CHAPTER 12

2.5K 175 0
                                    

Sassy's POV

Sumunod ako kay Kyle at kay Kent. Pumasok kami sa cafeteria. Hindi kagaya ng canteen sa school namin sa probinsiya. Maluwag at malinis dito. Kailangan ko na talagang masanay na kapag kasama ko sila napapatingin at napapalingon ang mga tao.

"Umupo ka lang diyan. Ako na ang oorder ng lunch, anong gusto mo?," tanong ni Kyle. Inilapag niya ang bag sa tabi ko. Ngayon ko lang napansin na pareho kami ng bag. 'Yon nga lang walang heart na design 'yong kaniya.

"Kahit ano basta walang lason," sabi ko.

Tumawa siya. "Kung may plano akong lasunin ka sana sa bahay palang ginawa ko na"

"It's her job as your PA, right Kyle? Siya ang dapat umorder do'n," sabat ni Kent. Pareho kaming napatingin ni Kyle sa kaniya. Ang dami niya talagang alam sa trabaho ko ha.

Tumayo ako. "Sige ako na ang oorder-"

"No, stay there.," pigil ni Kyle. Napipilitan akong bumalik sa upuan ko. Bumaling siya kay Kent. "I don't mind if it's her job, sa bahay PA ko siya pero dito sa school, she's just a normal student like us"

Hindi ko maiwasang matulala Kay Kyle habang sinasabi niya 'yon.

"Sure, Dre.. sabi mo e," tugon ni Kent.
Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Hmm..

Napagdesisyunan nilang silang dalawa ang order kaya naiwan akong mag isa sa table. Pinanuod ko sila ni Kyle na umorder. Maya maya pa may narinig akong bulong bulungan mula sa kalapit na table. Palihim akong nakinig habang nakatingin lang sa counter.

"Look newbie sa table nila Kyle. Big-time talaga circle of friends nila, if not billionaires then foreigners"

"Nakacontact lens lang naman yata 'yan e"

"Ang swerte naman niya nasa table siya nila Kyle Vin"

"Mukhang mayaman, branded 'yong damit"

Parang gusto ko silang lingunin pero parang ako pa 'yong nahihiya. Sana kasi kung mabubulungan sila siguraduhin naman nilang hindi ko maririnig.

Ilang sandali pa may dalawang babae na lumapit sa table kung saan ako nakaupo. Pareho silang nakauniform. Plaid skirt at puting shirt na may logo ng school sa bulsa. 'Yong isa straight na straight 'yong buhok. Para bang bagong rebond, 'yong sa commercial ng conditioner gano'n. Simple lang siya kasi wala siyang masyadong makeup di tulad ng kasama. Pulang pula ang bibig ng isa at 'yong bibig nakapout talaga. Ang taray ng kilay kasi ang taas. Maganda din ang buhok niya, medyo kulot pero 'yong parang wavy lang gano'n. Parehong maganda at kutis porselana. Halatang parehong anak mayaman.

Nagtama ang mga mata namin ng babaeng may pouty red lips. Nagsabong ang kilay niya. "Newbie?," aniya.

"Huh?"

Ano bang ibig sabihin ng sinabi niya.

"I bet you didn't know us yet, tumayo ka diyan at maghanap ka ng ibang table. You don't belong her," dagdag niya saka inilapag ang mamahaling bag sa table.

Hindi ko alam ang gagawin, napalingon ako sa counter at nando'n pa rin sina Kyle.

"Uhm this table is reserved for us kaya mas mabuti sigurong lumipat ka nalang sa iba?," sabi naman ng babaeng may long straight hair. Medyo kalmado siya magsalita at ang amo ng mukha niya.

"Ah gano'n ba.. sige pero hihintayin ko lang si K-"

"I said go away!," singhal ni red lips.

"Nica, tinatakot mo siya," saway pa sa kaniya ng kaibigan.

"Wag kang mag alala, hindi naman ako natatakot sa sigaw niya," tumawa ako ng mahina.

"Sorry, by the way I'm Hannah. What's your name?," tanong sa'kin ng may long straight hair tsaka siya ngumiti.

"Sassy," ngumiti din ako bilang tugon. Tinignan lang ako ng masama ni red lips.

Tatayo na sana ako para umalis pero nagsimula nanaman ang bulong bulungan. Napalingon na ako do'n sa katabi naming table.

"Guys may nag aaway sa table nila Kyle"

"Blah nawalan ako ng gana ng makita ko si Monica"

Kumunot ang noo ni red lips sa mga narinig mula sa kabilang table. Nilingon niya sila. "I heard that, bitch!"

Beach? Gusto ba niya mag beach? Sabagay ang init nga e.

Tumingin ako kay Monica, maganda naman siya ah. Mukha nga lang nakakatakot at mataray. Kabaliktaran naman niya si Hannah na mukhang anghel at Maria Clara.

"Bakit hindi ka pa umaalis?," sumulyap sakin si Monica.

Napalingon ako nang may maglapag ng tray ng pagkain sa tapat ko. Si Kyle. Umupo siya sa tabi ko. Inilapag na din ni Kean at Kent ang pagkaing dala nila. Nagulat ako nang umupo si Kent sa tabi ko. Napapagitnaan nila ako ni Kyle. Nasa tapat ni Hannah si Kent. Nasa tapat ko si Monica. At nasa tapat ni Kyle si Kean.

"Why don't you sit down?," nagtatakang tanong ni Kyle. Napatingin naman ako kay Monica, hindi maipinta ang reaksyon niya.

"You know her?," tinuro ako ni Monica.

"She's my best friend," ngumiti si Kyle. Hindi agad na nakasagot si Monica. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa'kin. Nagtataka din siyang tumingin kina Kean at Kent.

"Akala din naman kami lang ang best friend niya," biro pa ni Kean.

"Personal Assistant niya ako," sabi ko.

"Sorry sa inasal namin kanina," sabi ni Hannah saka nagpeace sign pa. Ngumiti lang ako bilang tugon at umupo na.

"Ayos lang," sabi ko. Mukhang hindi pa rin nakakaget over si Monica. Bakas pa rin ang pagkalito sa mukha niya.

"Bakit ano bang nangyari dito?," tanong ni Kean. Napatingin sa'kin si Hannah at Monica. Umiling ako.

"Wala," ngumiti ako sa kanila.

"Alright, let's eat," Ani Kyle saka nagsimula ng kumain.

Medyo naiilang akong kumain kasama sila. Pagtingin ko sa harap, masamang titig ni Monica ang sumasalubong sakin. Pakiramdam ko nakikisalo ako ngayon sa hapag kasama ang mga taong hindi ko kalevel. Which is totoo naman.

'Yong tipong puro gulay ang kinakain nila. 'Yong tipong ang gagaling nilang humawak ng kutsara't tinidor samantalang ako? Aish.. mas gusto kong kinakamay ang pagkain ko. Pero hindi pwede, wala na ako sa bukid. Kailangan kong matutong makisama, kailangan kong matutong kumilos ng naaayon sa sitwasyon.

Napabuntong hininga ako. Namimiss ko ang mga kaibigan ko sa probinsya.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now