Chapter 6

978 39 1
                                    


Eliel POV

Busy akong gumagawa ng mini house na project ko na ipinagawa ni Mrs. Cruz,ng may narinig akong sigaw ng babae. Liningon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ensley na nanlilisik ang mga mata habang tinititigan si Jeus.

"Ano bang problema mo?" nanggigigil na sigaw ni Ensley kay Jeus.

"Wala,bakit may problema ba?" sagot ni Jeus kay Ensley.

"Ang problema dito ay napaka pakeelamero mo sa buhay ng may buhay."

"Pinakeelamanan ba kita?"

"Hoy! Pinaghirapan ko tong project kong to,pero sinira mo lang ng walang ano-ano,alam mo bang dugo't pawis ng mga magulang ko ang ginugol nila para mabigyan lang nila ako ng perang pambili sa nga materyales na gagamitin ko dito!" explain ni Ensley,na nahahalata kong naiiyak na.

"Yan ba yung project mo? Akala ko kase basura eh!"

"wala ka talagang awa!" inagaw ni Ensley ang hawak na lemon Juice ni Jeus at ibinato kay Jeus,na naging dahilan ng pagkabasa ng kanyang uniform.

Ng akmang sasampalin na ni Jues si Ensley ay tumakbo ako at hinawakan ang braso ni Jeus para hindi niya maituloy ang planong pagsapak kay Ensley.

Nakita kong napapikit si Ensley at di pagkaraan ay iminulat na niya ang kanyang nga mata. At tinignan lang niya saglit si Jeus at mabilis itong tumakbo palabas ng classroom.

Mabilis ko namang binitawan ang kamay ni Jeus at sinundan si Ensley.
Pero napakabilis niyang nawala. Kaya hinanap ko siya,pumunta ako sa likod ng building namin pero wala siya dun. Sunod naman ay pumunta ako sa likod ng building ng Elementary Department at may nakita akong isang babaeng nakaupi habang nakasubsub ang ulo sa tuhod niya. Humihikbing umiiyak ito. Hinawakan ko ang likod niya na dahilan ng paglingon niya sa akin tapos abot sa kanya ng panyong hawak ko.

Diko alam kung bakit,sa tuwing nakikita ko si Ensley parang ayaw ko ng mawala pa siya sa paningin ko. Feeling ko napakaimportante niya sa akin.

Pero naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko,ang hirap ipaliwanag. Basta alam ko napakagaan ng loob ko sa kanya.

Namimiss ko lang siguro yung kapatid kong babae,ka age na niya ito ngayon. Kase mula ng dinampot si baby Precious sa amin ay napakaboring na ang buhay ko.

Isang taon lamang ang agwat namin noon,naaalala ko pa nun na pinapag aral na ako ni mommy kaso ayaw ko muna. Sinaggest ko kay mommy na sabay nalang kaming mag aral ni Precious para maprotektahan ko siya.

Nagising nalang ako sa umaga na,nakita ko si mommy at daddy na umiiyak.

"Mom? Ano pong nagyayare?"

"yung kapatid mo!"

"ano pong nangyari kay Precious?"

"kinidnap siya ng mga di nakilalang mga lalaki!"

"mom,hanapin po natin si Baby Precious,mom! Pleease!Dad? Please!"

"Sinubukan na naming hanapin siya anak kaso mahirap talagang matukoy kung sino sila,pero may kutob akong may kapakanan dito yung nga kalaban ko sa negosyo."

Ensley POV

Akay-akay na ako ngayon ni Eliel papunta sa classroom namin.

Dumiretso ako sa armchair ko at itinuloy yung project ko. Tuyo na ito,tahimik akong gumagawa at ang ilan namang classmate ko ay naglalaro. May naghahabulan at nagbabatuhan  ng bolang gawa sa papel.

Sinilip ko si taong pala at iyon,on time ding gumagawa ng mini house niya. Maganda yun, at napansin ko ring nakapalit na siya ng uniform niya at aminado akong napakafresh parin niya hanggang ngayon.

Napaka sincere ng mukha niya animo'y wala siyang ginawang kasalanan kanina.

