Chapter 81

399 32 7
                                    


Monday ngayon,naghahanda na ako para sa pagpasok ko sa Thompson University.

Naligo at kumain na rin ako. After kong kumain ay bumaba na ako at yun meron na si Jaycer sa labas. Kinuha ko na yung mga gamit ko sa sala na binaba ko na kanina.

Papasok na sana ako sa kotse ni Jaycer ay agad na may sumulpot na kotse sa likod ko. Medyo malayo naman,  mga 5 meters away. Tiyaka bumusina ito ng isang beses.

"Sakay dito!" Sigaw ni Jeus sa akin.

"Ok lang, dito na lang ako kay Jaycer para walang magulo sa kotse mo." Sagot ko sa kanya.

Sasakay na sana ulit ako sa kotse ni Jaycer ay sakto namang bumaba si Jeus sa kotse niya at tumungo sa akin. Hindi ko inasahan ang gagawin niya sa akin. Hinila niya ako papunta sa kotse niya kaso di pa ako nakakapasok ay bumaba na rin si Jaycer sa kotse niya.

"Ano bang problema mo ha?" Tanong ni Jaycer sa kay Jeus.

"Huwag ka ngang mangeelam dito Jaycer." Sagot naman ni Jeus kay Jaycer.

"I have a right Jeus, She is my girlfriend." Sagot ni Jaycer.

Agad na sinuntok ni Jeus si Jaycer na kinabigla ko.

"Eh ano naman kung girlfriend mo siya ha?" Nagugulihan na ako kung ano ang gagawin.

"Please lang tama na Jeus, Jaycer!" Sigaw ko sa kanila.

"Itong lalaking ito kasi e." Turo ni Jaycer sa kay Jeus. Di ko na nakikita ang pagkakaibigan nila e. Ayokong masira ang pagkakaibigan nila dahil sa akin.

"Kung ganun Jaycer, break na tayo." Sagot ko.

"Ensley naman, mahal kita e. I love you" pagmamakaawa ni Jaycer sa akin.

"Jaycer please. Tapos na tayo at wala ka ng obligasyon sa akin. Layuan mo na ako at lalayuan na rin kita. Jeus please lang, tratuhin mo ako bilang taga alaga mo o bilang employee mo. Ayoko ng gulo. Ayokong mas lumaki ang problema" Explain ko sa kanila habang umiiyak na. Ang sakit sa dibdib e. Minahal ko na si Jaycer e. Di ko maimagine na hahantong kami ng ganito.

Sumakay na ako sa kotse ni Jeus at naiwan na nakatayo si Jeus sa labas. Ayokong lumaki itong gulong ito. Ayokong dumating sa puntong malaman ng mga estudyante sa Thompson University ang tungkol sa amin.

Nabalot ng katahimikan ang loob ng kotse ni Jeus. Walang imik na narinig hanggang sa nakarating kami sa University.

Agad na bumaba si Jeus pagka stop ng kotse niya. Ipinagbuksan niya ako. At kinuha rin niya ang mga gamit ko. Wala siyang pinag bago. Nagtungo na kami at pinili naming dumaan sa corridor.

Habang naglakad kami ay may hinahanap akong papel sa bag ko. Kaso sa pagmamadali ko habang naglalakad at naghahanap ng papel sa bag ko ay may nakabangga ako si Mr. Kis.

"Sir sorry po, tinulungan ko siyang pulutin yung mga nagkalat na gamit niya pati si Jeus ay tumulong na rin.

Iniabot ko yung mga ibang gamit ni Mr. Kis at sunod naman na nag abot ni Jaycer kaso hindi ko inasahan yung iaabot niya. Isang kuwintas. Kuwintas na pamilya sa akin. Sobrang pamilyar dahil suot ko ngayon yun.

" wait lang Jeus, sir sa inyo po ito?" Tanong ko sabay ko hinawakan ko yung dibdib ko baka kasi yung sa akin ang nahulog. Kaso suot ko pa e.

"Sir sa inyo po ito?" Ulit na tanong ko. Kinakabahan ako sa isasagot ni Mr. Kis.

"Ahm oo Ensley. Sa akin yan.." Sagot niya sa akin ng mahinahon.

"Sir may ganyan din ako e." Sagot ko naman at inilabas ko yung kuwintas ko na nakatago sa loob ng t-shirt ko.

Lumapit sa akin si Mr. Kis at hinawakan yung kuwintas ko.

"Ito nga,Ensley ikaw si Precious. Kaya pala ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sayo." Yinakap ako ni Mr. Kis. Samantalang ako wala pa ring kibo. Hindi nagpaprocess yung utak ko pati katawan ko. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang gagawin ko. Kung maniniwala ba ako o hindi.

"Mr. Kis, pano po nangyari yun?" Tanong ko.

"Mahabang kuwento Ensley. Mamayang lunch ieexcuse kita sa  adviser mo. Pupunta tayo ng laboratory to get DNA test." Sambit niya.

"Sir, baka po kaparehas lang po ito ng kuwintas mo. Baka maraming ganito e. Sinabi po ng tatay ko na ampon daw ako at kabibigay lang niya ito sa akin noong isang buwan." Explain ko.

"Sigurado ako na iyan yan kasi isang pares lang yan dito sa mundo. Isang pares na original at ni isa walang kapareha pero maraming gustong gumaya niyan kaso hindi nila makuha-kuha ang tamang timpla niya. Maraming nakakagaya sa itsura niya kaso yung quality niya hindi magagaya ng sino man. Maliban sa gumawa nito. Kaso patay na siya." Explajn sa akin ni Mr. Kis.

"Papayag po ako na mag DNA test sir." Pag sang-ayon ko.

"Kinamayan ako ni Mr. Kis at umalis na siya." Habang naglalakad kami ni Jeus namumuuo nanaman ang mga luha ko sa mga mata ko. Anong ibig sabihin ng mga nangyayari sa akin. Totoo ba ito o panaginip lang? Parang ang saya lang kasi e. Yung katotohanang matagal ng tinago ng tatay at nanay ko ay malalaman ko ngayon. Unti-unti ko ng nakukuha ang mga sagot.

"Ensley,ito na yun. Yung matagal ng sagot na hinihintay mo. Magtiwala ka lang. Tumigil kami sa isang corner bago sa likuan na papunta sa room namin.

"Salamat!" Tiyaka ko siya yinakap.

"Welcome, andito lang ako Ensley. Yung mga sinabi ko noon ay totoo. Na mahal kita." Sambit niya.

"Salamat ulit." Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. Oo alam kong mahal niya ako kasi nararamdaman ko yun. Yung mga gabing ang akala niya ay hindi ko alam yung mga ginagawa niya sa tuwing hindi ako naka kumot dahil natulugan ko yung mga libro ko. Yung wala akong unan at kanya naman akong lalagyan ng unan. Sa mga pagkakataong yun ay alam ko na. Na may ibang nararamdaman si Taong Palaka sa akin. Kaso ayoko lang paniwalaan yun dahil baka hindi totoo. Na baka ginagawa lang niya iyon dahil naaawa lang siya.

Thompson UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon