CHAPTER 14

2.5K 177 0
                                    

Sassy's POV

Thursday.
Kakarating lang kahapon ng uniform ko. Akala ko next week pa kasi sabi ni Kyle next week daw. Pero dahil dumating na nga kahapon ibig sabihin uniform na ang susuotin ko ngayong araw.

"Bagay ba sa'kin ma?" Umikot ikot ako sa harap ni mama at ate Nida suot suot ang uniform ko.

"Maganda, anak. Bagay na bagay sayo," sabi ni mama.

"Thank you po!," nakangiti akong umupo sa tapat ng salamin kasi aayusan ni ate Nida ang buhok ko.

"Anong gusto mong style 'be? Ponytail ni Ariana Grande? French braid? Messy bun? Sabihin mo lang ako bahala sayo," sabi pa ni ate Nida habang sinusuklay ako.

"Hindi ko alam ate, kahit ano nalang basta magmumukha akong tao," tumawa ako.

"Sino namang nagsabi na hindi ka tao?," tanong ni mama. Nilingon ko siya habang tumatawa. "Joke lang po"

Lumabas na si mama ng kwarto kasi may gagawin pa daw siya sa labas. Umayos na ako ng upo at tumingin na ulit sa salamin. Nakita kong nakangisi si ate Nida.

"Anong meron 'te?," tanong ko pa.

"Alam mo may napapansin ako," aniya habang sinusuklay ang buhok ko.

"Ano 'yon?"

"Ikaw at si young master.. parang may — alam mo 'yon .. hehe pansin mo rin?," nagpakawala siya ng makahulugang ngisi.

"Hala ate ikaw kung ano ano napapansin mo," sabi ko.

Pero deep inside.. shiz ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos kakaisip kay Kyle.

***

"Dito lang ako sa library. Pupuntahan nalang kita kapag tapos na ang practice niyo," sabi ko.

May practice kasi sila ng basketball. Ang alam ko may laro sila sa susunod na buwan at kalaban nila ang ibang school.

"Hindi ka manunuod?," tanong niya.

"Malamang, hindi. Kailangan kong mag aral, mabuti sana kung kasing talino mo ako e magagawa ko ding maperfect ang test bukas kahit hindi ako mag aral"

Tumawa siya. Kinuha niya ang hawak kong mga libro at nauna ng pumasok sa library. Sumunod ako sa kaniya. Inilapag niya ang libro sa bakanteng mesa. Hinila niya ang upuan at tinulungan akong makaupo. Hindi ko maiwasang mapangiti ng palihim.

"Here, sa'yo na muna," binigay niya sa'kin ang cellphone niya. Nagtataka ko namang tinignan 'yon.

"Pa'no kung may tumawag diyan? Dalhin mo na," sabi ko.

"Edi sagutin mo, kapag hinanap ako sabihin mo busy ako."

"Hindi mo ba naisip na baka magbasa ako ng messages dito? Na baka iopen ko ang gallery mo? Na baka sirain ko 'tong cellphone mo?," biro ko. Nagkibit balikat lang siya.

"I don't mind. Wala akong tinatago diyan. I'm just expecting mom's call. Tatawag daw siya dahil may importanteng sasabihin. Ikaw na ang sumagot" Bigla kong naalala ang sinabi ni Kent na trabaho ko daw ang sumagot ng tawag, magreply sa texts, magschedule at basta! Nakalimutan ko 'yong iba basta 'yon na 'yon.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon