CHAPTER 4

2.9K 185 3
                                    

Kyle Vin's POV

Sinundan niya ako hanggang sa makarating kami sa garden. Para siyang bata na akala mo nakarating sa Disney land kung mamangha sa nakikita.

"Ito ba ang garden?," tanong niya. Tumakbo siya sa gitna ng damuhan at umikot ikot.

"Tsk bilisan mo na may pupuntahan pa ako," I said.

"Parang parke naman itong garden niyo ang lawak," tumakbo siya papunta sa fountain. Bumuntong hininga nalang ako at sumunod sa kaniya.

I glanced at my watch. Siguradong nagsisimula na ang practice namin. Kung wala lang dito si Dad e iniwan ko na 'tong babaeng 'to.

Ilang minuto ko pa siyang pinanuod na tumakbo, tumalon at kulang nalang lumipad siya at gumapang malapitan lang ang mga butterfly na dumadapo sa mga lisianthus.

Maya maya lang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang kaibigan kong si Kean. Napalingon sakin ang babae pero tinignan ko lang siya ng masama bago ako tumalikod at naglakad ng ilang metro.

"Oh?"

"Sa'n ka dre? Nagsisimula na kami hinahanap ka ni coach," boses ni Kean sa kabilang linya. I know it. Kasalanan 'to lahat ng PA ko!

Nilingon ko siya pero nasa tabi ko na pala siya. "Sinong kausap mo?," she asked.

"Bakit ko naman sasabihin sayo?," tinalikuran ko siya at naglakad ako papasok ng bahay. Inaasahan ko rin na susunod siya. At sumunod nga siya.

"Sino 'yon?," rinig na rinig ang mahinang tawa ni Kean sa kabilang linya. "Babae 'yon ah, h'wag mong sabihin na dahil sa babae kaya ka—"

"Shut up."

Narinig ko ang boses ng mga kasama namin mula sa background. Mapang asar namang tumawa si Kean kaya napailing nalang ako.

"Pupunta ako diyan, sabihin mo nalang kay coach malilate ako"

"Noted! Mamaya na 'yang bebe time niyo—"

"Bye!"

I ended the call. "Bebe time? What is that?"

Aalis na sana ako ng maalala kong nasa likod ko pa rin pala 'tong babae. Hindi ko siya pinansin at nagtungo na ako sa pinto palabas. Sunod pa rin siya ng sunod.

Nakasalubong namin ang isang maid na si Vivian. Apo siya ng major domo naming si Florida. Mabilis na napako ang tingin niya sa PA ko.

"Hi! Good morning nakita mo si mama?," casual na tanong nitong babae kay Vivian. Wala siyang nakuhang tugon. Sumulyap sakin si Vivian at nagbow.

"Nandito pa ba sina mom at dad?," tanong ko sa kaniya.

"Kakaalis lang po nila, young master"

Tumango ako bago maglakad palabas ng pinto. Mabilis na binuksan ni Vivian ang pinto. Patakbo namang sumunod sa'kin ang PA ko.

"Ba't gano'n si Vivian 'no? Kagabi akala ko di niya lang ako narinig pero ngayon sigurado na akong ayaw niya talaga akong pansinin," kwento sa'kin ng babae habang nakasunod pa rin siya papunta sa garahe. Hindi ako nagsalita. We're not even close to chitchat.

"Ah alam ko na! Kasi diba follow the leader, ikaw 'yong leader kasi boss ka. At dahil bugnutin ka kaya naging bugnutin din ang mga tao dito sa mansyon," she stated.

Hindi ko natuloy ang pagbukas ng pinto ng kotse. Matalim ko siyang tinignan pero ngumiti lang siya at nagkibit balikat. Inuubos talaga ng babaeng 'to ang pasensya ko. Kung hindi ko lang talaga naaalala ang best friend ko sa tuwing nakikita ko ang mga mata niya tsk.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now