CHAPTER 26

2K 150 3
                                    

Sassy's POV

"Bawiin mo lahat ng sinabi mo dahil kung hindi tatawag ako sa mansyon ngayon mismo at nang makapag alsa balutan na si Lina. Hindi mo na makikita ang babaeng 'yan!," dinuro ako ni ma'am Melisa. "Hindi isang anak ng hamak na katulong ang papakasalan mo Kyle Vin, hindi!"

Bigla akong nakaramdam ng panliliit sa sarili ko. Sa bawat mapanghusgang mga mata na nakatingin sa'kin para bang nililibing na nila ako sa hukay.

"Aalis na kami," hinila ako ni Kyle pasunod sa kaniya.

"NO! Hindi pa ako tapos," parang dragon na umusok ang ilong at tainga ni ma'am Melisa. Bigla akong nangamba sa maari niyang gawin sa'min ni mama.

"Guards, h'wag niyo silang hayaan na makalabas," utos ni sir Ian.

Narinig kong napamura si Kyle nang may guards na humarang sa'min sa exit. Bakas ang inis nang mapilitang mapalingon si Kyle sa pamilya.

"What do you want?," nawawalan na ng pasensyang tanong niya. Lumapit sina ma'am Melisa at gano'n din ang ginawa ng mga taong may kaniya kaniyang hawak na camera.

"May itatanong ako, kailangan ko ng kasagutan," seryosong turan ni ma'am Melisa habang hindi inaalis ang nakakamatay nitong titig sa'kin.

"Wala na kayong dapat malaman, I've already said it.," paliwanag ni Kyle.

"Mahal mo ang babaeng 'yan?," nanunuya akong dinuro ni ma'am Melisa. Napayuko nalang ako.

"Just let them go, Melisa. I don't care about the wedding anymore, kailangan kong mahanap ang anak ko," saad ni Mrs Quiño.

"No, no way balae matutuloy ang kasal. Mahahanap natin si Jessica, the police are looking for her now" pangungumbinsi pa ni Maam Melisa. Hindi tumugon si Mrs Quiño. Napasandal nalang ito sa balikat ng asawa.

Nilingon ako ni ma'am Melisa, humakbang siya palapit sakin. Nakatayo ako sa likod ni Kyle. Alam kong ang sama na ng tingin sakin ng mom niya. Nanatiling nasa sahig ang mga mata ko.

"May relasyon ba kayo ng anak ko?," diretsyong tanong ni ma'am. Hindi ako sumagot. Inikutan niya ako kaya mas lalo akong kinabahan. Napailing nalang si Kyle.

"Maybe she has a feelings for Kyle," anang boses ng babae mula sa nagkukumpulang mga tao.

"She better not dare to," sarkastikong natawa si ma'am Melisa. Nag angat ako ng tingin at nakitang si Molina pala ang nagsalita. Siniko siya ni Hannah pero nagkibit balikat lang ito.

"Alam mo ang sagot na gusto kong marinig Sassy. Isipin mo ang mangyayari sa inyo ng ina mo kapag hindi ko nagustuhan ang lalabas diyan sa bibig mo. Muli kong uulitin, may relasyon ba kayo ng anak ko?," muling tanong ni ma'am Melisa.

"Hindi pa ba sapat ang sinabi ko kanina? I love her!," si Kyle ang sumagot.

"I'm not talking to you, Kyle Vin" malamig na tugon ni ma'am bago tumingin sakin.

Napasulyap ako kay Kyle. Mataman niya akong tinignan, nangangapa ako ng maisasagot. Natatakot akong magkamali ng mabibigkas na salita. Natatakot ako para sa'min ni mama, natatakot din akong muli nanaman kaming paglayuin ni Kyle.

"Now what? Gano'n ba kahirap ang tanong ko at hindi mo masagot?," muling sambit ni ma'am Melisa.

Nakatuon sakin ang mata ng lahat. Huminga ako ng malalim.
Mawawalan kami ng trabaho ni mama at mawawalan ako ng scholarship.. sakaling piliin ko si Kyle. Pero ayokong itanggi si Kyle, ayokong iwan nalang siya sa ere matapos niya akong ipaglaban sa harap ng maraming tao at lalo na sa harap ng mga magulang niya.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now