CHAPTER 41

43 1 0
                                    

Sassy's POV

I feel so exhausted. Marami akong tinatapos na school works since next week na ang deadline. I checked the time and it's already 11 PM na.

"Ugh.. my first subject for tomorrow's 7 AM"

The clock strucks to 12 AM. I'm still on my computer with a mug of coffee in my left hand. Konti nalang, I can finally sleep after this.

I reread the 6 pages reflection that I have done before saving it. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagbabasa nang muli nanaman akong mapahikab.. "Hwuaahh.. pang isang daan na 'to"

I grab my mug but then got disappointed after realizing that it's already empty. Muli akong napasulyap sa computer ko. Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Hindi ko na yata kayang magbasa pa, gusto ko ng matulog. Hindi ko na tinapos ang pagrereview ng reflection ko. I saved it immediately. Antok na antok na talaga ako, hindi ko na niligpit ang mga gamit ko sa study table. Agad na akong tumayo at pabagsak na humiga sa kama. Nakalimutan kong i-off ang ilaw, tinatamad naman na akong tumayo.

"Alexa, turn off the lights," saad ko. Automatic na namatay ang ilaw. Ang galing 'no? Pwedeng manual 'yan, pwede ring automatic hehe.

"Sa wakas makakatulog na," nakadapa ako sa kama at nakapikit na nang biglang tumunog ang cellphone ko.

".. sino ba 'yan? Anong oras na oh," pikit pa rin ang dalawang mata, kinapa ko ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan.

From: Kuya Grey
Message: I don't want to see you talking with Austin again
Sent
12: 47 AM

Medyo nagloading pa ako matapos mabasa ang message niya. Hindi ko nalang sana papansin dahil sobrang inaantok na ako pero nang ibababa ko na ang cellphone muli nanaman itong tumunog.

"Hays ano ba yan.." napahikab nalang ako.

From: Kuya Grey
Message: Stay away from him
Sent
12: 49 AM

"Ano bang problema niya? Pwede niya naman 'tong sabihin bukas," sisimulan ko na sanang magtipa ng irereply nang bigla magpop up ang pangalan niya sa screen. Tumatawag siya, wala na akong nagawa kun'di ang sagutin 'yon.

"Hello?," tumihaya ako at pipikit pikit pang tumingin sa kesame.

[Shut up! I'm not even talking to you]

"Aba't—"

Biglang nawala ang antok ko at wala sa oras na napabangon. Napaupo ako sa kama. "Hello?! Kuya andyan ka ba? Are you still there?! Why did you call me at 1 AM just to tell me to shut up? Is this a joke? I'm so tired and sleepy —"

[Amara? You still there?] he intruded. Para bang hindi lang niya narinig ang pinagsasabi ko.

"Of course, I am here!," may bahid ng inis kong tugon. May naririnig akong mga boses ng lalaki mula sa background sa kabilang linya. Do'n ko lang napagtanto na wala siya dito sa bahay.

"Nasa'n ka ba?," tanong ko. Medyo nakakaintindi naman siya ng Tagalog kaya ayon tinagalog ko na.

[I'm asfhdhdkeiebmsljs HA HA HA]

Kunot noo akong napatingin sa cellphone ko matapos marinig ang tugon niya. Matagal pa bago natapos ang tawa niya. May kasama din siyang tumatawa, ewan ko ba anong sinasabi niya hindi ko maintindihan.

"Are you trying to mess with me? I really need to sleep," I sigh. Biglang tumahimik ang kabilang linya.

"I'll end it, bye—"

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now