Chapter 70

361 24 1
                                    


Dalawang araw na akong absent sa school. Miyerkules ngayon at sa friday na ang Intramurals. Baka hindi na ako makaka attend. Pero ok lang naman , Wala rin naman akong ganap e.

Pero napapaisip ako sa mga mangyayari, siguro super exciting nun and isa pa sana ako sa mga mag chicheer sa mga pambato namin dahil ako lang ang may pinaka malakas na boses sa department namin. First time ko sana itong intramurals sa pinaka mahal na University sa buong Pilipinas.

"Ms. Ensley Almeda?" Tawag sa akin ng nurse.

"Yes ma'am? May update na po ba sa kalusugan ni tatay?" Tanong ko kaagad sa nurse na pumasok sa kwarto ni tatay.

"Ahm yes ma'am, as of now ok naman ang heart beats niya, we don't need to worry. And isa pa pwede niyo na rin iuwi, today or tomorrow." Explain ng nurse.

"Ganun po ba? Thank you po ma'am" sabi ko sa nurse ng may galak.

After ng nga nalaman ko sa pagkatao ko, ok na ulit ako. Wala na akong pake sa kung ano man ang pagkatao ko. Wala din akong pake kung hindi ako tunay na anak nila nanay at tatay  ang mahalaga andyan sila na itinuring ako bilang tunay na anak.

Maya-maya pa'y gising na si tatay, nakita kong pinipilit niyang umupo then hindi pa ako nakakalapit ay nakaupo na siya. Malakas na nga talaga si tatay.

"Tay, ihiga niyo muna if hindi pa kaya." Pag papaalala ko kay tatay.

"Anak... Kaya ko naman e. Malakas ang tatay diba?" Biro nito sa akin.

"Tay naman e, alam ko pong malakas po kayo. Lumaban nga kayo sa sakit niyo e. And infairness nanalo po kayo" biro ko naman kay tatay.

Maya-maya pa'y pumasok si nanay at umupo sa tabi ko.

"Oh gising na pala ang tatay mo? Rey kain ka muna, may binili ako ditong beef mami na paborito mo." Aya ni nanay kay tatay para kumain.

"Akin na po nay, ako na po ang magpapakain kay tatay. Upo nalang po kayo dyan at alam ko pong wala pa po kayong tulog." Wala pa kasing tulog si nanay as in.

Kinuha ko na ang beef mami na binili ni nanay na paborito ni tatay na miryenda. Dahan-dahan ko siyang sinusubuan. Maganda din kasi ito para mainitan din kahit papaano ang tiyan ni tatay.

"Masarap po ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo anak,pero mas masarap pa rin ang luto ng nanay mo. Walang kapantay yun." Biro nanaman ni tatay. At hindi naman ako aminado e. Sobrang sarap naman kasi talaga ang luto ni nanay.

Maya-maya pa ay nag ring ang cellphone ko.

"Hello?" New number.

"Ahm Ensley si Velly 'to nakitawag lang ako kasi walang load yung cp ko." Sambit niya.

"Oh bakit ka napatawag, and class hour ngayon ha?" Tanong ko sa kanya at tiyaka tinignan ko ang relo ko. And in fact class hour nga.

"Oo e, pero wala pa yung subject teacher natin. Si Jenny may sakit raw. Gusto niyang sumali kaso ayaw siyang payagan ng daddy niya. Magpahinga raw muna siya at bawal muna siyang pumasok or gumawa ng kahit na anong trabaho kaya Ens..." Naputol yung call.
Tinry kong tawagan siya kaso hidni ko na rin matawagan out of coverage na siya.

Baka ok na siguro yung problema nila. Tatawag na tatawag naman yun e kung kailangan na kailangan talaga.

Pinauei ko muna si nanay sa bahay para makapagpahinga ng maayos. Isang bed lang kasi ang meron dito sa room ni tatay hindi naman kami pwedeng magsiksikan kasi magagalit yung nurse kung sakali.

"Sige anak, ikaw muna ang bahala sa tatay mo ha. Sinasabi ko naman kasing ok lang ako e. " explain nito sa akin.

"Hay naku nay, huwag na pong makulit. Baka mamaya niyan kayo pa po ang susu od kay tatay na titira dito sa hospital.

"Sige na po ma'am uuwi na po ako." Biro ni nanay sa akin.

"Dapat lang nay. Para makapag pahinga na po kayo. Nag aalala na rin po kasi ako sa inyo e. Ilang gabi ng wala kayong maayos na tulog." Kumbinsi ko kay nanay para hindi na siya mag-isip pa ng ano-ano. Baka manaya niya hindi na siya uuwi. Ayaw kasi nitong humiga lang habang may isa sa amin na nag hihirap. Gusto niyang sumabay siya at may gagawin din siya to stop the hard thing that one of us is facing.

"Ok nak, uwi na ako. Ikaw muna ang bahala sa tatay mo ha. Tawagan mo lang ako if may kailangan kayo." Paalam ni nanay sa akin.

"Sige po nay, ingat po kayo."

Kumabas muna ako sa room at umupo sa labas ng room ni tatay nung naka tulog na ito.

Ring!riiiing!ring!

Kinapa ko kaagad ang cellphone ko sa bulsa ko para tignan kung sino ang tumatawag.

Si mr. Azriel.

"Hello po sir?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Kamusta na ang tatay mo iha?" Tanong nito sa akin.

"Ahm ok naman na po siya. Bale makakuwi na po kami bukas." Sagot ko naman kay Mr. Azriel.

"Good to know iha. Ipakamusta mo nalang ako sa tatay mo ha. And magpapadala ako mamaya sa account mo, dagdag allowance niyo." Explain ni Mr. Azriel. Na ikinahiya ko. Nahihiya kasi akong humingi sa ibang tao e ng kahit na anong tulong. Mas gugustuhin ko nalang na harapin nalang ang lahat ng pagsubok ko sa buhay. Pero hindi naman ako humingi kay Mr. Azriel e. Kusa itong nag offer ng tulong.

"Pero Mr. Azriel, nakakahiya po e. Ok lang naman po kami. May ipon naman po ako mula sa pag aalaga ko kay Jeus."
Explain ko kay Mr. Azriel.

"Iha, tulong ko yan sayo. You did a great job and you deserve anything. Mabait kang bata at sobrang mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay. "
Explain nito sa akin.

"Salamat po, ginagawa ko lang naman po yung trabaho ko po, as if naman po kung hindi niyo ako itinuturing bilang isang pamilya pero higit pa sa pamilya ang turing niyo po sa akin. Kaya utang na loob ko po lahat ng tulong niyo po sa akin." Naramdaman ko kasi sa kanila ang pagpapahalaga. At nakita ko kung paano nila akong ituring na isang kapamilya nila.

"Basta iha ingat ka lagi dyan, alagaan mo ang tatay mo. Huwag mo muna problemahin si Jeus. Matanda na yun. Ipapadala ko nalang mayaya ha." At pinatay na nito ang call para hindi na siguro ako maka angal.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now