Hindi ako makapaniwala sa napanuod sa balita. Si Sassy 'yon at may lalaking nakahawak sa kamay niya. Hindi ko na naintindihan ang sinasabi ng dalawang newscaster. Mas itinuon ko ang pansin sa pagbabasa ng nakalagay na news report sa baba.

"Isang maid, nainlove sa amo niyang ikakasal na," basa ko sa nakitang nakalagay sa news. Napalingon sakin si Aling Susan.

"Samuel! Naku pupuntahan na sana kita sa inyo—"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at muling binasa ang panibagong pinalabas roon sa TV. "Kidnapping sa international actress na si Jessica Quiño sa gabi ng ginanap na Gala dinner sa Golden Court Palace, suspek pinaghahanap pa rin ng pulisya"

"Mula pa kahapon nakikita ko ng pinalalabas diyan sa TV ang kapatid mo," sabi ni aling Susan. Hindi ko pa rin maalis ang mga mata sa TV kahit nagcommercial na.

Lumabas si Katrina mula sa asul na kurtina, anak siya ni Aling Susan. Gumuhit ang ngiti nito nang makita ako sa labas ng bintana. Tumakbo siya palabas ng bahay at pinuntahan ako. "Si Sassy! Maraming ng nagagalit sa kapatid mo, kahit sa FB pinagmumura siya ng mga taong hindi naman siya kilala," agad siyang nagpipindot sa cellphone at ipinakita sa'kin.

"Kita mo 'yan? Ginawa nilang meme 'yong picture ni Sassy tapos ayan ang daming nagcocomment ng masama na kesyo mang aagaw daw si Sassy tsaka malandi daw siya gano'n tapos may nagsasabi pang siya daw may kasalanan kaya nawala nalang bigla 'yong si Jessica na pakakasalan dapat ni Kyle Vin," kwento ni Katrina. Hindi pa masyadong malinaw sa'kin ang lahat. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari do'n sa Maynila kung nasa'n si mama at si Sassy.

Nagscroll pa si Katrina at pinabasa sa'kin ang mga masasamang sinasabi ng mga tao kay Sassy. "Ayan oh ang sasama ng ugali," aniya.

"Aba'y Katrina! Ayusin mo ang kilos mo't ididikit talaga kita kay Samuel makikita mo," boses ni Aling Susan.

Hindi ko na namalayan na nakayakap na sa'kin si Katrina. Gaya ng ginagawa niya kapag nakikita ako, naiinis ako kapag masyado siyang dumidikit sa'kin pero hindi ko man lang 'yon namalayan ngayon dahil sa mga iniisip.

"Ehehehe sige ma, idikit mo 'ko kay Samuel," sumandal pa siya sa dibdib ko.

"Aba'thalika dito at makukurot kita sa singit!," sigaw ni Aling Susan.

Mabilis naman akong hinila ni Katrina paalis. Tumatawa pa siya habang hila ako papunta sa bahay.

"Ipaliwanag mo sa'kin lahat — lahat ng tungkol do'n sa napanood ko sa balita — sa kapatid ko — bakit gano'n nalang ang galit ng mga tao? Sino ang Kyle Vin na sinasabi mo?," sunod sunod na tanong ko.

Napatigil siya at nakangising tumingin sa'kin. "Mangako ka muna na hindi mo na ako iiwasan at hindi mo na ako itataboy sa tuwing magkikita tayo"

Napabuntong hininga ako. "Tsk wag ngayon, Katrina"

"Mangako ka"

"Tsk sige na, magpapaload na din ako kailangan kong tawagan si mama"

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu