Chapter 66

409 18 2
                                    


Ensley POV

Pangalawang attend ko na ng practice Jenny, puro production number lang ang prinapractice namin. Super busy naman ni Jenny sa mga damit niyang isusuot. Marami akong naririning na baka si Jenny raw ang magiging next Ms. Intrans 2021. Hindi naman kasi imposible yun e. Napakatalino at napaka talented kasi niya. Akmang ihahakbang ko na ang paa ko sa hagdan ay may biglang humarang na paa sa harapan ko na naging dahilan ng pagka tapilok ko. Naiiyak ako sa mga sandaling yun. Habang pinapakinggan ko kung paano ako kutyain at pagtawanan ng lahat ng candidate na nandoon pati mga teachers ay nahahalata kong natatawa na rin pero pinipilit lang. Tumayo ako ng nakangiti at parang walang nangyari, pilit kong tanggapin na isa lang iyon na normal na pangyayari sa akin.

Sumunod ako sa unang candite before sa akin. Sobra ang pagrampa nila at ako nama siyempre lakad lang,yun lang naman ang bilin sa akin ni Jenny, imemorize ko lang yung mga steps at kung saan ba dapat siya pupunta. I thought na madali lang pero mahirap pala. Sa pagmememorize is super dali lang. Pero yung wala kang kakampi or makausap man lang habang nasa practice is super hirap.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may nakita akong matanda na sumilip sa pader na nakaharap sa stage na pinagpapracticesan namin. Nakatingin siya sa akin na hindi ko maunawaan kung bakit noya ako tinitignan.

"Lunch break guys, I expect na babalik kayo tomorrow ulit dito at the same time." Sigaw ng trainor namin.

Nagsitakbuhan na sa sari-sariling gamit ang mga kanditang kasama ko. Akmang hahablutin ko na ang bag ko na naka lagay sa bench may isang kamay na agad na humawak sa akin.

"Iha!" Sambit ng matanda sa aki, yung matandang kanina pa ako tinitignan.

"Ahm yes po? Diba po kayo yung nasa likod ng pader kanina?bakit po kayo nandito then isa pa po, paano po kayo nakapasok dito? E super higpit ni mamang guwardiya." Sunod-sunod kong tanong sa matanda.

"Kamukhang-kamukha mo si ma'am Rosemarie kis iha, magkasing ganda kayo." Mahalumanany niyang sabi sa akin na ako naman ay naguguluhan.

"Ha? Sino po si ma'am Rosemarie? Rosemarie kis? Sunod kong tanong ulit.

" siya yung asawa ni Mr. Kis, yung namamahala ngayon ng Thompson University mula ng namatay sa aksidente si ma'am Rosemarie noong araw na kinidnap ang anak nilang si Precious na hanggang ngayon hinahanap pa rin ni Mr. Kis." Paliwanag naman niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit may iba akong nararamdaman na hindi ko maunawaan. Lalo na noong binabanggit niya ng paulit-ulit ang Rosemarie. Lagi kasi akong nanaginip every night noong last year, kaso Rose lang ang naririnig kong pangalan niya at hindi ko maaninang mukha niya. Pero alam kong maganda siya, mahaba ang buhok, matangkad at maputi.

"So ang ibig niyo pong sabihin ay si Mr. Kis ang nagmamay-ari sa school na ito?" Tanong ko ulit sa matanda na nakatingin lang sa akin kanina pa.
Nawiwirduhan na ako kanina pa e.

"Iha, kamukhang kamukha mo talaga si ma'am Rosemarie, noong unang nakita kita noong first day mo dito ay napatulala ako sa'yo. Feeling ko ikaw yung anak ni Mr. Kis." Paliwanag niya ulit sa akin.

"Lola,hindi po ako taga dito e, then may nanay at tatay po ako. Sa probinsiya po na katabi lang ng lungsod na ito." Paliwang ko naman sa kanya. Kasi imposible na ang mga sinasabi ni lola.

"Iha, alam mo sobrang bait ni ma'am Rosemarie at ni Mr. Kis. At sobrang bait ng mga estudyante noon dito. Pero alam mo dahil sa pinsan ni ma'am Rosemarie ay nagbago na ang mga estudyante, wala ng mabait at magalang. Ang meron nalang ay mga estudyante na ubod ang galing. Sobrang talino. Kaya pinapangarap lahat ng sino mang estudyante dito sa buong mundo na makapag-aral sa school na ito." Sa pag eexplain niyang iyon ni lola ay tumaas agad ang mga balahibo ko. Kinabahan ako ng hindi ko alam kung bakit.

Magsasalita pa sana ako ay agad namang nag ring na ang bell hidyat na 5 minutes before ulit mag ring ay next subject na namin.

"Ahm lola, maiiwan ko po muna kayo dyan ha, malelate na po kasi ako." Paalam ko kay lola.

"Sige lang iha, ingat ka ha." Paalala naman niya sa akin.

Tumakbo na ako,kasi kung hindi ko pa tatakbuhin ito ay siguradong malelate na ako.

Mga dalawang minuto lang ata e narating ko na ang room ko. As ussual sobrang gulo nanaman. Binaba ko lang ang bag ko at nagtungo na sa lalagyan ng mga walis at dustpan. Nagwalis lang ako ng kaunti, tinangggal ko lang yung mga malalaking basurang nagkalat para medyo maging maaliwalas ang tingin ng teacher namin mamaya. Kahit na gustuhin ko mang walisan lahat ay hindi ko rin magagawa. Ang daming nagatatkbuhan at palakad-lakad. Baka mainis pa sila sa akin at ako ang pagdiskitahan.

Nasa tapat ako ng bintana dahil may mga iialang malalaking papel nagkalat doon,sumilip ako sa labas at nakita ko ang mga estudyanteng naglalaro at ang ilan naman ay nagtatapon ng mga basura at pinalalaruan ang mga plastic bottles at tiaya iiwan ito ng nagkalat lang. May mga estudyante rin na naninigarilyo sa gilid. Teachers can't control the students here at Thompson University. Kasi kung mangengeelam ang mga teacher sa ginagawa ng mga estudyante na hindi naman under sa academic ay maaring tanggalin sila as a teacher dito. Ang laki kasi ng sweldo ng mga teacher dito. Sinearch ko one time sa google. 129k every month maliban lang sa mga binayad sa mga SSS, PAG-IBIG or kung ano-ano mang kinakaltas sa sweldo ng mga public teacher.

Habang pinapanood ko ang nga estudyanteng nagkalat habang gumagawa ng mga gulo at dumi sa Thompson University ay unti-unting lumuha ang mata ko. Hindi ko maexplain kung bakit? Siguro naawa lang ako sa mga estudyante dito dahil hindi sila namulat sa good manner. Yes napakatalino nila pero hindi yun sapat e. Kulang na kulang ang pagkatao nila. At may isang rasin pa kung bakit ako napaluha pero hindi ko maintindihan, hindi ko mailabas o masabi man lang kasi parang naninikip ang dibdib ko nag nagiging dahilan kung bakit hindi ko mailabas ang isang rason kung bakit ako lumuha. Agad ko.naman itong pinunasan para wala makalahalata at makita.

"Uy!kalabit ni Velly sa akin. O umiiyak ka ata?" Tanong sa akin ni Velly.

"Baliw hindi! Kanina kasi yung alikabok na napunta sa mata ko. Tignan mo nga kung may puling pa." Tiyaka ko naman iminulat ng kay laki-laki ang mata ko para maging makatotohanan naman hahaha.

"Wala naman e. Bilisan mo na jan baka meron na si ma'am mamaya."

"Oo, tapos naman na din ako e."

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now