CHAPTER 23

2.1K 149 0
                                    


Sassy's POV

Nanatili kami ni Kyle sa taas ng kastilyo. Ang lumang karton na nakita namin 'don sa gilid ang nilatag namin para may maupuan. Napuno kami ng kwentuhan at tawanan habang inaalala ang mga pinaggagawa namin 4 years ago. Sana nga pwedeng ihinto ang oras.

"Tapos pareho pa tayong nadapa dahil hinila mo 'yong shirt ko," kwento niya. Pareho kaming natawa. Nakaupo kami sa sulok at nakasandal sa pader habang nakatingin pa rin sa buwan.

"E madulas kasi no'n tapos naiwan niyo na ako kaya napahawak ako sa laylayan ng damit mo," paliwanag ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. "Bakit?," tanong ko habang pinipigilan ang sariling mapangiti.

"Wala"

"Hindi pa ba tayo hahanapin do'n sa baba?," pag iiba ko ng usapan.

"Nah, I bet they're dancing in the beat of slow music at this moment or maybe they're talking about business and—"

"And?," hinintay kong dugtungan niya.

"Magaling ka na bang sumayaw ngayon?," tanong niya.

"Grabe ka! Kahit papano marunong naman ako"

Tumawa siya, "Remember our first dance?"

Napaisip ako sa tanong niya. First dance? Kailan ba kami sumayaw?

"Ang galing nilang sumayaw 'no?," sabi ko kay Kyle. Nakaupo kami sa baba ng stage habang nanunuod ng mga grade 5 na sumasayaw ng ewan ko kung anong klaseng sayaw 'yon.

"Anong tawag sa sayaw nila?," tanong ko.

"Contemporary dance," sagot niya. Tumango ako. Sinasabayan ko ang music nila kasi medyo alam ko naman ang lyrics. Thousand years, kanta ni Kathrine McPhee.

"♪I have died everyday waiting for you♪— PFT BWAHAHAHAHA"

Napatingin sa'kin si Kyle. Hindi ko naiwasan ang mas lalong matawa. "Anong nakakatawa?," nagtatakang tanong niya.

"AHAHAHAHAHHAHA bakit gano'n bawat lyrics may action. Sinabing I have died everyday, nagpatay patayan sila agad," sabi ko.

"I don't know, maybe that is how they interpret the song," paliwanag niya.

"Ah tulad din no'ng ano 'yong kantang, ang mga ibon"

"Ano 'yon?"

"♪Ang mga ibon, na lumilipad♪," nagsayaw ako na parang ibon na lumilipad. "♪Ay mahal ng Diyos, di kumukupas yeah ohhh♪"

Tinignan niya lang ako. Wala man lang karea-reaksyon. Nagperform na ako't lahat e.

"Alam mo hindi ako marunong sumayaw pero —"

"Let's dance," tumayo siya at inilahad ang kamay sa harap ko.

"Ayoko, hindi nga ako marunong diba?"

"We'll just try," aniya. Napipilitan naman akong tumayo at tinanggap ang kamay niya.

"AHAHAHA! Teka nakikiliti ako," sabi ko nang hawakan niya ako sa baywang. Natawa din siya. "Come on, let's dance"

Sinabayan namin ang grade 5 na nagsasayaw sa stage. Hindi naman mahirap ang sayaw namin ni Kyle, paulit ulit lang e. Paulit ulit ko din na naaapakan ang sapatos niya.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon