Chapter 94

300 19 4
                                    

Nasa sasakyan kami ngayon ni Jeus, hinatid kasi niya ako pauwi.

"Thank you" pasasalamat ko sa kanya bago bumaba,akmang bubuksan ko na sana yung pinto ay agad naman niyang hinawakan ang kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko sa oras na 'yon. Nag tama ang mga mata namin at para akong statwa na nakatitig sa kanya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, hindi ko magalaw ang katawan ko. Hindi ko rin matanto ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko ipinasok ako sa isang freezer at sobra ang panginginig ko dahil sa lamig.

Naramdam ko nalang na naka dampi na ang labi ni Jeus sa labi ko. Pumikit ako at sinabayan ang halik na matagal ko ng hinahanap-hanap.

Ng nahimas masan ako sa ginagawa namin ay agad ko siyang itinulak at agad-agad akong bumaba ng sasakyan.

Pagkapasok ko sa kwarto ay napa tulala nalang ako habang naka upo sa bed ko. Wala si Tyler ngayon dahil may business appointment siya.

Biglang nag ring phone ko at nakita kong ang dami na palang miss call ni dad.

"Hey, Dad?"

"Kanina pa ako tumatawag sayo kaso busy ka ata kanina e." kalmado niyang bigkas sa mga salitang binitawan niya.

"ah opo, may pinuntahan po kasi ako kanina."sabi ko.

" ah ok, no problem. Btw, about sa pinag usapan natin last month ija, about sa pagmamanage mo sa Thompson University.  Ibibigay ko na sayo ang pagiging boss ng Thompson University. I hope you can manage it properly, huh?"explain ni dad sa akin. Ay oo nga pala, muntikan ko ng nakalimutan ang deal naming yun ni dad. Di ko maimagine kung paano ko ihahandle ang University na yun. After bumalik ang ala-ala ko ay naalala ko ang mga kaganapan sa Thompson University before. Parang hindi ko kaya e. Pero I will try kasi wala akong ibang magagawa kundi sundin si dad. Ako din naman kasi ang magmamana dito e. Kaya habang maaga palang ay kailangan ko ng matutunan. Naging klaro sa isipan ko na kailangang kong baguhin ang bulok na sistema ng Thompson University. It's not a matter of fact na kasalan ni dad 'to but the fact that I want to point out is that giving the main idea to deal with it. I want to have a good manner ang mga estudyante sa TU.

Kanina pa ako palakad-lakad at maipokt-ikot sa loob ng kwarto. Iniisip ko ang nangyari sa amin ni Jeus kanina. Di ko sinasadya yun pero bakit wala akong naramdamang pag aalinlangan sa oras na dumampi ang ang mga labi namin sa isa't-isa.

Naglalakad ako ngayon papunta ng park kung saan kami huling nagkita ni Jeus before siyang nagtungo sa Pilipinas to arrange his family. Umupo ako sa may silong ng puno at umupo ako dun. Marami akong nakikitang mga Pilipino na naglalakada sa paligid. Andito kasi ang mga filipino foods. Amoy na amoy yung fishball dito sa kina uupuan ko.

"Hey, you want?" rinig kong boses sa likod ko. Agad kong tinignan kung sino yun.

"Jeus? bakit ka andito?" nakasuot siya ng reap jeans at naka t-shirt lang ng pure white at naka sneaker shoes. Dumagdag pa ang buhok niyang naka bisngay na lalong nagpagwapo sa kanya. Kahit na hindi naman siya mag ayos ang gwapo parin niya. Charot.

"Lagi akong tumatambay dito mula noong bumalik ako dito." ang smooth ng boses niya. Walang pinag bago. The way he talk at kung paano niya ako tignan haaaayst. Kung nakakamatay lag ang kagwapuhan nitong lalaking 'to kanina pa ako patay.

"Ganun ba? ngayon lang kasi ako nagawi nanaman dito, super busy these past years and months e. Kanina pa niya hawak ang cup of fishballs.
Kinuha ko na yun baka kasi hindi na masarap kapag malamig na.

" Naalala mo yung araw na kung saan before ako umalis at dito tayong huling nagkita bago ako magpunta ng Pilipinas? Bumalik pa ako dito at may iniwan akong isang papel na inipit ko sa sa isang butas ng upuan na ito. I wrote 'I love you, please wait me' in that paper. Nag dasal ako na sana makita mo yung papel na yun. But hindi e, siguro nga may rason ang lahat."after niyang nagkwento ay sumubo siya ng fishball,nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagiging seryoso after niyang nasabi ang lahat ng yun.

"Wait,bumalik din ako noon,may nakita akong papel na nakasuksok dito. I'm sure dito yun nakasuksok noon..."

"Oo diyan nga" tuloy niya.

"Then,kinuha ko yun ang pagkakaalam ko kasi ay trash yun e tapos tinamad yung may-ari nun na itapon sa tamang basurahan. Kinuha ko yun at nilagay ko sa bag ko at tinapon sa trash bin sa bahay." naiiyak na ako habang kinukwento yun ng mabilisan. Natataranta ako kasi bakit ganun? Hindi man lang kami binigyan ni tadhana ng pagkakataon.

"Pwede ka naman kasing pumunta sa bahay e. Pero bakit hindi mo ginawa?" Umiiyak na ako this time.

"Bakit?" I asked again. Hinagod niya ang kamay niya sa likod ko at pilit akong pinapakalma.

"Sorry, naguguluhan kasi ako that time e. Siguro nga naging torpe nanaman ako sa oras na yun. Natatakot na baka kasi iba na ang tingin mo sa akin after mong nalaman na nakabuntis ako sa Pilipinas." Alam kong gusto niyang umiyak pero pinipigilan lang niya. Nahahalata ko sa bawat pagbigkas niya sa mga salitang binitawan niya.

"No, never akong naniwala na magagawa mo yun,  na kahit hindi pa clear  sa isipan ko ang naging pagkatao mo sa buhay ko ay never kong inalis ang tiwala sayo. At alam kong hindi mo yun magagawa. Pero ang duwag mo, hindi ka manlang lumaban kahit minsan lang."

"Sorry" may nakita akong luhang tumulo sa isa niyang mata na nagpa alarma sa akin.

"I will become a good friend for you this time" He said. Ang lungkot lang e. Ang duwag kasi niya palagi. Nakakainis.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now