Chapter 78

359 21 2
                                    

ENSLEY POV

"Ensley!" Tawag sa akin ni Jaycer pagkababa namin sa sasakyan niya.

"Bakit Jaycer?" Tanong ko sa kanya.

"Parang familiar itong kuwintas mo?" Tanong niya sabay hinawakan niya ang kuwintas ko, parang may iba akong naramdaman na parang ang saya lang at nakakakaba. Hindi ko ba alam kung ano itong nararamdaman ko. Nakalimutan ko palang naipaloob ang kuwintas ko sa loob ng damit ko.

"Saan mo nakita?" Agad kong tanong sa kanya.

"Kanina ko pa kasi tinitignan e, kaninang nasa mall pa tayo. " sagot niya, oo nga pala naka off shoulder lang ako kanina kaya hindi ko na naitago sa loob ng damit ko itong kuwintas ko.

"Para kasing nakita ko na siya many years ago. Kaso hindi ko maalala kung saan at kailan ko nakita." Explain niya.

"Jaycer, sayo ko lang ito sasabhin. Mangako ka na hinding hindi mo ilalabas o ipagsasabi sa kahit na sino ang malalaman mo sa akin ngayon."paalala ko sa kanya. Balak kong sabihin sa kanya ang pagkatao ko para kung sakaling maalala niya kung saan niya nakita ang kagaya ng kuwintas ko ay matutulungan niya ako para mahanap ko ang totoo kong mga magulang.

" promise!"sagot niya at itinaas pa niya ang kanang kamay niya.

"Sabi nila tatay ay nakasuot raw ito sa akin noong araw na napulot nila ako. Oo Jaycer ampon ako. At wala akong kaideideya kung sino ang mga magulang ko. Tanging itong kuwintas na ito ang makakasagot sa lahat ng katanungan ko sa pagkatao ko.

" Alam mo Ensley, everything happens for a reason. Lahat ng hinahanap mong rason ay masasagot din balang araw. Hindi man sa ngayon pero darating din basta magpakatatag ka lang ha?"explain niya.

"Salamat" sagot ko sabay yakap ko sa kanya.

"Oh sige, pasok kana, siguradong kanina ka pa hinhanap ni Jeus.

"Sige sige, good night Jaycer. Sumaya ako sa araw ito. Ingat sa pagdadrive ha?" Paalam ko sa kanya.

"Opo ma'am!" Sagot niya tiyaka siya ngumiti, yung ngiting nakakahulog ng panty hahaha charot.

Pumasok na siya sa kotse niya at nagtungo na rin ako sa loob.

Nakita ko si kuyang guard, naka simangot ito na parang natatakot.

"Good evening kuya" bati ko sa kanya.

"Good evening din." Bati niya din sa akin.

"Kanina ka pa hinihintay ni Sir Jeus sa may bench na paborito mong tambayan." Bulong niya na ikinataka ko naman. Pero alam ko na kung ano ang rason, dahil siguro sa hindi ako nakapagpaalam sa kanya.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa binanggit ni manong guard na tamabayan ko sa may bench na nasa garden.

Ng malapit na ako sa garden ay unti-unti ko nalang na inihahakbang ang paa.  Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan kasi hindi naman ako ganito pagdating kay Jeus e.

Nasisilayaan ko na siya. Naka pang long sleeves siya at touser at naka whote shoes. Ang gwapo niya sa suot niya. Ng nakita na niya ako ay agad siyang tumayo sa pagkakaupo niya sa bench.

Ilang hakbang nalang ang pagitan naming dalawa. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nadadala ako ka gwapuhan niya nakakainis.  Humakbang pa ako ng ilang beses at iyon isang hakbang nalang ay nasa pwesto na niya ako.
Ilang segundo din kaming nagkatitigan.

"Bakit?" Bungad kong tanong.

"Bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam sa akin? At bakit ka umalis na hindi ako kasama?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"Nakapagpaalam ako kay Mr. Azriel." Agad kong sagot.

"Hindi mo ba alam na gusto ka ni Jaycer ha?" Saad niya, hindi ako nakaimik.

"Hindi niya ako gusto, nilibre lang niya ako dahil sa pagkakapanalo ko bilang newly crowned Miss. Intrams at wala ng hihigit pa doon."explain ko sa kanya ng medyo malakas ng boses.

"Napaka manhid mo Ensley!" Sigae niya.

"Ikaw ang manhid Jeus. Ni minsan hindi mo ako inunawa. Puro nalang yang sarili mo ang iniintindi mo!" Sigaw ko sa kanya na nangingilid na ang mga luha ko. Kaso hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa niya. Hinalikan niya ako ng mainam. Ilang sagendo din akong hindi nag process. Hindi ko naramdaman ang katawan ko at ang labi ko.

Kaso ipang ilang segundo ay nahimasmasan ako, itinulak ko siya ng buong lakas ko. At sinampal ko siya ng sobrang lakas.

"Gaanyan nalang ba talaga ang tingin mo sa akin ha? Pati ba sa paghalik ang gusto mo madali lang din akong nakukuha?" Ssinuntok suntok ko siya sa dibdib niya at sobra na din ang pag-iyak ko.

"Hindi mo ba alam na masaya ako na tuwing kasama ko si Jaycer, nararamdaman ko yung care noya sa akin. At oo, gusto ko siya. Hindi ko na din alam kung mahal ko na siya." Explain ko sa kanya. Nakita kong may tumulong luha sa mata niya. Pinunasan niya agad iyon at tumakbo na agad papalayo sa akin. Hindi siya umiiyak e at alam ko iyon. Naikuwento minsan sa akin ni Mr. Azriel. Na kahit sobrang sakit na raw ng nararamdaman niya ay hindi niya kayang umiiyak mas  lalo na sa harap ng mga babae.

Nasasaktan ako e,nagsisisi ako sa mga nasabi ko. Hindi ko naman sinasadya e. Kaso sobrang nasaktan lang ako. Wala siyang karapatang diktahan ako sa mga gusto kong gawin sa buhay ko kasi ang tito naman niya ang boss ko. At isa pa wala siyang karapatang kunin yung first kiss ko.

Unang-una palang, lahat ng bilin sa akin ni Mr. Azriel para sa kanya ay sinunod ko. Lahat ginawa ko para sa kanya.

Umupo nalang din ako sa bench at hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak ko.
Oo mahal ko na si Jaycer. Isa siya sa mga rason kung bakit ako pumapasok araw-araw. Makita ko lang yung mukha niya. Yung maamo niyang mukha buo na ang araw ko.

Pilit kong pinipigilan itong nararamdaman kong ito kaso hindi ko kaya e. Mahal ko na kasi talaga siya. Ang sarap niya kasama. Ang gaan sa loob. Kaso feeling ko kaibigan lang talaga ang turing sa akin ni Jaycer. Ramdam ko yun e.

1 am na at napagdesisyunan ko ng pumasok kasi may pasok pa ako ng maaga bukas at maaga ko pang gigisingin si Jeus.

Nasa harap ako ngayon sa kwarto ni taong palaka at nakita kong nakauwang ng kaunti ang pinto niya.

Lumapit ako doon at isinara ko ng dahan-dahan.


Thompson UniversityWhere stories live. Discover now