CHAPTER 29

2K 150 0
                                    

Sassy's POV

"B-Bakit mo yan sinasabi? Pinsan mo si Jessica," nagtatakang saad ko.

Natahimik siya sandali. Tinaasan niya ako ng kabilang kilay. "Er nevermind"

Tumalikod na siya at naglakad paalis. Napakunot ang noo ko sa ikinilos niya. Bakit bigla nalang naging gano'n 'yon?

Habang iniisip pa rin ang tungkol sa kakaibang kinikilos ni Monica, nakarating din ako sa office ni Sir Quiño. Medyo nakaawang ang pinto kaya sumilip ako.

"Walang dahilan para hindi matuloy ang kasal bukas, may nakuha na kaming lead kung nasaan ang anak ko," nakangiting balita ni Mr Quiño.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Abot tainga ang naging ngiti ni ma'am Melisa. Nakaupo ang pamilya Fuentes sa sofa, nasa katapat na sofa nakaupo ang mga Quiño. Kung hindi ako nagkakamali, mga magulang ni Monica ang nasa tabi ni Mrs Quiño.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matapos ang narinig. Mataman kong tinignan si Kyle, walang bakas ng anumang emosyon ang mukha niya.

"What a great news, ibig sabihin lang no'n na wala na tayong dapat baguhin sa lahat ng napag usapan," pahayag ni ma'am Melisa. Nakangiti namang tumango si Mrs Quiño.

"That's for sure, Melisa. Thankfully we are able to find a legitimate source. My daughter will be here tonight," masayang sabi ni Mrs Quiño. Tahimik akong napabuntong hininga habang nakasilip pa rin sa kanila mula sa pinto.

"Is that kidnap for ransom? Marami na talagang mga walang kaluluwa ngayon. How much did the kidnapper asked?," tanong ni ma'am Melisa.

"Probably, a million. Right, kumpadre?," tanong din ni Sir Ian.

"It's not actually kidnap for ransom," tugon ni Mr Quiño. Nagkatinginan sila ng asawa.

Bigla nalang dumating si Monica. Nakabihis na siya at nakaligo na yata. Nilampasan niya ako at dire diretsyo siyang pumasok. Ngumiti siya sa lahat bago umupo sa tabi ng mom niya.

Napalingon si Kyle sa pinto. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Malungkot akong tumalikod. Hindi ko kayang manatili dito, masyadong masakit sa dibdib ang pinag uusapan nila.

"Do you remember Hiro? Anak ng dati naming driver, he kidnapped our Jessica," rinig kong sabi ni Mr Quiño habang mabagal akong naglalakad paalis.

"Where did you get that information, Tito?," boses naman 'yon ni Monica.

"We hired a lot of investigators, and according to one of the sources kasama daw ni Hiro si Jessica. Actually hindi lang si Hiro ang sangkot, iniimbistigahan na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng nakita sa CCTV mula sa Golden court palace," sagot naman ni Mrs Quiño.

Wala ng ibang tumatakbo sa utak ko kundi ang kasal bukas. Hindi ko alam kung makakaya kong makita si Kyle na ikinakasal sa iba. Napapikit nalang ako bago humugot ng malalim na paghinga. Lumabas ako ng mansyon at hinintay nalang si Kyle sa kotse niya.

Sino naman kayang Hiro ang tinutukoy nila? May nakilala akong Hiro noong nakaraan, sigurado namang hindi siya 'yon. Masyado siyang mabait at hindi naman mukhang nangingidnap ng kung sino.

MONICA'S POV

This can't be, hindi nila pwedeng malaman na kasama ako sa nangyaring pagtanan nila Jessi at Hiro. It also just feels odd everytime Tito state the word 'kidnap'. Though that was our plan, ayoko namang tawaging kidnapper ang sarili ko. I'm too fab for that. Let's just say na nagtanan nalang sila and I'm cupid dressed in black.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now