CHAPTER 20

2.3K 165 0
                                    

Sassy's POV

"Biglaan naman ang uwi nila ma'am Melisa. Ano kayang mero'n? Kakarating lang ni ma'am kanina e sumugod na agad sa salon"

Nakikinig lang ako sa pinag uusapan nila ate Nida habang tinutulungan ko si mama sa paghihiwa ng carrots. Nagluluto kami ng tanghalian.

"Si sir Ian din, nakita ko umalis din agad.," tugon ni ate Paula.

Inabot sakin ni ate Nida ang patatas na katatapos lang niyang balatan. Sinimulan ko na 'yong hiwain.

"Si young master naman nasa'n?," tanong ni ate Nida. Napatingin silang lahat sa'kin.

"Ah.. hindi ko alam. May pupuntahan daw siya kasama si Kean at Kent. Hindi ako pwedeng sumama kaya.. ayon," nasabi ko nalang.

Mamayang gabi na ang Gala Dinner, ayokong sumama.. sana. Pero kailangan. Parang nakakatrauma na makita si Monica. Ayokong isipin niyang ang kapal talaga ng mukha ko at sumama pa ako sa Gala Dinner na 'yan. Tapos ano pinagsisiksikan ko nanaman ang sarili ko kahit hindi ako nabibilang sa kanila? Naiinis ako kapag naiisip 'yon.

"Rinig ko may party ang mga Quiño mamaya ah," siniko ako ng mahina ni ate Nida.

"O-um. 'Yong Gala dinner, ayoko nga sanang sumama e," sabi ko.

"Sumama ka beh, once in a life time din 'yon. Mga mayayaman at kilalang tao ang pupunta, siguradong madami ding masasarap na pagkain do'n," saad ni ate Nida. Ngumiti nalang ako. Maya maya pa pumasok si Madam Flor. "Sassy, may naghahanap sayo"

Napalingon kaming lahat sa kaniya. Nakasunod lang sa kaniya si Vivian. Tumingin ako kay mama. Pero sumulyap siya kay madam Flor. "Sinong naghahanap sa anak ko?"

"Kapatid ni Kent, si Tamara. Nando'n siya sa living room, h'wag mo ng paghintayin 'yon Sassy," bumaling sa'kin si madam Flor.

"Kent po? Kenneth Gomez?," paninigurado ko. May kapatid pala siya?

"Oo, magmadali ka na.," tinulungan pa ako ni madam Flor sa pagtanggal ng apron ko. Nakita kong palihim na umirap si Vivian.

"Babalik nalang po ako dito mamaya," paalam ko kina mama at ate Nida. Tumango sila. Sumunod sa'kin si Madam Flor at si Vivian papunta sa living room.

Natanaw kong nakaupo sa sofa ang babaeng siguro ay kaedad ni ate Nida. Nasa 25 na, matangkad, maputi at kutis porselana. Kulay green ang buhok niya, tumingin siya sa'kin. Kulay green din ang mata? Ngumiti ako nang salubungin niya ako ng ngiti. Tumayo siya.

"Hello. Sassy, right?"

Masigla akong tumango at tinanggap ang kamay niya. Parang nakakahiyang makipagshake hands sa kaniya. Ang lambot ng kamay, gano'n talaga siguro kapag anak mayaman 'no?

Napansin kong napasulyap siya kina madam Flor. Nagbow ang dalawa bago kami iwan ni Tamara.

"Anyway, I'm here to fetch you. Sasama ka sa'kin for overall makeover. Are you ready," ngumiti siya.

"Makeover? T-Teka bakit?," naguguluhang tanong ko.

"Binilin ka sa'kin ni Kyle Vin, he told me that you'll be on the Gala dinner tonight. And of course, I'll be your fairy grandmother! Pagagandahin pa kita lalo, are you excited? Kasi ako excited na, unang kita ko palang sayo may naiisip na agad akong babagay sayong gown."

Nakatingin lang ako sa kaniya at isa isang pinapasok sa utak ko ang sinasabi niya. Nabibigla ako sa mga nangyayari. "G-Gown? B-Bakit po ako mag g-gown?"

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon