Chapter 15

738 24 0
                                    


"Marami na rin kasing nagtry na magtrabaho dito pero wala pang isang linggo ay gusto na nilang umayaw."

"eh ano po bang trabaho nila?"

"Maid at tiyaka mag aalaga."

"ahy iyon lang naman pala,sanay na akong magtrabaho ng mabibigat at mag-alaga ng sanggol."

"Ganun ba?,pero hindi sanggol ang aalagaan mo!Isang binata,!"

"ha! Binata? Special child ba yun? Bakit kailangan pa niya ng baby sitter?"

"Ubod kase ng tamad yun,basta! Pumasok kana sa loob at doon mo nalang tanungin lahat ng gusto mong malaman sa magiging trabaho mo."

"hehehe sige po!"

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa loob,tinitignan ko ng mabuti ang bawat bagay na nasa palig ng mansyong nasa harap ko ngayon,nalulula ako sa laki, at ganda ng bahay pati na rin sa kapaligiran nito. Nalilibutan ng mga puno at napakarami at iba't-ibang mga halamang namumulaklak.

Nasa loob na ako ngayon,pero wala pa akong nakikitang tao sa loob. Kaya ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad at lumiko ako sa left side at may nakita akong isang katulong,katulong kase nakapang uniporme ito ng pangkatulong,yun kase ang napapanood ko sometimes sa mga drama sa TV.

"Ikaw ba yung mag-aapply ng pagka baby sitter?"tanong nung maid sa akin.

"Opo,ako nga po"

"Kung ganun,sama kana sa akin,kase kanina ka pa hinhintay ni Mr. Azriel."

Sinundan ko yung maid,ang dami naming linikuan,at after how many years na paglalakbay ko dito sa Mansyon na ito is nakarating din kami sa office ng sinasabi ng maid na Mr. Azriel daw.

Kinatok ng maid ang pinto,at may nagsalita sa loob,boses lalaki yun.

"come in!"

"Pasok kana,"

"kayo po? Dipo ba kayo papasok?"

"Ikaw lang ang kailangan kaya ikaw lang ang pumasok!"

"ah ganun po ba,sige po!"

Pumasok na ako,nakayuko ako habang kabadong pinakikiramdaman ang paligid. Hinhintay kong magsalita si Mr. Azriel na sinabi ng guard kanina. Parang familiar sa akin ang apelidong Azriel pero hindi ko alam kung saan ko ba narinig or nabasa,basta bahala na!

Nabasag ang katahimikan ng magsalita ang lalaking nakaupo sa isang upuan na kaharap ng isang mahabang table na gawa sa salamin.

"iha,hindi kaba nangangawit dyan?"

"a-a-e-o-pwede po bang umupo?"
Kabado pa rin ako sa lagay kong ito,kaya nauutal ako.

"siyempre naman,para masimulan na nating pag-usapan ang dapat nating pag-usapan"

"Salamat po!" umupo na ako,this time nakaharap na ako kay Mr. Azriel,gwapo niya,ang lakas ng appeal,akala ko kanina napaka tanda ang sinasabi nilang Mr. Azriel,yun pala napaka bagets ng dating.

"Ano po yun?" gulat kong tanong ng namalayan kong kanina pa palang nagsasalita si Mr. Azriel.

"Ang sabi ko iha,anong pangalan mo?"

"Ahm Ensley po!"

"Ensley?"

"Almeda po,Ensley Almeda ho!"

"so,are you student,right?"

"Yes po!"

"Kung ganun edi mas maganda ang magiging trabaho mo. Mas maaalagaan mo ang pamangkin ko sa anumang oras na gustuhin mo."

"Saan po ba nag-aaral ang pamangkin niyo?"

"Sa Thompson University"

"Ayos na ayos naman po pala eh,sa Thompson University din po kase ako nag-aaral,pero naging alanganin na po kase yung scholarship na ibinigay sa akin ng Thompson University,kaya po baka imposible na akong makapag-aral doon"

"Last na tanong ko na to sa iyo,and this is,bibigyan na kita ng permission to choose what did you think is the best for you,maipapangako mo bang hindi ka susuko sa pamangkin ko?"

"Opo,promise po!"

"kung ganun,ako na bahala sa lahat ng gagastusin pati allowance mo sa pagpasok sa Thompson University. At bukas na bukas rin,magsisimula ka ng magtrabaho,then,may isa pa akong pabor..."

"Ano po yun?"

"Kung pwede lang sana dito kana rin tumira,I mean matulog,and anything basta gusto ko lagi mong pinagtutuunan ng pansin ang pamangkin ko iha!"

"Ahm pero....sige po,magpapaalam po ako kina nanay mamaya,pero parang imposible po kasing payagan nila ako."

"Sige iha,ipapahatid nalang kita sa driver namin!"

Umalis na ako doon,at nakasakay na ko ngayon sa napakabonggang kotse gaya ng sinabi ni Mr. Azriel na ipapahatid na niya ako. Sa una tumanggi pa ako kase talagang nahihiya na ako,pero sa huli wala rin akong nagawa kase sobrang mapilit niya eh. Malapit na kami sa bahay,nararamdaman ko na ang sobrang kabado ko,hindi kase ako handa kung paano ako magpapaalam kina nanay.

Sigurado kasing hindi nila ako papayagan,pero kung hindi ako gagawa ng paraan para payagan nila ako or paraan para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa Thompson university ay siguradong matatanggal na ako sa Thompsom University at hindi na ako makakapag-aral doon kahit kailan.
Pero kung tatanggapin ko ang alok ni Mr. Azriel,paniguradong maipagpapatuloy ko parin ang pag-aaral ko sa Thompson University. But the only problem is,paano ko sasabihin kina nanay yun,at isa pa kailangan ko pang mag stay sa bahay nila Mr. Azriel?
Haayst basta,itatry ko nalang na sabihin yung totoo kung bakit ko kailangan gawin iyon.

"Salamat po!" Sabi ko sa naghatid sa akin.

"You're always welcome iha!" sagot naman ng inutusang driver ni Mr. Azriel. Medyo may pagkatanda na yun. Pero may itsura siya,hehehe. Nakalimutan kong magpakilala kay mamang driver so in the other place hindi ko rin natanong kung anong pangalan niya.


Thompson UniversityWhere stories live. Discover now