CHAPTER 6

2.9K 194 2
                                    

Sassy's POV

Kanina pa tahimik dito sa loob ng kotse ni Kyle. Nakatingin lang ako sa bintana at siya naman nakatingin sa manebela. Di niya naman pinapaandar ang kotse. Nakita kong umalis na ang kotse ni Kent. Nakasunod naman ang kotse ni Kean.

May iilang kotse pang nakaparada pero hindi naman siguro namin hihintayin na makaalis lahat bago kami umalis diba?

Tumikhim siya kaya napalingon ako sa kaniya. Pareho kaming naiilang na tumingin sa isa't isa. Bakit ko kasi sinabi ang buong pangalan ko kanina e! Pano ko na malulusutan 'to? Umaygash! Maawa ka Kyle ayoko ng pag usapan ang nakaraan.

"So.. how are you?," casual niyang tanong habang nakatingin sa'kin.

"Anong how are you? Magkasama lang naman tayo mula kanina," bwelta ko.

"Alam mo ang ibig kong sabihin. We never saw each other for almost 4 years. Pa'no mo ako nahanap?"

Mabilis akong napasulyap sa kaniya. "Aba ang kapal, hindi kita hinanap ah!"

Baka iniisip na nitong hinanap ko talaga siya kasi gano'n ko siya kamahal— as best friend. Pero nagkakamali siya, never! Bakit ko pa hahanapin ang taong iniwan ako aber? Hindi ako tanga para maghabol sa taong nangakong babalik pero hindi naman pala.

"Well, but anyways dumating ka kahapon sa bahay, hindi ka man lang nagpakilala.," aniya.

"Huh? Bakit? Pano? Sa inasta mong 'yon magpapakilala pa ba ako? Tsaka kasalanan ko bang hindi mo man lang tinanong ang mga magulang mo kung sino ang kinuha nilang PA para sayo?," paliwanag ko. Hindi naman siya agad na nakasagot.

Teka.. pano kaya kung sabihin kong hindi ako 'yong best friend niya? Past is past naman na kasi. Tsaka hindi ko alam kung maibabalik pa ba namin ang dati. Lalo na ngayon na boss ko na siya.

"You changed, hindi kita nakilala. That blue eyes though, may kutob na ako pero hindi pa rin agad ako naniwala. Bagay pala sayo ang mahaba ang buhok e," ngumiti siya. Napahawak naman ako sa buhok ko. Kaya pala.. never niya pa kasi akong nakita na may mahabang buhok. Pareho kami ng haircut ng kuya ko dati e.

"Ano bang sinasabi mo?," nag iwas ako ng tingin at bumaling nalang sa bintana. Tama bang hindi ko sabihin ang totoo kahit obvious naman? Ayokong aminin sa kaniya na ako 'to, 'yong best friend niya na iniwan niya lang naman.

"Ilang beses ko ding sinubukan na bumalik sa probinsya kasi nangako ako sayo—"

"Alam mo hindi kita maintindihan, n-nagkakamali ka lang. Napagkamalan mo yata akong kakilala mo," pilit akong tumawa.

H'wag mo ng balikan, masakit.

Hindi siya agad nakasagot. Ilang segundo niya akong tinitigan at para bang binabasa ang nasa isip ko. "C'mon I know it's you, sino pa ba ang Sassy Lopez dito sa mundo, na taga probinsya at may asul na mga mata? Ikaw lang 'yon"

Hindi ako kumibo. Bahagya niyang inilapit ang mukha sa'kin. Bigla nalang tinambol ang dibdib ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng mga palad niya. Inangat niya ang mukha ko para tumingin sakanya.

"I know it's you, Sassy. We meet back when we were in grade 6. When I was in the midst of my lonely journey, you found me and their I found my home" Nilantad ng abuhin niyang mga mata ang alaala naming dalawa.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now