CHAPTER 45

52 2 0
                                    

Sassy's POV

Hindi.. Hindi.. Hindi..

"Namamalikmata lang ako, baka imagination ko lang. Hindi siya 'yon.. hindi pwede"

Kanina pa ako pabalik balik at paikot ikot sa bedroom ko. Nakabalik na kami sa hotel suite kanina pa. Nasa kabilang suite lang sina kuya. Kanina pa ako hindi mapalagay.

Ugh ayoko siyang isipin.

Nang mapagod ako kakalakad at nang mahilo na sa pabalik balik ay pabagsak akong umupo sa kama.

"Bakit ang bilis, hindi ko inaasahang makikita ko siya agad agad."

Mariin akong napapikit at humiga sa kama. Napatakip nalang ako ng mukha ko. "Ahhhh! Hindi ko na alam ang gagawin"

Huminga ako ng malalim at napatingin nalang sa kesame. Muling nag flash back sa isip ko ang eksena kanina. Nakita ko siya. Nagkatinginan kami at ang puso ko bigla namang nagwala na halos lumabas na sa dibdib ko. Alam kong siya 'yon. Hindi ako nagkakamali, siya lang ang may gano'n kagandang abuhin na mga mata.

"Ito naman ang ipinunta ko, hindi ba? Gusto ko lang malaman ang kalagayan nila.," tumagilid ako at ngayon ay nakaharap na ako sa bintana.

"Mukhang maayos naman siya.. "

Bigla ko nalang naramdaman na parang humahapdi ang mga mata ko. "Infairness pogi pa rin siya," natawa ako ng mahina, agad din akong napatigil. "Naaalala niya pa kaya ako?"

Alam kung kahit ilang tanong pa ang ibato ko ngayon ay hindi rin iyon masasagot. Ilang minuto akong nilamon ng nakakabinhing katahimikan. Maya maya lang bigla akong napasinghot gayong hindi naman ako sinisipon. Bumalik sa isip ko ang imahe ni Dahlia nang sambitin niya kanina ang mga salitang Daddy. Mapait akong ngumiti.

"Siguradong mabuti siyang ama—" hindi ko natuloy ang sinasabi nang tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Napatakip ako ng bibig ko at tahimik na humikbi.

Parang biglang nilukot ang puso ko habang iniisip sila bilang isang pamilya. Hindi ko alam na masasaktan ako ng ganito. Tanggap ko namang wala na akong lugar sa buhay niya. Wala akong balak na manira ng pamilya. Hindi ko lang alam kung bakit pa ako nasasaktan ng ganito. Baka nagkamali ako, baka dapat ay hindi na ako bumalik dito.


Kyle Vin's POV

[We're back home, Dre susunduin ko diyan si Dahlia] Kean said from the other line.

"Are you sure?  She can sleep here though," I grab the plate of cookies and walk towards the living room. I found Dahlia sitting on the floor beside the coffee table. Nakakalat ang mga laruan niya sa sahig.

[Ayos lang, alam ko namang busy kang tao at saka wala ka ng oras mag alaga ng bata. Halos hindi ka na nga matulog para lang magtrabaho] he laugh.

"I can't believe you're saying that," I shook my head. Napalingon sa'kin si Dahlia. Inilapag ko ang plato sa coffee table.

"Cookies!," she immediately turn her back towards the table.

"I'll get your milk," I told her. Bumalik ako sa kitchen.

[Ang totoo si Monica talaga ang nakaisip HE HE Kagagaling lang namin sa honeymoon, Dre di pa ako nakakaupo sa bahay ko inutusan na akong sunduin diyan si Dahlia. Parang mas concern pa siya sayo, baka raw marami kang gagawin at pagod ka. Pagod din naman ako] paliwanag niya. Natawa ako sa sinabi niya.

"Nagsusumbong ka ba o ano?," I jest.

[Hindi naman sa gano'n, sinasabi ko lang ang nararamdaman ko. Kaya hindi pa kami nag aanak e, hindi pa kami handa sa mga obligasyon]

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon