Chapter 22

641 27 0
                                    


Kinakausap na kami ni ma'am ngayon sa office niya.
Kaming dalawa ngayon ni taong palaka ang kinakausap dahil siya yung nanalo between siya at si Ms. Delavega dahil nalamangan siya ni taong palaka.

May isang question na pati ako hindi rin alam ang sagot,para sa akin iyon yung pinakamahirap na tanong.

Nagtaka ako nung itinaas ni taong palaka ang hawak niyang illustration board,at tumambad sa amin yung sagot niya. Napakalalim na salita,isang salita lang yun na may apat na letra.

Pero first time ko lang yun naencounter na salita sa buong buhay ko. Then isa pa hindi naman iyon na ituro sa amin ng kahit na sinong naging teacher namin.

Nagpalakpakan naman yung mga classmate kong mga babae,nagtilian at sigawan. At yung mga iba naman ay pumalakpak na parang hangang hanga sa kanya.

Pero sa totoo talaga,napapahanga talaga ako dito sa taong palakang ito,tahimik pero may maibubuga,walang modo,pero may pagkaseryoso sa lahat ng bagay.

Kagaya niya yung tipo ko sa lalaki.
Aaah este,hindi pala. Hinding-hindi ako magkakagusto sa katulad niya.

"so, inter campus lang itong competition na ito,kaya hindi kasali sa time niyo dito sa class ang pagrereview,so that make your own time to review kung pupwedeng dapat sa weekend kayo magreview is no problem,but I expecting too much to both of you. Ms. Almeda and Mr.  Azriel!" paliwanag ni ma'am sa amin. Kaya tumango nalang kaming dalawa.

"Ok po" sabi ko,habang si taong palaka ay nakatingin sa phone niya,sa tingin ko hindi siya nakikinig.

"Wait,kung gusto niyong makapunta sa ibang school to compete,do your best,kase kung sino yung magchachampion dito is sila na yung magiging representative ng school natin for the inter school competion,malaking kompetisyon iyon,puro mga Universities na kilala sa bansa natin."

Napanganga nalang ako sa mga sinabi ni ma'am,hindi ako makapaniwala sa pinasukan ko,oo,lagi akong ginagawang representative ng school namin para makipag compete for quiz bee,pero hindi ganito yung nararamdaman ko,parang nakakapressure.

There's a big expection from the school.

Hays teka,bakit ko na ba iniisip yung inter school na competition eh hindi pa nga natatapos yung inter campus na competition. Napakaexcited ko na doon sa part na yun.

Naeexcite lang kase ako na parang natatakot,kase iniisip ko yung mga sasabihin ng mga classmate ko.

Kaya kailangan ko talagang gawin,ah este namin pala ang lahat ng makakaya namin.

Hindi kami pwedeng matalo kase diretso na nananalo ang section namin kung quiz bee ang usapan.

Pero may problema ako! Paano kami makakapagreview kung weekend lang naman kami pwedeng makapagreview.

Hindi pwedeng magstay kami sa iisang lugar na kaming dalawa lang.

At hindi rin pwedeng pumunta siya sa bahay namin para makapagreview kami.

Ahmmm oo nga! Ngayon ko lang narealize na iisang bahay lang pala kami nakatira. Pero ang problema paano nga kami magrereview kung hindi ko naman siya close at ayaw ko rin naman siyang maging close.

Sure akong hindi kami makakapagreview kung kaming dalawa lang ang magkasama,baka puro away lang din kami.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now