Chapter 11

847 30 1
                                    


"Ensley!" rinig kong tawag sa akin ni ma'am.

"Yes ma'am?"

"Tumawag na raw yung mommy ni Jeus at ipinaalam na ok na daw si Jeus,nasa bahay na raw nila ito at nagpapahinga na,ayaw daw kase talaga ni Jeus na nagistay sa hospital,since bata pa lang daw ito ayaw na raw niyang pumupunta sa hospital kahit na dadalaw lang raw doon.

"Ganoon po ba,maganda po kung ganoon."

"Yeah Ensley."

"ma'am,pero pano po pala yung mga behind subjects ko kaninang umaga?"

"ah yun ba,don't worry Ensley,kinausap na namin yung mga teachers kaninang umaga at ok na,at tiyaka ang long quiz na na miss mo is excempted ka raw,sigurado rin namang mapeperfect mo rin naman,dahil na rin daw sa mga naging performance mo this few weeks."

"Eh? Di po ako.makapaniwala,atleast po kase wala na akong proproblemahin pa,thanks po"

At bigla namang nag ring yung bell na hudyat na uwian na.

Nasa bahay na ako ngayon.

"Ma,mano po!"

"oh kamusta naman araw mo?"

"ah ok na ok ma!alam mo ba ma na excempted ako sa first long quiz namin sa isang subject kaninang umaga?"

"paano namang nangyari yun anak?"

"ganyan po kase yan,may kaklase po kase akong nagkasakit at ibinilin sa akin na bantayan siya noong time na ipinunta siya sa hospital"

"eh ano naman kung binantayan mo anak?"

"haays si nanay talaga,patapusin mo palang kase ako"

"hehehe pasensya anak"

"hahaha ok lang ma,diba ganun na po yun,then inutusan kase ako ng mga nurse na bumili ng gamot na nireseta sa kay taong palaka..."

"huh? Taong palaka? Anak naman,delikado naman ata yang school na pinapasukan mo?"

"hayst ma naman eh,Si Jeus po yun,tinawag ko siyang taong palaka,kase naman ang pangit niya sobra,"

"ah ganun ba,eh paano nga na naexcempted ka?"

"kase naman nay eh,saan na ba tayo nay?"

"Nakalimutan ko rin anak eh!"

"naalala ko na nay!diba nay pinabili ako ng gamot niya tapos pag balik ko sa hospital,wala na si taong palaka,yun pala umuwi na ito!kaya pumunta nalang ako sa classroom at tiyaka doon sinabi na excempted na raw ako kase daw sigurado rin namang mapeperfect ko yun,ang galing galing rin daw naman ma eh!"

"ah ganun ba nak,mana ka talaga sa akin!"

"anong mana sayo yung anak natin,sakin nagmana yan!" sambit naman ni tatay na kararating lang galing sa trabaho.

"sa akin lang nagmana yan,"

"Ok ganito nalang nay,tay,sa inyo nalang ako nagmanang dalawa,kahit na ni isa wala naman talaga akong nagmahan sa inyo! Hahaha"

Tumatawa ako ng biglang tumahimik si na nanay at tatay sa asaran at nakita kong nagkatitigan sipang dalawa na pinagtaka ko naman.

"Nay!Tay! Ok lang po ba kayo?"

"ah eh ano yun anak?"sagot ni nanay

"ang sabi ko po,ok lang po ba kayo?"

" ok lang kami anak,"sagot naman ni tatay.

"kung ganun po,kain nalang po tayo,kanina pa po ako gutom eh"

"Pati rin ako eh,tara na"si tatay

"Ang sarap talaga ng luto mo nay,"

"siyempre ako pa,"

Kagigising ko lang ngayon,at naghahanda na ako para pumasok,after kong naghanda,lumabas na ako para maghintay ng tricycle.

Pagkababa ko sa tricycle,pinagtitingina na ako ng mga estudyante ng Thompaon Unviersity,sa una hindi ko pinansin pero pagkapasok ko doon lang talaga ako nagtaka ng husto dahil as in lahat ng student ay nakatingin sa akin. Puro bulingan ang nakikita ko.

Pagtingin ko sa gilid ko may nakadikit na mga picture ko na nakaprint sa A4 na bondpaper na akala mo tatakbo bilang councilor.

Nagtuloy-tulong lang akong naglakad pero lahat ng dadaanan ko ay may nakikita akong mga pader at tyaka puno na may nakadikit na picture ko,doon na ako umiyak at tumakbo papunta sa mga puno at pader para tanggalin ang mga picture na nakadikit,pero diko kinaya kase ang ilan ay nakadikit sa taas at hindi ko yun maabot,at dahil na rin sa sobrang dami na halos mapuno ang bawat pader. Umiiyak akong tinatanggal ang bawat picture ko,ng may lumapit na mga babae,yung mga babaeng humarang sa akin sa Cafeteria.

"hey,nakakaawa ka gurl!" sambit nung babae na lider nila.

"Kayo ba ha,kayo ba ang may kapakanan nito?" tanong ko sakanila,na umiiyak at pabulol bulol na rin kung magsalita dahil sa paghihikbi ko.

"May ebidensiya ka na kami ang gumawa niyan?"

" eh kayo lang naman ang may galit sa akin huh?"

" pano kung sabihin naming oo?magagalit ka?"

"walang hiya kang mukhang asong babae!"
Ihahampas ko na sana ang mga hawak kong libro sa kanya ng mabilis na nahawakan ng isa niyang jasama ang bisig ko.

" bitawan mo ako!"

Bigla akong sinampal ng lider nila,at tiyaka sabay tulak sa akin, na dahilan ng pagkasubsub ko sa sahig.

After nun iniwan na nila ako,pero nakita ko sa paligid ko ang mga student na  tumatawa at pinagtatawanan ako.

Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at tumakbo na sa likod ng building ng Elementary Department na dati ko ng tambayan.

Umiyak ako ng umiyak dun,ibinuhos ko lahat ng hinanakit ko sa mga damong nandun at binunut ko ang mga yun kaya medyo nalinisan na yung part na kinauupuan ko.

Habang nagbubunot ako,ay may narinig akong nabaling kahoy sa isang sulok ng punong medyo malayo sa akin,medyo natakot ako dun.

"Sino yan?may tao ba dyan? "

Walang sumagot at nagpakita kaya lumapit ako sa part na may tumunog na nabaling kahoy pero wala akong nakita. Bumalik nalanag ako sa kinauupuan ko kanina. Late na rin ako ng halos 40 minutes sa una kong subject,at patapos na rin naman. Babalik nalang ako kung 2nd period na.

Medyo marami na rin ang nabunot ko damo. Pilit kp kasing pinapakalma ang sarili ko.

Tumaingin ako sa wrist watch ko,15 minutes before 2nd period so that I chose to leave this place and go in our room,even my nerves is not ok eventually.

Nagtungo na ako sa classroom ko,at iilan nalang ang nga estydyante sa labas. May mga nakakasalubong akong napapatingin sa akin pero dinededma ko nalang sila.




Thompson UniversityWhere stories live. Discover now