Chapter 84

338 17 6
                                    


Isang buwan na ang nakakalipas mula noong nalaman namin ni Mr. Kis ang katotohanan. Kaming dalawa palang ang nakakaalam e. Gusto na ni Mr. Kis na ipakilala ako sa lahat kaso pinigilan ko lang siya kasi ayokong biglain ang mga tao lalo na ang mga estudyante ng Thompson University.

Sa bahay pa rin ako ni Mr. Azriel nakatira. Siguro after how many months,na kung saan ready na ako ay papayagan ko na si Dad na ipaalam sa lahat ang katotohanan.

Habang naglalakad ako sa loob ng Thompson University ay naisipan kong pumunta muna sa 7/11 para mag kape. Maaga pa naman kasi e halos isang oras pa bago ang first subject ko.

Kumuha na ako ng coffee ko at nagtungo na ako sa counter after ko nag bayad ay dahan-dahan akong naglakad upang hindi matapon ang hawak kong coffee kaso sa hindi ko inaasahan ay may bumangga sa akin na isang babae na naging dahilan ng pagkatapon ng kape ko sa damit niya. As in natapon lahat sa blouse niya dahil nabitawan ko pa'to.

Nakita ko kung paano nag iba ang awra ng mukha niya. Kaya agad akong gumalaw para kunin yung panyo ko para punasan ang blouse niya.

"Don't touch me!" Sigaw niya sa akin na kinagulat ko.

Sa ginawa niyang yun ay umalingawngaw ang boses niya sa loob ng 7/11 na naging dahilan ng paglingoj ng mga tao sa amin. Nakita ko rin kung paano umiba ang awra ng mukha nila noong nakita nila ako.

Tinangka ko ulit na punasan ang blouse niya.

"I said, don't touch me!" Sigaw noya ulit tiyaka niya ako sinabumutan.

Hindi ako pumalag kase alam kong sa una palang wala na akong laban. Umiiyak na ako sa sakit ng sabunot niya. Pero mas nagpapaiyak sa akin yung mga taong nanonood lang sa amin na ni isa sa kanila ay wala man lang mag atubiling umawat sa amin.

Humihikbi na ako sa kakaiyak. Ang sakit. Sobrang sakit.

Kahit gusto kong lumaban, hindi ko magawa kasi feeling ko tumigas na ako sa pagkatayo ko na naging dahilan ng pagiging manhid na ng katawan ko. Hindi ko na pinapansin yung sakit na nararamdaman ko. Nag flashback lahat ng sakit na naranasan ko mula noong pinili kong pumasok sa University na ito. Yung sakripisyo ko para lang magpatuloy na makapasok dito. Yung paulit-ulit na pag-intindi ko sa mga bullies na ni minsan hindi nila inintindi yung nararamdaman ko.

Napaupo na ako sa sakit,hindi ko na kaya. Naramdaman ko nalang na nay malamig na liquid ang bumuhos sa katawan ko. Hindi ko na namalayan  na nawala ng unti-unti ang malay ko.

"Sayo itong lahat na ito Anak" sambit ni das sa akin ng labis ang ngiti habang itinuturo ang buong Thompson University.

"Po? Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko, ng nagtataka kung ano ba ang gusto niyangbipabatid sa akin. Naguguluhan kasi ako sa nangyayare.

"Anak, sa'yo ang Thompson University. Taga pag pamahala lang ako dito. Bago namatay ang mom mo ay naipangalan na sa'yo itong Thompson University. Kaya walang araw na hindi kita hinanap. Gusto kong ibigay itong University na ito sa taong nararapat talaga. Mahal na mahal kita anak." Umiiyqk na kami ni Mr. Kis habang mag kayakap.

"Dad, bakit?" Nakita ko si dad na unti-unting nawawalan ng balanse.

"Dad? Dad!" Sigaw ko ng paulit-ulit. Tumakbo ako sa likod niya para saluhin siya kaso...

"Ensley! Ensley! Ensley!" Nagising ako sa malakas na yugyog na naramdaman ko.

Isang panaginip lanag pala 'yon.

"Nay, Ano po ang ginagawa niyo dito? Si tatay po?" Nakita ko ang lunkot na bumabalot kay nanay.

"Anak, masaya ako para sa'yo." Sambit ni nanay.

"Para saan po?"mahinhin kong tanong kay nanay.

" Anak, alam ko na ang  lahat. Kami ni tatay mo. At sobrang saya namin. Mahal na mahal ka namin nak. Salamat kasi naranasan naming nag karaoon ng anak na katulad mo. Sobrang swerte namin 'nak." Napapaluha na ako sa mga nasabi ni nanay. Ramdam na ramdam ko ang bawat salitang binitawan niya. Masaya ako kasi andyan sila noong mga panahong kailangan ang mga katulad nila.

Pinilit kong bumangon para yakapin si nanay. Inakap ko siya ng mahigpit na mahigpit hanggang sa makakayanan ko.

"Nay, salamat po." Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Pangako po nay, lagi ko po kayong bibisitahin at ipagluluto ng paborito niyong pagkain. Mahal na nahal ko din po kayo."

Narinig kong bumukas yung pinto at nakita ko si dad na may hawak na boquet of flowers at balloons. Ngumuti siya ng kaunti at binigyan konrin siya ng sobrang tamis na ngiti.

Lumapit soya sa akin at iniabot ang mga hawak niya na mga bagay na para sa akin.

"Salamat po."

"Welcome anak." At hinalikan niya ako sa noo ko.

"Ano po palang nagyari at bakit po ako andito sa hospital?" Tanong ko kay dad.

"Naabutan nalang kitang nakahiga sa floor sa 7/11 habang pinalilibutan ng mga estudyante. Dinurog ng sitwasyon mo ang puso ko anak. Nakita ko kung paano ka nahirapan at nasaktan sa sitwasyon mo. Pero don't worry, everything is ok. Wala ng pupwedeng mang maliit at magpahirap sa'yo anak. Mahal na mahal kita 'nak. Precious." Ayan nanaman si dad, nakita ko nanaman na lumuha yung isa niyang mata na ayaw kong nakikita kasi ako yung nasasaktan kapag nakikita kong lumuluha yung isang mata niya. I don't know what I need to do to stop him in crying. But it's ok because I knew that everything was already ok.

Ok na nakikita ko na andyan si dad at sila nanay at tatay para sa akin. Wala na akong hihilingin pang iba kundi ang magkaroon lang sila ng mas mahabang buhay pa.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now