Chapter 87

392 29 3
                                    


Nasa dinner kami ngayon.
Then, kasama rin si Jeus. Kanina ko pa siya nahuhuling tumitingin sa akin pero kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin ay agad naman siyang iiwas ng tingin.

At ngayon,nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nginitian ko nalang siya at ganoon rin siya. Nginitian niya ako ng konti. Nakita ko sa mukha niya kung paano siya nahihiya. Ang cute niya ngumiti hahaha.

Maraming chikahan ang naganap sa hapag kainan. Ang saya supeeer. Nakita ko rin kung kagalak at kasaya si dad na new achievement ko sa buhay. Although, lahat ng ginagawa kong ito ay para sa kanya at para kina...

Wait, I don't know kung bakit ko nasabi ang mga huling salita na nabanggit ko. Feeling ko lagi kong nababanggit yun(at para kina) minsan na rin akong nanaginip na I doing ny best because of nanay and tatay. Pero ang sakit lang kasi sa ulo e kapag pinipilit kong umalala ng mga bagay na hindi ko naman talaga kayang alalahanin. Wala rin namang mag gaguide sa akin na pwede kong oagtanungan kasi si Jeus everytime na may tatanungin ako sa kanya ay lagi nalang niyang iniiba ang usapan at kapag ang tinatanong ko ay yung aboyt sa nga past ko na hindi ko maalala.

Andito rin yung dad at mom ni Tyler. Close naman na kami at legal na kami both sides of our family kaya no worries.

After naming nag dinner ay lumabas muna ako at tumungo sa likod, sa paboritong kong tambayan. Sa may garden sa likod ng bahay. Maliwanag dito at may mga lights din. Sobrang nakaka drain ng doubts. Nakaka relax at feeling ko kapag andito ako ay saglit akong nakatakas sa sakit na binibigay ng mundo.

Umupo ako sa may gilid,tinitignan ko lang yung nga halaman na super ganda. Napaka alive nila. Ibinaling ko ang tingin ko sa langit para tignan ang mga bituin na sobrang dami.

"Ang ganda ng nga bituin no? Isama mo pa ang halimuyak ng nga bulaklak." Sambit ng boses sa likod ko na kinagulat ko. As in napatalon ako sa gulat.

"Waaaah palakaaaaaa." Sigaw ko. Ito na kasi lagi experession e. Yung pagsigaw ng palaka.

"Hoy! Ang OA ah. Mukha ba akong palaka? Sa cute kong ito?" Pabirong tanong ni Jeus s aakin at nag gwaping style pa.

"Maybe, ba't ka ba kasi sunusulpot agad-agad?" Tanong ko sa kanya ng medyo pasigaw. Pero relax lang din. Hahaha basta ganun yun.

"Wala, trip ko lang. Then, hindi naman ako agad pasulpot-sulpot e. Kanina pa ako jan sa likod mo mga 10 minutes na. Kanina pa kita pinapanood." Explain niya. Ayan nanaman yung mukha niyang sobrang cute. Nadadala ako sa mukha niya e. Kung single lang ako jinowa ko na 'to. Charrrizzzzs. But promise, he's so cool.

"Oh, may dumi ba sa mukha ko? " tanong niya. Nakatitig na pala ako sa mukha niya ng hindi ko namamalayan.

"Ahm, wala-wala. Bakut hindi mo kasama si Tyler?" Tanong ko.

"May pinuntahan lang siya. May kukunin lang raw siya sa bahay nila." He answered.

"Ahm ok. Upo ka muna. Sabay nating panoorin yung mga bituin"aya ko sa kanya, at umupo naman siya kaagad sa tabi ko.

" ang ganda ng bituin no?"saad niya.

"Oo, alam mo kung paipiliin ako kung anong gusto ko maging, except maging tao. Pipiliin kong maging bituin. Feeling ko,ang ganda lang kasi. Lagi kang tinitignan ng mga tao. At minsan pa ikaw nagiging dahilan para sumaya ulit ang mga tao. Evrytime na nag nining-ning ka ay kasabay naman ng pag ngiti ng mga nakakakita sa'yo." Explain ko. Nararamdaman kong nakatingin sa akin si Jeus.

"Tama ka, minsan yung mga bituin ay hindi mo masisilayan. Mawawala nalang sila bigla-bigla. Pero pagkatapos ng mga pag uulan(pagsubok) ay muli mo sila makikita. Muli silang magpapakita para fill up'an yung mga sayang hindi niya nairamdam bago dumating yung pag uulan. Pero pwede ka rin namang sumaya kahit walang bituin sa buhay. Pero kahit pilit mong piliing maging buo ay hinding-hindi ka magiging buo. I love you Ensley." Pansin ko kung gaano kalungkot si Jeus sa mga bawat binitawan niyang mga salit.

"Ano yung huli mong sinabi?" Tanong ko. Kasi pinahinaan niya yung boses niya sa mga huli niya sinabi.

"Ahm wala, ang sabi ko, walang kasing ganda ng nga bituin sa langit." Exolain niya at hindi na ako nagtanong pa ulit. Baka kasi makulitan si Jeus sa akin.

"Galing ka sa Pilipinas?" Biglang tanong ko sa kanya. Pero nakatingin pa rin ako sa kalawakan at ganun din siya.

"Oo, pumunta ako dito para sa graduation ni Tyler at..." Sagot niya pero hindi niya tinapos yung mga sasabihin pa sana niya.

"At...?" Tanong ko sa kanya. Kasi alam kong may sasabihin pa siya e.

"At tignan yung nga bituing matagal ko ng hindi nakikita." Pabiro yung mga sinabi niya pero napaka seryoso ng boses niya.

"Luh, pwede ba yun. Ang pagkakaalam ko ay may mga bituin din sa Pilipinas." Biro ko sa kanya at tumawa nalang ako. Sabay tinignan ko siya pero naka tingin pa rin siya sa kalawakan at seryoso pa rin yung mukha niya.

"Kung pwede lang sanang ibalik yung mga panahon na nakatingin lang sana ako sa mga bituin ay ginawa ko. Lagi kong titignan at lagi kong ipaparamdam na napaka precious niya." Saad niya ng napaka seryoso.

"What do you mean?" Tanong ko ng naka kunot ang noo. Hindi ko siya maintindihan e.

"May mga bagay na kahit gugustuhin mo pang ilaban ay hindi na pwede. At may mga pagkakataon na ang dapat na gawin mo nalang ay maniwala na balang araw darating yung right time na magiging masaya ka rin. Masakit pero katulad ng bituin, minsan nawawala at bukas ng gabi na ulit. Katulad natin,minsan na rin tayong nawala. Pero darating na darating yung time na babalik tayo sa mga bagay na minsan na nating hindi pinahalagahan" bakit siya ganun? Napaka seryoso niya. Tagos hanggang buto yung mga sinabi niya. Para akong tinutusok ng karayom sa puso ko. Pero alam kong hindi naman ako yung binabanggit niya e. Pero nasasaktan ako sa kadahilanang feeling ko ako yun e. Ako yung iniwan niya.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now