CHAPTER 9

2.7K 174 1
                                    

Sassy's POV

"Maaga kang matulog dahil may pasok ka na bukas, galingan mo sa eskwela. H'wag mo din kalimutan ang trabaho mo bilang PA ni young master"

Tumango ako matapos marinig ang bilin ni mama. Ang bilis ng oras. Gabi na at bukas may pasok na ako. Pinagdarasal ko nalang na sana maging maayos ang first day ko sa bago kong school.

"Sige na matulog ka na," kinumutan ako ni mama bago siya maglakad papunta sa pinto. "Good night po"

"Good night din, anak"

Nang makalabas na si mama, bumangon ako at bumaba sa kama. Ilang segundo pa akong nakipagtitigan sa maliit kong cabinet bago ko naisipan na lapitan 'yon.

Isa isa kong nilabas ang mga damit ko. Ano kayang pwede kong suotin bukas? Ramdam ko namang hindi gusto ni Kyle ang pagsusuot ko ng baro't saya. Tsaka 'yong mga tao din na nakakakita, pinagtatawanan nila ako.

"Kasalanan ko bang wala akong pambili ng mga usong damit?"

Konti lang ang dala kong damit. Ang totoo ito na ang lahat ng damit ko. Wala na ngang natira do'n sa probinsya. Umupo ako sa sahig at isa isang tinupi ang damit ko kasi wala naman akong mahanap na matino. Kung walang butas, masyado namang manipis, kung hindi manipis, kupas naman ang kulay, kung hindi kupas ang kulay, masikip naman sa'kin.

Bumuntong hininga nalang ako. Tumingala ako sa kesama at napapikit. "Lord hindi ko po ikinakahiyang magsuot ng ganito. Pero sana po h'wag niyong hayaan na pagtawanan ako ng iba o di kaya laitin. Sorry po Lord, hindi po ako nagrereklamo, promise"


KINABUKASAN

"Sassy, gising na 'be may pasok ka pa"

Naalimpungatan ako dahil sa mahinang pag alog sa'kin ni ate Nida. Kinusot ko ang mga mata ko at bumangon. "Nasa'n si mama?"

"Nagluluto na siya ng agahan nila ma'am. Ako na lang inutusan niyang gumising sayo. Ito maligo ka na, sasabay ka kay young master papunta sa school," nakangiting inabot sakin ni ate Nida ang tuwalya.

Doon lang nagsink in sa utak ko na first day of school pala ngayon. Mabilis kong dinaklot ang tuwalya sa kamay ni ate Nida at saka tumakbo papunta sa pinto.

"Ligo na ako ate, salamat sa paggising sa'kin," sabi ko bago tumakbo sa walang katao taong pasilyo. Nando'n lang sa dulo ang banyo ng mga katulong kaya dire-diretsyo lang ako.

Napahinto ako nang lumabas si Vivian galing sa kanang pasilyo. May bitbit din siyang tuwalya, siguro maliligo na din. Ngayon pareho na kaming nakatayo sa tapat ng banyo.

"Uhm pwedeng ako na ang mauna? Mabilis lang ako promise," ngumiti ako. Tinignan niya ako at sarkastiko siyang ngumiti. "Ayoko"

"O-sige," umatras ako para hayaan siyang mauna. "Pakibilisan nalang kasi baka maghintay sa'kin si —"

"Wag mo nga akong utusan," umirap siya at pabagsak sanang isasara ang pinto ng may kamay na pumigil. Napalingon ako at nakita si ate Nida.

"Vivian lumabas ka muna diyan, paunahin mo na si Sassy. Papasok pa siya sa school ikaw dito ka lang naman sa bahay, hayaan mo na siyang mauna," sabi ni ate Nida habang pinipigilan pa rin ang pinto sa pagsara.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now