CHAPTER 10

2.7K 187 7
                                    


(A/N: You can check the media above for Sassy's outfit. Photo not mine, credits to the rightful owner)

Sassy's POV

Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakasuot at pagkakatali ko ng sapatos— ng boots— ng sandal— ah basta! Hindi ko alam ang tawag sa klase ng sapin sa paa na 'to. Kulay itim na hanggang ibaba ng tuhod tapos parang net ang style at may pa ekis na lace. Buti nalang tinulungan ako nila ate Nida sa pagterno ng susuotin ko. Isang puting T shirt na may print na 2D drawings tapos may statements. Nakatuck in sa leather na shorts pero medyo beige ang kulay ta's may makulay na doodle.

Dali dali akong nagtungo sa labas dahil hinihintay na ako ni Kyle sa sasakyan. Binuksan ko ang pinto ng kotse at umupo sa shotgun seat. Ang gwapo niya sa suot na uniform. Maroon ang color ng polo at may logo ng school sa bulsa tapos nakakhaki pants siya. Hindi ko maiwasang malanghap ang pabango niya. Bumalik sa isip ko ang unang araw na nakarating ako sa bahay nila. Sa kwarto niya, kung saan nahuli niya akong nagtatago sa ilalim ng kumot niya.

Napatingin si Kyle sa suot ko saka muling ibinalik ang tingin sa mukha ko. Ngumiti siya. "Hindi ka na mukhang promdi"

"Alam mo may nagdeliver kanina ng box tapos may lamang mga damit at sapatos, para daw sa'kin. Suot ko na nga oh maganda ba? Parang medyo masikip 'tong short pero siguro naninibago lang ako ," kwento ko. Tumango lang siya. Umayos siya ng upo at hinawakan ang manebela.

"Really?"

"Oo, hindi rin nga ako makapaniwala e. May note pa 'yong kasama pero di naman nakalagay ang pangalan ng nagbigay. Isipin mo 'yon ilang araw palang ako dito pero mero'n na agad akong secret adviser"

"Pft— anong secret adviser?," tanong niya habang pinipigilan ang sariling matawa.

"'Yong nagkakagusto sa'kin pero ayaw lang niyang ipaalam na gusto niya ako gano'n. Secret nga e diba?"

Akala ko ba matalino 'to bakit di niya alam ang secret adviser. Halata namang madaming nagkakagusto sa kaniya pero hindi niya alam na secret adviser tawag sa iba do'n na nahihiya umamin at magpakilala?

Ilang segundo niya akong tinitigan pero maya maya lang umiwas siya ng tingin at humagalpak ng tawa. Napakunot ang noo ko. "Bakit ka tumatawa?"

"You mean secret admirer?," sabi niya habang tumatawa pa rin. Napaisip ako saglit. Admirer ba 'yon? Akala ko adviser.

"Che! Pareho lang 'yon!"

Umupo na ako ng maayos at nagseatbelt. Napahinto na siya kakatawa pero maya maya lang natatawa nanaman. Tinignan ko siya ng masama pero mas lalo lang siyang natatawa.

"Hoy ano ba?!"

"HAHAHAHA Sorry, hindi ko lang kaya 'yong secret adviser," namumula na ang tainga niya kakatawa. Sinimulan na niyang buhayin ang makina. Sinimangutan ko lang siya. Ang lakas mang asar porque mahina ako sa English e.

"Sige tumawa ka lang, kapag nakilala ko ang secret adviadmirer ko, who you ka sa'kin!," sabi ko.

"I don't care. H'wag kang masyadong umasa baka donation lang 'yon, bulaklak at chocolates ang binibigay ng admirer hindi box ng damit," bwelta niya habang nagsisimula ng magmaneho. Tinignan ko siya ng masama. Nanatiling nasa kalsada ang mga mata niya kahit mapang asar pa ring tumatawa.

"Ang KJ mo! Sabi ni Vivian kilalang brand daw 'yong Dior, 'yon ang nakalagay sa box. Kaya pano mo nasabing donation 'yon?," depensa ko. Ang aga aga pinapainit na nito ang ulo ko. Ang ganda na ng simula ng araw ko kanina nang dumating ang box e. Tapos ngayong kausap ko na 'tong lalaking 'to sira na ang araw ko.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang