Chapter 73

368 30 0
                                    


Announcer: all candidates, you have 10 minutes left to prepare. After that, we will start the search for Miss Intrams 2021.

Natataranta na kami ni taong palaka, hindi na namin alam ang gagawin namin. Sampung minuto nalang. Pero kaming dalawa ay naglalakad palang papuntang back stage. Lakad takbo ang ginagawa namin ni taong palaka.

Ilang segundo lang ay nakarating na kami sa back stage at nakita ko sila Velly Girl at ilang mga classmate namin na mag aassist sa akin. Nakita ko kung paano sila nagukat at naging masaya na nakita ako.

"Ensleeeeey" sigaw ni Velly girl, at nakita ko sa mukha nila ang saya at galak ng nakita ako.

"Girl stand up. Double time, kaya natin 'to." Sigaw ni Mary.

Nakita ko kung paano sila naging abala at ka determinado. Wala pang limang minuto ay na make up pan na nila ako. Mag papalit nalang ang gagawin ko. Kinakabahan na ako sa mangyayari.

Announcer:and now let us all welcome our 21 lovely candidates in their production number.

Di ko pa naisusuot yung heels ko at di pa naaayos yung suot kong damit nung sinabi ng announcer yun.

Ilang segundo na ang nakakalipas pero wala pa yung music for production number.

Nagsimula ng mag hiyawan ang audience. Sobrang ingay na ng gymnacium.

Announcer: sorry guys, we have sound system problem. Wait for a seconds.

Napamgiti ako nung inannounce ng MC yun. Nakahinga ako ng maayos.

Sa wakas naayos din lahat ng kailangang ayusin sa akin.

Ang heels ko ay hindi masyadong mataas. Kasi hindi ako sanay sa mataas na heels. Hindi naman kasi ako sumasali ng ganito e. Ngayon lang! At hindi na mauulit.

"Guys magsisimula na talaga." Sabi ni Velly na halatang kinakabahan at natataranta.

"Guys kaya ko 'to, kaya natin 'to. Tiwala lang." Sagot ko sa sinabi ni Velly.

Lumapit na ako sa mga ibang candidate. Lumabas na rin yung ibang nag assist sa akin para manood. Si Velly nalang din ang natira para mag bantay ng mga gamit baka kasi may mag sabutahe sa amin. Mahirap na.

Luminya na ako, magsisismula na kasi ang production number.

Nagsitinginan yung mga kandidata sa akin. Yung tingin na nakakatakot at alam kong namamangha sila sa suot ko. Sobrang ganda kasi ng suot ko ngayon. Kaya pala malaki ang tiwala nila kay Jenny. Super fashionable niya. Ang ganda ng design. Buti nga e naiwan ni Jenny ang mga gamit niya sa room namin. Kaya ito ang mga ipinagamit sa akin.

Lumapit si Velly Girl sa akin ng nakangiti.

"Ensley, ikaw ang pinaka maganda sa kanila. Super ganda mo sis. Alam mo kaninang hindi ka naaayusan ay namomroblema na kami kung paano ka namin papagandahin kasi you what... Pero nagkamali kami. Konting ayos lang pala ang kailangan mo. And this is it! Super amazing, sobrang ganda mo. Nakakainggit ka nga e. May itinatago ka palang ganda. At hindi lang ganda sobrang ganda. Push mo 'yan 'te. Sobrang ganda mo talaga hindi ako.maka move on." Hay naku heto nanaman si Velly sa paghohonor sa akin.

"Mabola ka talaga Velly, alam ko namang pangit ako e. Naayusan lang onti tapos after neto. Pangit nanaman ako." Tiyaka ako tumawa.

"Hay naku Ensley, maniwala ka sa akin. Maganda ka. Basta relax kana, magsisimula na oh." Tiyaka sa bumalik sa mga kinaroroonan ng mga damit ko at gamit namin para mag bantay.

Huminga ako ng malalim at unti-unti kong inilabas ang hangin. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Parang ang saya lang na kinakabahan. I'm a first timer.

Announcer:fasten you seatbelt and let us all welcome our 21 lovely candidate.

Nag start na ang production song and suno-sunod kaming nagsilabasan.

Itinodo ko ang pagsasayaw ko.

Tumigil na ang music at tiyaka sunod-sunod na kaming nagpakilala.

Number 14 ako. Kaya hindi siya masyadong nakakatakot kasi nakakarelax pa ako dahil medyo malayo-layo pa ako.

And now it's my turn."Ensley Almeda 17 representing Nursing department!"

Ang daming nag hiyawaan. Sobrang saya ko kasi ang dami rin palang sumusuporta sa akin. Nakita ko si Jeus, Eliel at Jaycer na may hawak na banner habang nakatayo sa gilid na naghihiyawan.

You know what? Yung feeling na sobrang dinadown mo yung sarili mo na sobrang mapapangitan kana pero may mga tao pa ring naniniwala at nagpaoatuloy na ipaliwag at ipamukat sa'yo na you deserve to love ng sobra.

Pagkatalikod ko sa microphone is nahulog nalang agad ang mga luha ko. Dire-diretso akong nagtungo sa backstage hindi na ako lumingon pa kasi nakakahiya na at siguradong sira na ang make up ko.

After then, natapos din ang production number kaya. Ready na rin ako for the second category. Teens wear.

In infact, sobrang ganda nanaman ng damit ko. Inayos din nila Velly ang make up ko at buhok. Ibang style nanaman ang meron ang buhok. My shoes is super duper bagay sa akin.

"Ensley naman e, huwag kana umiyak mamaya ha? Pumapangit ka!" Biro sa akin Velly.

"Hay naku Velly at the first place is pangit na talaga ako. Gusto mo ng proof? Buburahin ko itong make up ko." Biro ko sa kanya at tiyaka niya ako i awat nung akmang idadampi ko na ang kamay ko sa mukha ko. Pero hindi ko naman talaga tatanggalin e.

"Jenny, ikaw na susunod" sigaw ni Vaelly sa akin.

Tumalikod na ako sa kanya at humarap sa labasan.

"Let us all welcome Candidate number 14."

Lumabas na ako at rumampa. Nabibingi ako sa hiyawan ng mga nanonood. Sobrang ingay. Kung gaano kaingay ang paligid ay ganun naman kabilis at ingay ng tibok ng puso ko.

Nakakakaba na sobrang saya lang. Ramdam ko ang suporta ng mga nanonood. And for sure hindi lang mga nursing student ang sumisigaw.

Ginalingan ko sa pagrarampa ko. At dinama ko ang bawat kanta. Yinakap ko ang katotohang maganda ako sa araw na 'to kahit ngayon lang sa buhay ko. Tinanggap ko ang ako ngayon, ang sinusurportahan ng mga tao. Ang ako na nakangiti ngayon habang tinitignan ang mga taong humahanga sa kakayahan ko.

Sobrang thankful ko this time. Nakaka proud lang. After all is nakaya ko. At di ko sukat akalain na hahantong ako sa ganitong point ng buhay ko.

Thompson UniversityWo Geschichten leben. Entdecke jetzt