Chapter 96

185 13 1
                                    

Papunta ako ngayon sa linyahan,actually wala talagang nangyayaring ganito dito sa Thompson University,and alam kong this is their first time para maka experience ng ganito. Thompson University has a flag pole,pero never silang tumayo at humarap sa flag pole para awitin ang pambansang awit.

I will announce the rules and regulations of TU and about sa ball. It's a little bit exciting for me to see their reactions.

Nasa ground field na ang lahat at parang wala silang pake noong umakyat na ako sa stage na kinaroroonan ng flag pole. Nanatili silang maingay at nagkakagulo na habang gumagawa ng kung ano-ano.

Tumayo muna ako ng mga ilang minuto bago nagsalita habang pinakikiramdaman ang mga estudyanteng nasa harap ko na gumagawa ng mga bagay na nais nila,at ang mga teachers na nakatulala lang din sa akin na ang akala nila ay ok lang sa akin lahat.

Tinawag ko ang teacher na kinausap ko kahapon na mag lilead ng flag ceremony.

Wala sa linya,iilan lamang ang naka patong ang kanang kamay sa kanilang dibdib habang kumakanta ng pambansang awit.

Tinawag na ako ng host para magsalita at sabihin ang announcement.

Lumapit ako sa kanya para kunin ang microphone na seryoso ang mukha.

"Good morning"Bungad ko,pero walang sumagot.

"The change will come!" I told. At binalik na ang microphone sa host.

Sinabi ko na rin sa host na papasukin na niya ang mga estudyante. Nagsisitakbuhan ang mga TU's students at dali-dali din akong pumasok sa office ko para kunin ang mga niready kong bagay para sa plano ko.

Kinuha ko ang tarpaulin na malaki,mga 4x2meters yun at pinabuhat ko sa dalawang guard upang ikabit sa nursing building ng 4th year. Na kung saan kapag nasa ground field ka ay makikita mo yung tarpaulin na yun na may naka sulat na "WALANG BALL NA MAGAGANAP!"

Nakita ko ng dumarami na ang mga estudyante sa ground filed para tignan ang bagong kabit na tarpaulin. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkadismaya at inis. May nakita akong dalawang estudyanteng tumakbo papataas papunta sa tarpaulin. Akmang tatanggalin na nila ito ay agad ko itong pinigilan at binigyan ng letter of violations and punishment;Cleaning the ground field.

"Who are you?"sigaw na sabi ng unang estudyanteng binigyan ko ng violation and punishment letter.

"I'm the principal here!how 'bout you?" Mahina pero nanggigigil na sabi ko.

"I'm the son of Mr.Jeisin,the owner of one of the biggest company here in the Philippines" Angas na sabi niya.

"Ok, I don't care! Do the punishment,or else I will kick you out in this University of mine"Nakita ko ang gulat at biglaang pagbilog ng mga mata nila na animo'y di makapaniwala sa mga narinig nila. Just because this is their first time to here something na nakakatakot. Alam ko kasing istrikto lahat ng mga parents nila na ayaw nilang magkaroon ng madungis na pangalan,lalo na ang kanilang mga anak na tagapag mana ng mga businessess and ownership. Dahan-dahan silang nag step backward palayo sa akin at tiyaka tumakbo.

"I'll check the ground field after 1 hour huh?"sigaw ko sa kanila na nagpahinto sa kanila sa pagtakbo pero ako naman ay agad ding naglakad papuntang office ko.

Chineck ko yung mga inorder kong cctv's sa online na kilala kong sikat na nagtitinda ng mga CCTV. Umorder ako ng 50 cctv na ipapalagay ko sa bawat corner ng Thompson University na kung saan doon ko titignan ang mga kaganapan at mga nagtatapon ng mga basura sa maling basurahan at lahat ng mga lumalabag sa mga batas na gagawin ko. Bukas na bukas rin ay magpapagawa ako ng tarpaulin na ilalagay ko sa harap ng nursing building na naka indicate ang mga rules and regulations ng school.

Biglang tumunog yung phone ko at nakita ko ang isang message na galing sa isang numero na walang pangalan. "How's your day?"

"Who's this?" I replied.

"The one who always care for you!"

"Again,who's this? "

"Jeus"  nagulat ako ng nabasa ko ang pangalan ni Jeus,tumawag lang siya kahapon e para kamustahin ako,pero hindi ko naisave yung number niya.

"Tumawag na ako kahapon sa'yo ah,so hindi mo pa sinisave yung no. ko?" Napangiti ako sa kabilang linya dahil sa tanong niyang 'yon.

"Actually,yes! Nakalimuta ko e. But I will save it now."

"So how's your day Ms. President?" He asked again.

"Doing well,ikaw?"

"Doing well too...missin' you" He said,ayokong naririnig yun sa kanya or anything na about sa feelings niya sa akin dahil pakiramdam ko pareho kaming gumagawa ng kataksilan kay Eliel.Sapat na yung isang pagkakamaling nagawa namin noon.

"Goods,keep it up,sir" Pinatay ko na ang call baka kasi kung saan pa mapunta ang usapan namin na ayoko namang ma in point yung mga bagay na magpaparevive sa feelings ko sa kanya.

Inayos ko na ang mga gamit ko at nagtungo ako sa likod ng nursing building na lagi kong tambayan noong nag-aaral palang ako dito. Wala paring nagbago sa atmosphere sa lugar na 'to. Ang sarap ng simoy ng hangin habang sinasabayan ng mga huni ng mga ibong malayang lumilipad sa gitna ng mga malalaking puno ng nara. Parang kailan lang noong sa tuwing sobrang lungkot ko ay nandito ako upang humiga at pansa mantalang huminga na medyo malayo sa mundong mapang husga at nakaka pagod.

Ng akmang ihihiga ko na ang sarili ko sa  inilatag kong carpet ay may nakapa akong papel na nakasuksok sa damuhang malapit sa naglatagan ko ng carpet. Pinulot ko yun at dahan-dahang binuksan para tignan kung may naka sulat ba. Na trauma na kasi ako noong hindi ko binasa ang papel na napulot ko sa may park na isinuksok ni Jeus sa may upuang lagi kong tambayan everytime na nagagawi ako sa may park.

" Ilalaban kita, kahit sa pinaka mahirap na labanan,mahal ko" Iyan yung mga salitang naka sulat sa may papel.

"Jeus?" bulong ko sa sarili ko.

Thompson UniversityWhere stories live. Discover now