CHAPTER 50

47 2 0
                                    

Sassy's POV

"Birthday ni Dahlia ang pupuntahan natin, tama?," I asked.

We entered the Redwood Subdivision. Tumango si Kyle habang diretsyo pa rin ang tingin sa kalsada. I glanced at the rearview mirror and caught Austin whom blankly staring. Mabilis siyang nag iwas ng tingin. Nilingon ko siya pero nagpipindot na siya sa phone niya na animong busy daw. Umayos na ako ng upo at tumingin nalang sa harap.

"Matagal na ba siyang kaibigan ng kuya mo?," Kyle asked. I took a quick glance at Austin.

"Uhm oo.."

Muli nanamang binalot ng katahimikan ang kotse. Sumandal nalang ako sa nakasarang bintana habang nilalaro ng daliri ko ang dulo ng buhok ko.

"Malapit na tayo," Kyle announced.

"'Yong cute na batang babae sa St. Mary nursery school, siya si Dahlia diba?," tanong ko.

Sumulyap sa'kin si Kyle. "How'd you know?"

"Muntik na mabangga 'yong bata.. ng kotse namin— pero hindi naman 'yon sadya, green ang ilaw tsaka mag isa siya at bigla nalang tumawid," paliwanag ko.

"I remember that the other day. Kasalanan ko din nahuli na akong sunduin siya," he said. "We're here"

Inihinto niya ang kotse sa tapat ng asul na townhouse. He glanced at me and smiled.

"Tinawag ka niyang Daddy," I said. Agad akong napatakip ng bibig ko, dapat ay sa utak ko lang 'yon.

"Dahlia?," he chuckle. "Yeah, why what's wrong with that?"

Mabilis akong umiling. "W-Wala naman"

"Can we get inside the house?," kinatok ni Austin ang bintana ng kotse. Nasa labas na pala siya.

Kyle opened the car's door for me. Hinayaan ko silang mauna ng maglakad papasok sa gate. Nakatingin lang ako sa likod ni Kyle. Hindi ko maiwasang mapaisip. He didn't marry Jessica but Dahlia calls him Daddy. Anak niya kaya siya sa ibang babae?

"Let's go, Sas naghihintay na sila sa loob," Kyle called me.

Agad naman akong sumunod sa kanila. Who owns this house anyway? Bahay ba 'to ni Kyle? Palapit palang kami sa pinto rinig na rinig na ang mga boses ng mga tao sa loob at pati na ang sound system na nagpapatugtog ng Happy Birthday.

Biglang umihip ang malakas na hangin at nilipon ng katahimikan ang paligid nang humakbang ako papasok sa bahay. Para bang may biglang bumunot ng sound system mula sa saksakan. 'Yong ingay kanina biglang napalitan ng — wala.. wala akong marinig na kung ano dahil sa sobrang tahimik. Gulat akong napatingin sa mga taong nasa loob na ngayon ay nakatingin na sa'kin.

"Sassy Lopez, everyone. She's back," basag ni Kyle sa katahimikan.

"Si Amara Arlington 'yan e," anang babae na may pink na birthday hat sa ulo niya.

"SASSY!!!"

Isang matinis na boses ang nanggaling sa pasilyo. Patakbong lumapit ang maputi at balingkinitang babae na nakasuot ng pink na off shoulder. Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya dahil bigla niya nalang akong niyakap.

"Nagbalik ka, namiss ka namin," maiyak iyak niyang saad. Matapos ang mahigpit na yakapan ay kumalas na din siya.

"Hannah," nakangiting sambit ko. Tumango siya at ngumiti. Muli niya akong niyakap.

"Hindi ako makapaniwala na isa ka ng fashion icon ngayon, sobrang layo na ng narating mo at masaya ako para sayo," she utter.

Sa lahat ng kaibigan ni Kyle noon, si Hannah lang ang naaalala kong naging mabait sakin. Ay teka! Sina Kean at Kent din pala. As I could remember, si Monica lang talaga ang parang sumobra na. Meanwhile, Jessica? Never pa kaming nagkausap, nakikita ko lang siya noon pero never kaming nagkaroon ng interaction.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now