CHAPTER 33

2.1K 152 8
                                    

SAM'S POV

Hindi ko maiwasan ang maging emosyonal habang naglalakad palayo kay Sassy. Tinuring ko siyang kapatid buong buhay ko. Mahirap ang ipagtabuyan siya ng gano'n lang.

Napahinto ako sa paglalakad. Lumingon ako pero hindi ko na siya matanaw. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Napahinto din sina mama at papa nang mapansing hindi na ako nakasunod sa kanila.

"Tama ba ang ginawa natin, ma?" hindi ko maalis ang tingin sa malayo. Lumapit si mama at tinapik ang balikat ko.

"Para rin iyon sa ikakabuti niya," halos pabulong niyang tugon. Tahimik lang na nakatingin si papa. Alam kong masakit din sa kaniya ang ipagtabuyan si Sassy.

Pakiramdam ko mali ang ginawa naming pag iwan sa kapatid ko. Kami na ang kinalakhan niyang pamilya. Siguradong hindi siya magiging masaya sa piling ng mag asawang hindi niya naman kilala.

"Babalikan ko si Sassy," wala sa sariling saad ko. Mabilis akong pinigilan ni mama sa braso bago pa ako makahakbang paalis.

"Tama na, hayaan na natin siyang umalis," nagmamakaawang sambit ni mama.

"Kapatid ko 'yon, ma. Anak niyo 'yon ni papa. Sabihin na nating hindi natin siya kadugo pero - tsk mali 'yong iwan natin siya do'n at hayaang sumama sa mga taong hindi niya kilala. Babalikan ko siya —".

"Samuel! Tumigil ka na. Kilala ko sina Thalia at Steve, mabuti silang tao. Hindi nila pababayaan si Sassy - hindi nila hahayaang may mangyaring masama sa anak nila. Mas mabuting makaalis na ng Pilipinas si Sassy.. nangangamba ako sa ibabato ng mga Quiño lalo na sa sinabi ni ma'am Melisa sa text kay madam Flor kanina. Sinisisi nila ang kapatid mo sa nangyari kay Perly kanina sa kasal. Inatake sa puso si Perly matapos marinig ang balitang sangkot daw sa kidnapping na nangyari sa anak niya si Sassy," mahabang litanya ni mama. Hindi ako nakatugon.

Alam kong sasama ang loob ni Sassy kapag nalaman niyang ako ang tumawag kaya nandito ang totoo niyang mga magulang. Mahirap ang sitwasyon at hindi na ako nakapag isip ng maayos. Ang tawagan ang totoong mga magulang niya ang tanging paraan para mailigtas siya.

"Pabili"

Ilang ulit kong kinatok ang maliit na bintana ng tindahan. "Pabili," mas nilakasan ko ang boses sa pangalawang pagkakataon. Wala pa ring sumasagot.

"Tao po! Pabili," muling tawag ko. Ilang minuto pa akong naghintay ng tugon pero wala pa rin.

"Tao po! Aling Susan, pabili po!," pasigaw na tawag ko.

Sa inip ko ay naisipan kong sumilip sa bintana ng bahay nila. Napakamot ako ng ulo ng makitang tutok sa TV si aling Susan.

"Aling Susan, pabili po akong sardinas," tawag pansin ko dito.

"Sshhh sandali lang," aniya habang hindi ako nililingon. Napailing nalang ako. Nang sulyapan ang TV ay napakunot ang noo ko.

Nasa TV si Sassy, nasa TV ang kapatid ko!

"Pambihira, alam na ba ito nila Agustin? Tsk tsk tsk 'yong anak nila'y pinagpipyestahan sa telebisyon," iiling iling pang sambit ni aling Susan.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon