Chapter 82

363 37 2
                                    


Papunta kami ngayon ni Mr. Kis sa hospital kung saan kami nag pa DNA test. Ngayong araw kasi namin malalaman ang resulta.

Habang nasa sasakyan kami ay kwento ng kwento si Mr. Kis sa mga ganap noong nabubuhay pa ang asawa niya. Ang saya pala ng buhay nila noon. Tiyaka mas sumaya raw noong dumating ako sa buhay nila.

Wala pa akong balak sabihin kila nanay at tatay ang mga kaganapan ngayon sa buhay ko. Sasabihin ko lang ang mga ito pagkatapos namin malaman kung totoo bang ako si Precious. Pero kapag hindi, hindi ko na sasabihin.

"Ahmm Mr. Kis,noong nakakasama niyo po ako o noong unang pagkikita natin ay may iba ka po bang nararamdaman? Yung parang pakiramdam na ako yung kulang o ako yung matagal niyo ng hinahanap?" Tanong ko kay Mr. Kis. Hindi ko ba alam kung bakit ko natanong yun. Pero siguro dahil naramdaman ko rin yun noong unang nakita at nakasama ko si Eliel.

"Ensley, maniwala ka man o hindi, noong panahong hindi pa kita nakikita kundi yung pangalan mo palang habang binabasa ko sa enrollment form mo noon ay tumibok na ng bahagya ang puso ko, pakiramdam ko I finally hound my happiness. Anak,ramdam ko na ikaw nga talaga si Precious. Ramdam na ramdam ko yun." At that moment nakita ko si Mr. Kis na lumuha. Nataranta ako sa nakita ko kaya agad kong kinuha ang panyo ko at pinunasan siya.

Pinipigilan ko rin ang emosyon ko na kanina ko pa gustong ipakalandakan kaso ayokong magpa epekto baka kasi mali ang instinct ni Mr. Kis.

Ayokong maniwala muna.

"Sir?" Sambit ko.

"Yes Ija?"

"Sir, paano po kung negative yung lumabas?" Tanong ko sa kay Mr. Kis habang kinakabahan.

"Walang problema doon Ija,kasi anak na ang turing ko sayo. Mrami akong natutunan sa'yo. Sobrang dami. Yung mga iba, kuhang-kuha mo sa ugali ng asawa ko. Pero naniniwala ako na positive ang DNA test natin. Nraramdaman ko Ensley." Hindi ko ba alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko kasi sa unang pagkakataon na mula ng pumasok ako sa Thompson University ay si Mr. Kis palang ang kuma-usap sa akin na Teacher at sa ganitong kalagayan pa. Ang bait niya, pero bakit hindi niya na control ang mga estudyante na maging mabuti din katulad niya.

Hanggang ngayon, isang malaking tanong pa rin sa akin ang mga nang yayare ngayon sa Thompson University. Ang tanong kung bakit namatay si Ms. Rosemarie Kis na asawa ni Mr. Kis. Isang misteryong bumabalot sa lahat ng mga estudyante ng Thompson University.

"Ija? Noong last year ay may naka usap kong isang matandang babae sa labas ng Thompson University. Nakaupo siya sa malapit sa Guard house. Hindi ko siya kilala e." Napa kunot noo nalang ako ako sa mga nasambit ni Mr. Kis.

"Anong pong napag-usapan niyo?" Tanong ko.

"Alam mo ang naramdaman ko noong nakita ko siya ay naawa ako, parang nabunutan ako ng isang tinik na kung saan yung tinik na yun ang siyang babagk sa buhay ko." Tinignan ko siya ng masinsinan, pinakinggan ko siya ng pokus na pokus. Ayokong wala akong marinig ni kahit isang salita. Dapat marinig at maunawaan ko ang mga sasabihin ni Mr. Kis. Naka focus din siya sa pagdadrive habang nag sasalita. Ang lungkot ng boses niya.

FLASHBACK

MR. KIS POV

Habang naglalakad ako papalabas ng Thompson University ay naoatigil nalang ako bigla malapit sa guard house ng may isang matandang nakaupo doon. Ngayon ko lang siya nakita mula noong ako na ang nag manage sa Thompson University.

"Hello po, may hinhintay po ba kayo?" Tanong ko sa matanda na ang dumi-dumi niya. Makikita mo sa pisikal na anyo niya na isa siyang palaboy.

"Anak? Malapit na dumating ang sagot..." Sambit niya. Hindi ko pinansin sa una ang nga nasambit niya kasi hindi ko naman siya kilala at mas lalong hindi rin niya ako kilala.

"Maniwala ka lang, anak. Magpatuloy ka. Malapit na. Andyan na yung sagot." Sabay hinawakan niya ang bandang dib dib ko. Anong gusto niyang  ipunto? Is there's something happen to me or in Thompson University? Hindi ko siya kilala pero nakakaramdam nanaman ako ng kakaiba na una kong naramdaman kay Ensley.

"Magiging mabait ang mga estudyanteng nag-aaral dito dahil sa isang tao. Dahil sa estudyante din dito." Magtatanong pa sana ako kaso  may isang dumating na bata na inaya siyang umalis na. Hindi na ako ako nag atubiling habulin siya dahil natameme ako sa kinanatuyan ko.

Naglakad nalang din ulit ako papunta sa kotse ko.
Ang daming nangyari ngayong araw na ito.

END OF THE FLASHBACK

"Bakit hindi niyo po hinabol? Baka kasi kulang pa ang mga sasabihin niya." Tanong ko kay Mr. Kis.

Maya-maya pa'y himinto na ang kotse sa harap ng isang hospital.
Siguro dito siya nagpa DNA test. Bumaba na ako noong pinag buksan na ako ni Mr. Kis ng pinto.

"Alam na po ba ito ni Eliel sir?" Tanong ko. Habang naglalakad kami ngayon sa hallway ng hospital.

"Hindi pa ija, sasabihin ko lang kapag nakumpirna ko na, na anak talaga kita."
Ramdam ko parin ang lungkot sa boses ni Mr. Kis.

Nabaling ang paningin ko sa kanang kamay ni Mr. Kis. Nakita kong hawak-hawak niya ang kuwintas ni Ms. Rosemarie Kis.

Nasa harap na kami ngayon sa pinto ng laboratory. Pinili ko nalang din ang umupo nalang sa labas at hintayin nalang si Mr. Kis, para siya nalang din ang kukuha ng resluta.

Mgaisang oras din ang hinintay ko sa labas bago lunabas si Mr. Kis.

Naoatayo ako kaagad noong narinig kong bumukas ang pinto ng laboratory.

Inakap agad ako ni Mr. Kis ng mahog na mahigpit.

"Sir, ano pong resulta?" Tanong ko ng mahinahon.

"Anak..."

"Sir ano pong ibig niyong sabihin? Napapaluha na ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Kinakabahan ako na sa kabilang banda ay sobrang saya.

" Positive Ensley, anak kita. Sa wakas, matapos ang mahigip na labing pitong taon, nahanap din kita." Umiiyak na si MR. Kis at ako naman ay umiiyak na rin.

Hindi masukat kung gaano ako kasaya ngayon.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now