CHAPTER 2

3.6K 211 10
                                    

Sassy's POV

"HAAAACHUUUUU!"

Paktay.

Narinig kong nagmura ang lalaki bago siya tumayo. Mariin akong pumikit dahil ramdam kong nakatayo siya ngayon sa gilid ng kama at nakatingin sa kumot kung saan ako nagtatago.

Parang yelo akong nanigas. Narinig ko ang mga yapak niya, sana lumabas na siya. Napasinghap ako nang biglang lumiwanag. In-on niya ang switch ng ilaw. Nakita nya na ba ako? Naaninag ko mula sa kumot ang matikas nyang pigura, nakaharap sya sa kama.

> . <

Nakita na nya ako, mama! Katapusan ko na, tulong!

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong palapit siya.. ng palapit.. at palapit..

Ang kamay niya nagtungo sa dulo ng kumot, sa bandang paa ko. Pinagdarasal ko na sana hindi niya makapa ang nanlalamig at nanginginig kong paa. Napalunok ako nang maramdamang mahigpit niyang hinawakan ang tela at hinila pababa. Hanggang sa tuluyan niyang maalis ang kumot na nagkukubli sa'kin.

"WHAAAAAAA!!"

"Shit!"

Pareho kaming nagulat sa isa't isa. Napaatras siya at natumba sa may pinto. Natataranta naman akong bumangon at hindi malaman kung saan pupunta. Napaatras ako sa pader pero pagharap ko nauntog ako sa bookshelf niya. Napaupo nalang ako sa sulok.

Ilang segundong namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pareho kaming nakatingin sa isa't isa at pinapakiramdaman ang paligid.

Kumikirot ang noo ko, magkakabukol yata ako. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi naman ako tumakbo ng ilang kilometro pero bakit hingal na hingal ako? Bakas ang iilang guhit sa noo niya at ang nagsasabong niyang kilay ang mas lalong nagpakaba sa'kin.

Hindi naman siya mukhang Shaolin kasi may buhok siya. Ang sama ng tingin niya sakin, parang ilang segundo lang mags-super saiyan na sya!

Tumayo siya. Inayos niya ang pagkakabuhol ng tuwalya sa bewang niya. Tumingin siya sa sulok kung saan ako nakaupo. Pabilis na ng pabilis ang paghinga ko at konti nalang mapagkakamalan na niya akong may hika.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Sino ka?," mahihimigan ang galit sa boses niya.

Hindi ako sumagot. Grabe ang tangkad niya. Ayoko na! Yumuko nalang ako at niyakap ang tuhod ko, mas lalo kong isiniksik ang sarili sa sulok nang makitang palapit siya sakin.

"I'm talking to you! Sino ka? Pano ka nakapasok dito?"

Nagsimula na akong magdasal ng mahina, 'yong ako lang ang makakarinig tsaka 'yong angel ko. "Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit—"

"Hey! You better get out of here or else I'll call the guards!"

Nag angat ako ng tingin. Nakatayo siya sa tapat ko at nakayuko ng kaunti. Ang sama ng tingin niya. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansing.. letche kamukha niya si ano! Walang ano ano'y tumayo ako at muntik pa akong mauntog sa kaniya kung hindi siya agad umatras.

"Who the hell are you?! You can't just enter someone's room and—"

"Ano? T-Teka nga bagalan mo lang ang pagsasalita, 'yong translation ng English word sa utak ko umaabot ng 5 minutes kaya—"

"Get out," putol niya sa sasabihin ko. Tinuro niya ang pinto.

"Huh! Ganyan mo ba tratuhin ang isang babae? Patapusin mo akong magsalita at h'wag kang bas—"

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum