CHAPTER 31

2.1K 149 1
                                    

Sassy's POV

"Hindi nga ako 'yon kuya," muling sambit ko habang kausap pa rin si kuya Sam sa cellphone.

[Laki akong probinsya at Ingles 'yun pero alam kong mura ang narinig ko] sabi pa niya. Napailing ako at natawa ng mahina. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya.

"Aish, komplikadong kwento. Pero hindi talaga ako 'yon. Si Monica 'yon," paliwanag ko. Nag angat ako ng tingin at hinanap si Monica. Hindi ko siya mahagilap.

[Monica?]

"K-Kaibigan ko?," nagdadalawang isip pang tugon ko.

Naisip kong nagkamali ako ng pagkakakilala kay Monica. Hindi naman pala siya gano'n kasama. Siguro nga masama minsan ang mga nasasabi niya pero busilak naman ang puso niya.

May narinig akong boses ng babae mula sa kabilang linya. Parang English 'yong sinasabi ng babae, kausap niya si kuya.

"Hello? Kuya nandyan ka pa?," tanong ko.

[Oo] sumeryoso ang boses niya.

"Sino 'yon may narinig akong babae?," nakakapagtaka wala namang nasasabi sa'kin si kuya na may girlfriend siya.

[Kasama mo ba si mama?] tanong niya.

"Hindi"

[Luluwas kaming Maynila ni Papa, pupunta kami diyan ngayon] masaya ako at nagulat sa balita ni kuya pero sa kabilang banda nagtaka ako dahil walang bakas ng tuwa ang boses niya. Para siyang namatayan e.

"E bakit parang di ka masaya? Ayaw mo no'n magkikita kita na tayo! Saan pala kayo nakakuha ng pamasahe? Tsaka anong meron? Birthday ba ni mama? Hala kuya ngayon ba 'yon? —" hindi ko natapos ang sasabihin ng magsalita siya.

[Hindi, hindi birthday ni mama.] Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. [Mas mabuting si mama at si papa ang magpaliwanag ng lahat, hayaan mo at bumabyahe na kami papunta sa bahay ng amo niyo]

Biglang may may kumalabog. Napalingon ako sa pinto ng coffee shop na sinipa ng — "Police?"

[Ano? Anong nangyayari diyan?] tanong ni kuya.

Napasinghap ang ilang tao at ang iba mabilis na nagsitabi at nagtago. Nakatutok ba naman ang baril ng pulis sa harap.

"Walang lalabas, kumalma ang lahat," anang pulis na naunang pumasok.

Napatayo ako, hindi ko alam ang gagawin. May nakawan bang nangyari dito? Natulala ako sa mga police na isa isang pumasok sa pinto habang nakatutok ang baril nila sa unahan na animong isang drug raid and pinuntahan.

[Sassy]

"Teka lang kuya—"

Isang pulis ang napalingon sa kinaroroonan ko. Sa lahat ng customer na nandito ako lang pala ang nakatayo. Napalunok ako nang lumapit sakin ang pulis. Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo.

"Positive! Nandito siya," aniya at sumenyas sa mga kasama.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko maintindihan. Bigla nalang tinambol ng sobrang lakas ang dibdib ko nang lumapit sakin ang mga pulis.

[Sassy anong nangyayari diyan!?]

"Kuya tulong—," hindi ko natapos ang sasabihin nang kunin ng isang pulis ang cellphone ko. Napasinghap ako. "Teka mamang pulis bakit—"

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن