CHAPTER 27

2K 143 2
                                    

Sassy's POV

Natagpuan ko ang sarili ko sa garden. Nagmumukmok sa tapat ng fountain.
Tulala at panay ang buntong hininga na animong buhat sa magkabilang balikat ang mundo.

"Iniisip niya talagang wala akong nararamdaman para sa kaniya? Pwede ba 'yon?," siguro nga nababaliw na ako dahil kausap ko ang sarili ko.

Muli akong napabuntong hininga. Napatingala ako sa bughaw na langit at napapikit. Hindi ko na alam ang gagawin.

Gabi na.
Hindi pa nakakauwi sina ma'am Melisa at sir Ian simula kaninang umaga. Myerkules bukas pero siguradong hindi ulit kami papasok sa school.  Sa Huwebes na ang kasal, kailangan 'yong paghandaan ni Kyle.

"May balita na ba sa anak nila Mr Quiño?," tanong ni ate Paula. Umiling ako. Si Jessica, hanggang ngayon hindi pa rin siya nahahanap.

"Paano kung hindi pa rin siya mahanap hanggang sa araw ng kasal?," muling tanong ni ate Paula.

Hindi ako agad na nakasagot. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil ibig sabihin lang no'n na hindi matutuloy ang kasal.

"H-Hindi naman siguro, think positive lang tayo ate mahahanap din siya," tugon ko.

"Diba may gusto ka kay Young master?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Lahat ba ng tao sa bahay na 'to naniwala sa balitang napanuod sa TV na kesyo umamin daw ako kay Kyle? Oo, may gusto ako sa kaniya pero mas mabuting siya lang ang makaalam no'n.

"Sassy, kailangan nating mag usap," boses 'yon ni mama. Napalingon ako at nakita siyang nakatayo sa pinto ng kitchen.

Nakasunod lang ako kay mama. Ang dami ng naglalaro sa isipan ko. Alam na ba niya ang lahat? Kinausap ba siya ni ma'am Melisa? Papalayasin na ba kami? Sa veranda kami nag usap ni mama. Tahimik at walang tao, kinakabahan na ako sa sasabihin niya.

"Ipaliwanag mo sa'kin ang napanuod ko sa balita, buong mundo nakatutok sa telebisyon at siguro nga ang papa at kuya mo napanuod din 'yon. Anong pumasok sa utak mo at— at bakit—," napatigil si mama at parang nahihirapan siyang sabihin. Hindi ako makatingin sa kaniya.

"Anak, ang daming lalaki sa mundo. Bakit si Kyle pa? Ang amo natin? Alam mo ba ang ginagawa mo?," mahihimigan ang panginginig sa boses ni mama senyales na nagpipigil ito ng galit.

"W-Wala naman po akong nararamdaman para sa kaniya," lakas loob kong saad pero hindi naiwasang pumiyok ang boses ko. Bigla nanamang humapdi ang mga mata ko.

"Wala? Klarong klaro ang nakita ko sa TV. Anong ginawa mo? Umamin ka sa kaniya na gusto mo siya, sa harap ng maraming tao? Sa harap ng mga magulang niya? Wala ka na bang kahihiyan? Ikakasal na siya. Hindi mo ba naisip na isang kahangalan ang ginawa mo? Langit ang mga Fuentes at lupa tayo!," niyugyog ni mama ang magkabilang balikat ko. Dilat na dilat ang bilugang mata niya at namumula na ito. Napayuko nalang ako at tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha ko.

Ito ang unang beses na sobrang kinagalitan ako ni mama. Akala ko nagawa ko na ang parte ko kagabi. Itinanggi ko si Kyle, nagsinungaling ako na wala akong nararamdaman sa kaniya para hindi na pag initan ni ma'am Melisa ang pamilya ko. Pero ano ang nangyari, kabaliktaran sa totoong nangyari kagabi ang lumabas na news sa TV.

"Anak kita at ayaw kitang makitang nasasaktan. Hindi masama ang magmahal pero.. anak h'wag masyadong matayog ang pangarap. May mga bagay na kahit anong abot natin hindi pa rin natin makukuha. Wala tayong magagawa kundi tingalain nalang 'yon habang buhay.," tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha ni mama. "Dahil ganito na tayo.. ito ang buhay na ipinagkaloob sa'tin ng Diyos. Kailangan nating tanggapin na ang isang dukha ay para lang sa kapwa niya dukha."

Hindi ako kumbinsido sa tinuran ni mama. Umiling ako at napaatras. Parang nahihirapan na ako magsalita dahil sa kakaiyak. "K-Kaya tayo minamaliit ng ibang tao d-dahil tayo mismo nagmamaliit sa sarili natin," nauutal na saad ko.

"Imulat mo ang mga mata mo sa realidad, Sassy. Ang mga tulad natin basahan lang ng mga mayayaman. Kahit kailan hindi tayo mananalo sa kanila," bwelta ni mama. Nakatingin siya sa mga mata ko, nag uunahan ang mga luhang magbagsakan sa pisngi niya.

"Hindi.. ipapakita kong hindi ako magiging ganito habang buhay kahit sabihin niyong ganito na ang buhay na binigay sa'kin ng Diyos. Choice 'yon ma, tataasan ko ang mga pangarap ko at aabutin ko lahat 'yon. Kaya siguro hanggang ngayon katulong kayo, tanggap niyo ang realidad na mahirap lang tayo, hindi niyo gusto ang kalagayan natin pero hindi kayo gumagawa ng paraan para baguhin 'yon—"

*PAK*

Hindi ko natapos ang sasabihin. Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula kay mama. Gulat akong napatingin sa kaniya. Napahawak ako sa pisngi ko at muling namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko.

"Ma.." halos pabulong kong saad habang umiiyak.

"H-Hindi ko sinasadya anak," lumapit siya sa'kin at hahawakan sana ang braso ko pero mabilis akong umiwas at napaatras. Namumugto na din ang mga mata ni mama. Pero bigla akong nakaramdam ng munting poot. Hindi ko akalaing magagawa ni mama na paglapatan ako ng kamay. Kahit kailan hindi nila ako nagawang kurutin, paluin o saktan ng pisikal simula no'ng bata pa ako.

"Anak.. Sassy—"

Tumalikod ako at patakbong umalis. Humahagulgol akong tumatakbo sa hallway. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil malabo na ang paningin ko sa mga luhang pumupuno sa mga mata ko.

*BLAG!*

Napasalampak ako sa sahig matapos mabangga sa isang matigas na bagay. Nang mag angat ng tingin doon ko lang napagtanto na may lalaking nakatayo sa tapat ko. Pinunasan ako ang mga luha ko at doon ko lang siya nakita ng malinaw. Walang bakas ng ano mang emosyon ang mukha ni Kyle habang nakayuko at nakatingin sa'kin.

Isa.. dalawa.. tatlo..
Nagbilang ako sa utak ko. Umasa akong ilalahad niya ang kamay para tulungan akong tumayo. Apat..
Nabasag sa apat na piraso ang puso ko nang walang pagdadalawang isip na lampasan niya ako. Lima..
Limang butil ng luha ang pumatak nang sundan ko siya ng tingin pero hindi niya ako nagawang lingunin.

Kasalanan ko ang lahat. Siguro nga tama si mama, ang tulad kong muchacha hindi nababagay sa mayaman na tulad ni Kyle. Dahil basahan lang ang tingin nila sa'min.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now