CHAPTER 15

2.6K 179 0
                                    

Kyle Vin's POV

Hindi ko maintindihan kung bakit tinatanggi niyang magkakilala kami noon. I'm a hundred percent sure na siya ang best friend ko. I wonder why she keep on denying the obvious.

I smiled looking at my computer's screen. Nakangiting mukha ni Sassy ang wallpaper. Hindi niya nakita kahapon, I took a picture of her habang nagkukwentuhan sila ni Hannah sa Starbucks.

~KNOCK! KNOCK! KNOCK!~

"Bukas yan," lumingon ako sa pinto.

Bumukas ang pinto. Nakita kong nakatayo si Vivian sa labas. Nagbow siya. "Handa na po ang agahan"

"Susunod na ako," I said. Ngumiti siya bago muling isara ang pinto. Sumulyap ako sa relo ko. I fixed my uniform in front of the mirror. Lumabas na ako ng kwarto.

Walking in the empty halls is just.. well nakakabingi ang katahimikan. Sanay na akong mag isa sa mansyon na 'to halos buong buhay ko. Pero minsan mapapaisip ka nalang talaga. Ang swerte ng mga batang lumaki sa maliit at simpleng bahay. Tumingin ka sa kaliwa makikita mo ang mama mo, sa kanan makikita mo agad ang papa mo. You'll just extend your hand and then you'll reach your sisters and brothers. Life's simple and hard but at least you have your parents to hold you at night and sang you a lullaby before you sleep.

"Nakwento sa'kin ni Sassy na ikaw daw ang palaging highest sa mga test niyo. Siguradong magiging proud sayo sina ma'am Melisa kapag nalaman nila," nakangiting puri sakin ni mama Lina.

"Kayo lang naman ang proud sa'kin e. Mom and Dad doesn't care about anything when it comes to me."

Simula first year highschool si mama Lina lang ang pumupuri sa'kin pagdating sa academics. Gano'n din sa pagbabasketball ko.. sa lahat ng achievements ko. It may sound dramatic but my parents doesn't care at all. Umuuwi lang sila dito sa bahay kapag gusto nila. Kapag nandito sila minsan ko lang din naman makita dahil parehong nagkukulong sa kaniya kaniyang opisina at tutok sa laptop. They've never been to any of my school recognitions nor my completion last year. Si mama Lina lang ang nando'n, pumapalakpak at nakangiti habang inaannounce ng teacher ang pangalan ko sa mikropono. Ako lang ang walang magulang na nando'n. Nakangiting tinatanggap ang certificate at sinusuot sa sarili ang medalya. Kahit papano hindi ako nakaramdan ng pag iisa. Nakikita ko si mama Lina, kasama ko siya.

"Nasabi ba sayo nila ma'am kung kailan sila uuwi?," tanong ni mama Lina habang nilalapag ang breakfast sa mesa. I shrugged.

I never know that she's Sassy's mom. Nang bumalik ako galing sa probinsiya nandito na siya. Madalas na wala si mom at dad kaya sa tuwing may problema ako, tungkol man sa school o sa kahit ano. Si mama Lina ang tumatayong magulang ko. Naalala ko nakwento ko noon sa kaniya si Sassy. But I never mentioned the name. Ang alam lang niya namimiss ko ang best friend kong naiwan sa probinsiya.

"Hayaan mo na baka sa susunod na linggo nandito na sila, kumain ka na," nilagyan niya ng tubig ang baso ko. I sigh.

"No, they won't. But for sure uuwi sila sa susunod na buwan. May gaganaping event si Mr Quiño. My parents loves spending time with business partners. Gagawan at gagawan nila ng oras ang mga ganoong bagay," I smiled bitterly. Iyon naman ang katotohan. Kung tungkol sa trabaho, pera at yaman ang pag uusapan, hindi mawawala do'n sina mom at dad.

Tinapik ni mama Lina ang balikat ko. "Intindihin mo nalang ang mga magulang mo at nagtatrabaho sila para sayo"

"Hindi sila katulad mo, mama Lina. Nagtatrabaho ka para tulungan ang pamilya mo. While my parents work for money. It's never the same," I tell her. Bakas ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa'kin. I smiled. Maswerte si Sassy at may magulang siyang tulad ni mama Lina.