Nang natapos na yung mini house ko ay inayos ko na ang mga gamit ko at dumiretso na sa labas. Pwede na raw kase kaming umuwi dahil maghapon daw yung meeting nga teachers. Pinili ko nalang umuwi ng mas maaga para matulungan ko pa si nanay sa mga gawaing bahay.

Naglalakad ako ngayon sa gilid ng high way,bumili pa kase kase ako ng tinapay sa bakery shop na malapit sa school ko para may pasalubong ako kay nanay.
Pinili ko na ring maglakad nalang,nga 30 mins ito kung lalakarin ko mula dito hanggang sa bahay namin.

Ayaw nila nanay at tatay na naglalakad ako papasok man or uuwi,ayaw daw nila akong nahihirapan. Kaya mahal na mahal ko ang mga yun eh.

Habang naglalakad ako,napaghahalataan kong may parang sumusunod sa akin,kapag lilingunin ko naman ay wala naman akong makikita. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero akmang lilingunin ko nanaman kung sino yung sumusunod sa akin ay may isang kamay na may hawak na panyo ang siyang biglang humablot sa akin na dahilan ng pagkahilo ko at pagkawala ng malay.

Minulat ko yung mata ko dahan dahan,sa una nasinag ako sa liwanag na kinaroroonan ko,puro puti yung nakikita ko,nasa langit na ba ako?

"Miss,ok ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong sa akin ng isang babaeng nakasuot ng puti.

"ahm,a-a-aray,"

"miss magpahinga ka muna!"

"anong ginagawa ko dito?"

"may nagdala sayo dito na isang lalaki,dinala ka niya rito ng walang malay."

"Sino yung lalaking nagdala sa akin dito?"

"pasensya miss,pero akmang tatanungin ko sana siya,pero nagmamadali itong umalis,sa katunayan niyan,binayaran na rin niya yung mga gastusin mo dito."

"Salamat po"
Tanging nasambit ko.

Pero sino kaya naman yung lalaking tumulong sa akin.kung hindi dahil sa kanya,sigurado akong,pinagpipiyestahan na ako ng lalaking may balak sa akin.

Jeus POV

Nakasakay ako ngayon sa kotse ko,pauwi na sana ako ng nakita ko si Ensley na naglalakad,sa di nagtagal ay may biglang humablot sa kanyang isang lalaking naka hoodie. Mabilis akong bumaba sa koyse ko para maabutan sila.

Mabilis kong hinwakan ang likod ng lalaki at hinrap siya sa akin.

Sinuntok suntok ko ito,pero sa pang apat na suntok ko ay nakailag siya ako naman ang sinuntok suntok niya.

May inilabas siyang isang kutsilyo,itinutuk niya ito sa akin pero ng akmang isasaksak niya iyon sa akin ay napigilan ko.

Nag agawan kami sa kutsilyong hawak niya. Sa huli nakuha ko trin iyon,itinutuk ko sa kanya,pero natakot ata kaya tumakbo ito.

Mabilis kong binuhat si Ensley papunta sa kotse ko,wala siyang malay.

"Haayst ba't ba kase hindi nag iingat itong babaeng ito,alam naman niyang  maraming manyakis dito!" bulong ko habang tinititigan si Ensley.

Pinaharurot ko ang kotse ko,at idinala ko siya sa pinakamalapit na hospital.

"Nurse!take care of her,"sabi ko sa nurse na agad na sumalubong sa akin.

"yes sir,kami na bahala dito,"

"ok"
sinundan ko siya hanggang sa ipinasok na siya sa ER,naghintay ako sa labas.

May lumabas na nurse,

"hows my patient?" tanong ko sa lumabas na nurse.

"ok naman po siya sir"

"ok,alis na ako."

"Pero sir,ano po pala pangalan niyo?"

"hindi na importante yun"
Umalis na ako dun pero bago ako umalis binayaran ko muna yung gastusin sa hospital.
Sinobrahan ko nalang para mas sure. Keep the change, ang sinabi ko nalang sa casier.
Binilhan ko na rin siya ng mga makakain,at ipinadala sa nurse na nakaatang sa kanya para siya nalang ang magdadala kay Ensley.






Thompson UniversityWhere stories live. Discover now