginawa ko,biglang lumaki ang mata niya na nagpataas ng balahibo ko,natakot ako sa naging reaction ng mukha niya.

Bumukas na yung elevator at ng pagkabukas nito ay mabilis akong pumasok,pero pagkapasok na pagkapasok ko ay bigla namang pumasok si taong palaka kasama sina Eliel at tinulak niya ako papalabas,dahil sa hindi ako nakapaghanda sa ginawa niya ay na out of balance ako at napaupo ako sa labas ng elevator.

Hindi ko yun ininda at mabilis din akong tumayo para abutan sana ang bukas na elevator pero saktong hahawak ko na ang bungamga ng elevator ay agda namn itonf nagsara.

Nagdabog ako at pinukpokpukpok ko ang pinto ng elevator,tinignan ko ang wrist watch ko at doon ko nakita na 5 minutes halos nalang ay malelate na ako.

Pinindot pindot ko hung keyboard na nasa gilid ng elevator para bumukas sana pero ang tagal,after ng halos isang minuto ay bumukas na ito,pumasok ako kaagad,ayaw ko na kaseng malate,ng nasa taas na ako,nagbukas na ang pinto at lumabas na ako,tinakbo ko ng mabilis ang room ko nasa dulo kase yun.

Muntik pa akong nadulas sa pagkataranta ko,nakita ko na yung adviser namin ilang hakbang nalang ay nakapasok na siya,ayaw pa naman  nun na may nahuhuli gusto niya pagkapasok niya ay nasa loob na lahat.

Dinoble ko ang takbo ko,at sa wakas nakapasok na ako,sabay kaming nakapasok ng adviser namin kaya hindiin ako nalate.

Nakita ko si taong palaka na tumingin sa akin,tinignan ko siya at ipinakita ko sa kanya ang nanlilisik kong mga mata.

Padabog akong umupo sa upuan ko,nagsimula na ring nagturo ang teacher namin,pero hindi ako makapagconcentrate dahil iniisip ko kung sino yung magiging alaga ko sa bahay ni Mr. Azriel na pamangkin niya.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now