CHAPTER 36

68 2 1
                                    

(Photo not mine. Credits to the rightful owner)

Sassy's POV

"Welcome to Beverly Hills, sweety"

Parang nahihilo pa ako habang bumababa ng eroplano. Bakas naman ang excitement sa mukha ni miss Thalia - este mama. Hyper na hyper sila at kung ano ano na ang kinukwento sakin kanina tungkol sa magiging buhay ko daw dito.

"I can't wait to see your brother's reaction.," nakabungisngis na saad ni mama. Tipid nalang akong ngumiti.

Sa baba ay naghihintay na ang puting limousine. Napaawang nalang ang labi ko dahil ito ang unang beses na nakakita ako ng sasakyan na ganyan.

Ang haba pala talaga...

Ilang tao kaya ang kasya diyan? Napawi ang aking pagkamangha nang maalala ang naiwan kong pamilya sa Pilipinas. Bigla nanamang bumigat ang dibdib ko.

Pinagbuksan kami ng pinto ng driver. Pormang porma naman ito sa suot na puting uniform at may gloves pa. Nagbow siya habang hinihintay akong pumasok sa kotse. Bigla ko namang naalala si Kyle. Noong nakaraan lang, si Kyle pa ang nakikita kong tinatrato ng ganito. Kahit papano ang sarap din pala sa pakiramdam na pinagsisilbihan ka.

"We'll go shopping together and I'll help you buy everything you need especially your school supplies. And every Sunday, we'll go out and go to places you wanted. We'll finally become a complete family," kwento ni mama. Ang bilis niya magsalita ng English at medyo nahihirapan din akong intindihin lahat dahil masyadong fluent. Tumatango tango nalang ako.

Sumulyap ako sa bintana habang patuloy pa rin silang nag uusap ni papa. Nakikita kong nag iiba ang kulay ng dahon ng mga puno nila rito. Sa Pilipinas kasi wala namang ganito, naglalagas ang mga dahon senyales na parating na ang taglamig.

Hindi ko alam kung nasaan na kami. Pero habang patuloy kong pinagmamasdan ang nadaraanan namin para bang nasa panaginip ako o di kaya nasa loob ng pelikula. 'Yong mga bahay na parang dollhouse tsaka ang mga tao na parang artista sa mga pelikula. Totoo ba ang lahat ng nakikita ko? Hindi ba ako nananaginip?

Huminto ang kotse sa tapat ng isang magarang bahay. Teka hindi- may pagkakatulad ito sa mansyon ng mga Fuentes.

Agad kaming sinalubong ng dalawang katulong. Nagulat ako dahil may inilapag siyang magarang sapatos sa tapat ko. Doon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakapaa. Pinagbuksan kami ng pinto at tsaka nagbow sila. Nakasunod lang ako kay mama at papa. Naninibago ako sa bagong lugar kung saan ako napadpad. Nauna ng pumasok si mama, nilingon ako ni papa kaya nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Get inside, Amara feel at home. This is your home," aniya. Umaliwalas ang mukha nito nang ngumiti siya.

Hinayaan niya akong maunang pumasok bago siya sumunod. Hindi ko maiwasang mamangha sa laki ng espasyo. Inilibot ko ang paningin sa paligid, ganito din ang pakiramdam ko nang unang beses akong makapasok sa mansyon nila Kyle. Nang tumingala ako ay nakita ko ang chandelier. Bigla kong naalala si Kyle.

"This is the fucking Grand Hall," tamad niyang saad. Sumulyap siya sa relo. Tatango tango naman akong tumingin sa paligid. Mamahalin talaga ang mga gamit at porselanang nakadisplay sa tabi. Tsaka 'yong mga vase parang galing pa sa libingan ng mga ninuno nila. Bakit kaya ang hilig nila sa lumang gamit?

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now