Umupo siya sa katabing silya. "Kyle, anak kahit ano pa ang mangyari h'wag na h'wag kang magtatanim ng sama ng loob sa mga magulang mo. Mahalin mo sila dahil bali-baliktarin man natin ang mundo mga magulang mo pa rin sila"

"May magulang bang binabalewala ang anak? Ang hirap po no'n 'yong magbigay ng pagmamahal sa mga taong nagdadamot no'n sa iba.," I stated.

"Alam ko. Basta tandaan mo hindi ka nag iisa. Kung gusto mo ng makakausap kapag may problema ka nandito lang ako. Pati na ang ate Nida at ate Paula mo," ngumiti si mama Lina. Kahit papano gumaan na ang pakiramdam ko.

"How about Sassy, ma? Can I talk to her too?," I jest.

"Aba'y 'yon pa ang kakausapin mo e baka mas lalo pang madagdagan ang problema mo," she chuckle.

I laugh. Napailing nalang si mama Lina at natawa rin. "O siya, mabuti at okay ka na. Babalik na ako sa kusina, sabihin mo lang kung may kailangan ka" Tumayo na siya para umalis.

Napahinto ako sa pagsubo nang matanaw si Sassy na parating. Huminto siya sa dulo ng mahabang mesa at napahawak sa dibdib. Hinihingal siya.

"Are you okay?," I asked.

Nag angat siya ng tingin at nagthumbs up. I watch her walk towards me. Her hair's in a messy bun. I find it cute though. Alam ko, simula noon walang araw na hindi siya maganda sa paningin ko.

"Kumain ka na?," tanong ko pero pabagsak lang siyang umupo sa silya na nasa tabi ko.

"Alam mo ba? Nilibot ko ang buong mansion, kanina ko pa hinahanap si ate Nida. Ang dami pala talagang hagdan dito 'no?," she wiped the sweat on her forehead using the back of her hand.

"Sino bang nagsabi sayo na libutin mo ang mansyon?," I asked.

"Ako! Nakakainis nga e ang aga aga pawis na ako, nakapagwork out tuloy ako ng wala sa oras" she laugh.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Kailangan kong makita si ate Nida, hihiramin ko sana ang cellphone niya," napatingin siya sa plato ko. She gulp.

"Tsk diyan ka lang kukuha ako ng plato," sabi ko. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako sa braso.

"Ako na, that's my job! Oha! Tama na ba English ko?," she giggles. I shook my head and smirk. "Yeah, good job."

"Tapos ka na bang kumain?," she asked.

"I'm done"

"'Yon naman pala e, umupo ka na diyan," hinila niya ako pabalik sa upuan. He reach for my plate. "Wala ka naman siguradong rabies 'no? Gamitin ko nalang 'tong plato at kutsara mo"

I laugh. "The heck sino bang mukhang may rabies sa'tin?"

Tinignan niya ako ng masama bago sumubo ng bacon. Kinuha ko ang plato ng kanin at inabot sa kaniya. Nilagyan niya ang plato at nagsimula ng kumain. Nilagyan ko din ng tubig ang baso saka tinulak palapit sa kaniya. Hindi ko namalayang nakangiti ako habang nakatingin sa kaniya.

"Ganito ba lagi kasarap ulam mo?," tanong niya habang sumusubo pa ng kanin. The more I look at her, the more I become so fascinated by her beauty. Sa tuwing ngingiti siya at tatawa nags-slow motion nalang bigla.

I bit my lower lip and look away. I absentmindedly grab the glass of water and took a sip on it

Nang muli kong ilapag ang baso, kinuha niya at uminom do'n. I can't help but to stare at her. Nang makitang nakatingin ako sa kaniya, ibinaba niya ang baso at kunot noo akong tinignan.

Her eyes widened. Mabilis niyang pinunasan ang bibig. "Umaygash! Uminom ka din diyan diba?!"

"Yeah?"

"Ahhhhh!! Ibig sabihin nagkiss tayo kadirriiiiiiiiii!!!!" She yelled.

"Are you serious?," I laugh. Tinignan lang niya ako ng masama. Pinunasan niya ang baso at muling nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain. I cant stop laughing.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now