CHAPTER 21

2.2K 141 2
                                    

Sassy's POV

"Everyone's ready na ba?," boses 'yon ni Tamara. Nandoon sila sa kabilang kwarto.

"Aalis na po kami, ma. Sasabay nalang siguro ako kay Kyle pauwi mamaya. Ibababa ko na po ang tawag ha," kausap ko kay mama sa kabilang linya.

"Sige anak, mag enjoy ka"

"Dalhan mo kami ng pagkain, Sassy!," boses naman 'yon ni ate Nida. Narinig ko ang tawanan nila. Natawa nalang din ako.

"Sige po, bye"

"BYE!," sabay nilang sambit.

Ibinaba ko na ang tawag. Itinago ko ang cellphone sa silver na pouch na binigay ni Tamara.

Huminga ako ng malalim bago muling tignan ang repleksyon ko sa salamin. Hindi ako makapaniwalang ako ang nakikita ko ngayon. Naging hanggang dibdib nalang ang hanggang bewang kong buhok. Ang kaninang itim, blonde na- ito naman talaga dapat ang kulay ng buhok ko. Napahawak ako sa mukha ko. Ito ang unang beses na nakita ko ang sarili ko na merong make up. Hindi gano'n kakapal, tama lang ang pagkakalagay ni Tamara. Napangiti ako habang pinagmamasdana ang suot na magarang gown. Sleeveless fitted long gown na kulay pula at ayon pa kay Tamara, gawa daw sa totoong diamond at perlas ang desensyo sa bandang dibdib at likod.

Napahawak ako sa dibdib ko, ang lakas ng pagkabog ng puso ko. Excited lang talaga siguro ako.

"Sassy, let's go na," kumatok si Hannah sa pinto. Mabilis ko namang binuksan 'yon. "Tara"

"Ahhh ang ganda mo talaga dyan sa red," ngumiti siya.. "And the blonde hair, girl you're giving me Hollywood celebrity vibes," dagdag pa niya.

Nahiya naman ako sa pagpuri niya. Nakasuot siya ng baby pink na long gown tapos off shoulder. Nakapusod din ang buhok niya.

"Kinakabahan ako," nasabi ko nalang. Medyo nahihirapan pa akong maglakad dahil hindi ako sanay sa heels.

"Don't be, let's just enjoy the night. Ito ba ang unang beses mong umattend sa Gala?," tanong ni Hannah. Tumango lang ako.

Nakita ko si Molina, ang sexy niya sa suot na puting gown. Merong mahabang slit sa gilid kaya kitang kita ang mahahaba niyang legs. Nakasuot naman ng purple na gown si Tamara, parang tube ang estilo ng gown. Simple lang at terno ang kulay sa mga mata niya.

"I guess everyone's ready. Let's go girls," masayang anunsyo ni Tamara.

"Yeah! Let's go na, I called Kyle Vin and he said nando'n na daw sila sa venue," saad ni Molina.

Mabilis na napawi ang ngiti ko at agad na napatingin sa kaniya. Nagkausap sila ni Kyle? Tinawagan niya? Callmate sila? May number siya ni Kyle? Di kaya magkatext sila kaya madalas tutok si Kyle sa cellphone?

"O-kay?," nauna ng maglakad palabas si Tamara. Sumunod ang Glam Squad niya. Natawa ng mahina si Hannah nang bumaling siya kay Molina.

"You called Kyle Vin, huh?," sarkastikong saad ni Hannah.

"Duh I did!- hindi niya nga lang sinagot," tugon ni Molina saka nagflip hair bago kami lampasan ni Hannah.

Natawa ng mahina si Hannah. "Minsan dahan dahan tayo sa pag iilusyon, Molly," iiling iling na sabi ni Hannah bago maglakad palabas.

Hindi ko alam kung saan ang sinasabi nilang venue ng Gala Dinner. Backless ang suot kong gown pero hindi ko pinahalatang medyo nilalamig ako sa aircon ng van ni Tamara. Nasa tabi ko si Hannah. Magkatabi naman si Tamara at Molly. Parehong tutok sa cellphone ang tatlo. Tumingin ako sa bintana at pinagsawa ang mga mata ko sa mga ilaw ng establishimentong nadaraanan namin.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon