CHAPTER 30

2.1K 149 2
                                    

Sassy's  POV

September 08.

"Dati favorite number kita e, ngayon parang ewan ko.. ayoko na sayo!," mariin kong ginuhitan ng malaking X ang number 8 sa kalendaryo gamit ang itim na marker.

"Maawa ka naman sa kalendaryo 'be," boses ni ate Nida. Nasa likod ko na pala siya. Bumuntong hininga ako at pabagsak na umupo sa silya.

"Bakit hindi ka pa nagbibihis? Isang oras nalang bago ang kasal," umupo si ate Nida sa katapat na silya.

"Hindi ako pupunta," peke akong tumawa.

"Sassy pinapatawag ka ni young master, pumunta ka daw sa kwarto niya," biglang sumulpot si Madam Flor mula sa pinto. Nagkatinginan kami ni ate Nida. Maloko siyang ngumisi pero nanatiling byernes santo ang mukha ko.

"Bakit daw?," matamlay kong tanong kay madam Flor.

"Aba malay ko, bakit hindi mo puntahan?," bwelta niya. Napipilitan akong tumayo at naglakad palabas ng kusina.

Nakasalubong ko si mama, namumugto pa rin ang mga mata niya at ang putla niya. Ilang araw na kaming hindi nagkikibuan. Gusto ko siyang yakapin lalo't sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon at kailangan ko siya. Pero hindi ko alam, parang may kung anong pwersa ang nagpipigil sa'kin na gawin 'yon. May kaunting tampo pa rin ako kay mama dahil na rin sa ginawa niyang pagsampal sakin no'ng isang gabi.

Napayuko ako at kahit labag sa loob ay nilampasan ko siya. Sorry, Ma.

"Kumain ka ng agahan bago ka umalis ng bahay," rinig kong sabi ni mama. Parang biglang hinaplos ang puso ko. Nang lumingon ako ay wala na siya. Napangiti nalang ako, kahit papano alam kung nag aalala pa rin sakin si mama.

Tinahak ko ang daan papunta sa kwarto ni Kyle. Nakabukas ang pinto, nanatili ako sa labas. Nakatayo siya sa harap ng salamin suot ang itim na americana. Napahawak ako sa pader habang nakatingin sa kaniya. Inaayos niya ang buhok, nakatalikod siya sa'kin kaya siguradong hindi niya ako napansin.

Akala ko ako ang makakasama mo sa altar.

Tahimik kong pinahid ang luhang bumagsak sa pisngi ko. Nang muli akong mag angat ng tingin para tignan siya doon ko lang napagtanto na nakita niya ako. Nakatingin siya sa repleksyon ko sa salamin. Nilingon niya ako at nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong nag uunahan sa pagbagsak.

"Why are you crying?," casual niyang tanong. Peke akong ngumiti. "Wala"

"Diba dapat ako ang umiyak? I need to marry someone else since the person that I want to marry doesn't love me back," bwelta niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa kaniya ng diretsyo. Lumapit ako sa kaniya. Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya. "Mahal din naman kita, Kyle"

Biglang lumambot ang mga titig niya. Aalisin ko na sana ang pagkakahawak sa pisngi niya pero hinawakan niya ang kamay ko. Hinalikan niya ang likod ng palad ko.

"I know that you love me too," halos pabulong niyang tugon habang nakatingin sa mga mata ko. "All this time I'm trying to make my self believe that you don't, para hindi mahirap sa'kin ang gawin 'to"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko rin ang pananabik sa mga yakap niya. "Baka ito na ang huling beses na mayayakap kita," usal ko.

"I can forget about the wedding, pwede tayong lumayo," saad niya. Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kaniya.

"Hindi pwede. Kung sana lang hindi naging ganito ang kapalaran nating dalawa," tipid akong ngumiti.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant