Chapter 97

289 15 5
                                    

Tyler's POV
Papunta ako ngayon sa car ko after kong inihatid si Ensley sa room niya. Magkikita kasi kami ngayon ni Jeus, after niya akong tinawagan kagabi for some matters. Tungkol ito kay Ensley,sigurado! Alam ko kung ano gusto niyang malaman.

Hindi pa ako handa na ibalik sa kanya si Ensley,buo na e. Buo na itong nararamdamank ko kay Ensley at alam kong gano'n din yung nararamdaman niya sa akin. Pero I'm not sure kung hanggang ngayon ay ganoon parin yung nararamdaman ni Ensley sa akin.

Sumakay na ako sa mustang ko at pinaharurot ito hanggang sa makarating ako sa isang coffee shop. Pumasok ako sa loob at nakita ko
si Jeus na naka upo sa dulo,sa may gilid banda.

Umupo ako sa upuan na nakaharap sa kanya at ng naka upo na ako ay tinawag niya yung waiter at umorder ng coffee and brownies.

"Kailan mo ba kami titigilan,Jeus?" Diretsahang tanong ko sa kanya at marinig kongsuminghal siya ng napalalalim at pinalipas pa niya ang ilang sandali at tiyaka niya sinagot ang tanong ko sa kanya.

"Wala akong sinabing angkinin mo siya! Ang ganda ng usapan natin bro bago kayo lumipad patungo sa States. Pero di mo man lang nirespeto yun." After sinabi ni Jeus 'yon,nakita ko sa mga mata niya yung seryosong mulha niya na nakita ko rin before kaming nagtungo ni Ensley sa States.

I don't know ,pero naaawa ako sa sarili ko e. Feeling ko ang sama-sama ko sobra,hindi ko ba pwedeng gawin at kunin ang bagay na nakakapag pasaya sa akin? The fact na kahit alam kong mali at sobrang mali para kunin o abutin ko yung pangarap na alam kong bubuo sa pagkatao ko ay kailangan kong ipaglaban at magbulag-bulagan sa katotohanan. I silenty whispered.

"Pero bro..."hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng nagsalita ulit si Jeus.

"Pero mahal mo na siya? Wala sa usapan natin yun,bro. Ang unfair mo para kunin yung taong para sa akin naman talaga,yung usapan natin ay alagaan mo lang siya kasi ikaw lang yung kakilala niya doon,pero kung alam ko lang na ganito ang ibabayad mo sa akin,mas maganda nalang na sinuway ko si Dad noon."nakita ko ang luhang pumatak mula sa mata ni Jeus,the tears na he's stating the truth.

Ang totoo naman kasi e,hindi talaga totoo yung kasal namin ni Ensley,walang ibang nakakaalam doon kundi ako lang at yung secretary ng Priest na kumasal sa amin. Ni si father nga e hindi niya din alam na pekeng kasal yung nagaganap noon. Planado talaga ang lahat noon,ayoko munang magpakasal kami ni Ensley ng legal hanggat hindi ko natatanggap ang basbas namin mula kay Jeus,kasi kahit papa'no nirerespeto ko parin si Jeus bilang kaibigan. Nakaka gago man pero wala e,iisang babae yung mahal namin. Ensley is my ex,at alam kong minahal niya ako noon at mas minahal ko siya noon. Kaso sinira ko lang yun dahil sa nahulog ako sa isang babaeng lolokohin rin naman pala ako sa huli. After no'n sobrang pinagsisisihan ko ang ginawa ko kay Ensley to the point na walang araw na hindi ako uminom ng alak. Sa mga panahong iyon ay sobrang sinira ko ang sarili ko at ganun din sa buhay ni Ensley,ginulo at binalewala ko ang tahimik na buhay at tiwala niya sa akin. Aftero noon wala na akong mukhang maiharap sa kanya,galing ako noon ng Thompson University before ko nakilala si Ensley,lagi ko siyang nakakasalubong everytime na dumadaan ako sa palikong kanto sa amin. Araw-araw yun hanggang sa hindi ko namamalayan na nahuhulog na ako sa kanya na kahit hindi ko pa naman alam ang pangalan ang pagkatao niya. Ang amo kasi ng mukha niya e to the point na nakakawalang ganang pumasok sa school at umuwi galing school ng hindi ko man lang nakasalubong si Ensley.

Grade 9 ako noon noong una ko siyang nakita at sinubaybayan,hanggang sa dumating ako sa puntong sinundan ko siya papunta ng school niya para alam ko kung saan siya nag-aaral. She's studying in apublic school,lumipas pa ang ilang buwan walang nagbabago at patuloy parin akong nagiging stalker ni Ensley ng napagdesisyonan kong pumasok sa school kung saan siya nag-aaral without knowing na ang school na pinasok ko ay doon din nag tatrabaho ang mom ko as principal. Pagka parking palang ng mustang ko sa field area ay nagsimula ng nagtinginan ang mga estudyante sa car ko di tulad sa Thompson University na normal lang at minsan nga wa epek lang sa bawat isa sa TU. Ng bumaba ako ay nakita ako ang naging reaction ng mga estudyante doon lalo na ang mga girls na nakatulala sa kung saan ako nakatayo noon. May mga nagbubulungan,nakangiti at parang may kinikilig base sa mga reaction nila. Naglakad ako paputang principal office at madali ko lang yun nahanapan dahil may mga sugnage namang nakalagay sa paligid. Nasa tapat na ako ng office ng may nakita akong frame na may nakalagay na pangalan at pagkakakilanlan ng taong yun. My mom's name,alam kong principal si mom pero wala akong alam kung saan siya mismo principal. Agad-agad akong pumasok sa loob at bumungad sa akin si mom na halatang nagulat din sa presensyang dulot ko.

"Hey, what are you doing here?"taas kilay ni mom si akin,may hindi kasi kami pagkakaintindihan ni mom last month dahil sa nagawa ko sa TU na pambubugbog sa isa sa schoolmate ko.

"Ahmmm how are you mom? I'm here to surprise you." Mabilis kong sagot sa kanya.

"Just take a sit,ijo"she asked.

Umupo ako sa harap niya at nag puppy face na alam kong alam na ni mom kung na may kailangan ako.

"What's your favor,ijo?"She asked.

"Ahm mom,kilala mo ba 'to?"Pinakita ko sa kanya ang picture ni Ensley na nasa phone ko na kuha ko sa kanya noong nakasalubong ko siya noong bumalik ako sa bahay dahil may nakalimutan ako at siya naman ay papuntang school palang.

"Siyempre! She is one of the most brilliant and outstanding student here."Agad na sagot ni mom sa akin. Mas lalo akong nagkaroon ng interest na kilalanin siya. She's exciting!

"At bakit?"Tanong ulit niya sa akin. Nguniti ako kay mom at agad-agad na lumabas sa office niya.

I asure na next year ay lilipat ako dito sa school na ito.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now