CHAPTER 28

2.1K 158 2
                                    

Sassy's POV

September 07

'Be ang aga bihis na bihis ka na ah, sa'n lakad?," tanong ni ate Nida. Nakasalubong ko siya sa hallway nang bigla siyang lumabas sa kwarto. Kakagising niya lang yata.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam, sinabi lang ni Kyle na may pupuntahan daw kami," tugon ko. Bigla kong naalala kaninang madaling araw. Nagising ako dahil tumunog ang cellphone ko. May text galing kay Kyle.

From: Kyle
Message: Fix yourself, sasama ka sa'kin may pupuntahan tayo. We'll leave exactly 6 AM. Don't make me wait
Sent
4:56

Isang malokong ngisi ang namutawi sa labi ni ate Nida. "Pinanindigan mo na talaga ha, Kyle nalang 'be? Hindi young master?"

Doon ko lang napagtanto na nakaligtaan ko nanamang tawagin siyang young master. "Edi young master po, sorry hindi na mauulit," pabirong tugon ko. Natawa ng mahina si ate.

"Ah sus! O siya, h'wag mo na siyang paghintayin do'n"

"Si mama po, tulog pa?," tanong ko. Sumilip si ate mula sa nakaawang na pinto saka muling ibinalik sa'kin ang tingin.

"Gising na siya kanina pa, pero ayon nag eemote. Alam mo parang hindi naman natulog mama mo. Napansin ko kagabi parang umiiyak siya," kwento ni ate. Bigla akong nakaramdam ng bigat sa loob ko. Alam kong dahil 'yon kagabi. Napabuntong hininga nalang ako.

Bigla nalang tumunog ang cellphone ko. May text galing kay Kyle.

From: Kyle
Message: Where the hell are u?
Sent
5:55 AM

Napasapo ako ng sariling noo. "Aish! Ate aalis na pala ako, pakisabi nalang kay mama kapag nagtanong siya. Kasama ko kamo si Ky— young master." bilin ko. Tumango naman si ate at ngumiti.

Agad na akong nagtungo sa labas. Nakita ko pa si Vivian na naglilinis sa grand hall. Napalingon siya sa'kin, napangiti ako nang hindi na ako sinalubong ng matatalim na tingin mula sa kaniya. Isang tipid na ngiti din ang iginanti niya.

Nakita ko si Kyle na papasok ng kotse niya. Napasulyap siya sa'kin. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Bigla nalang kumabog ng sobrang lakas ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Blanko lang ang mukha niya, gano'n pa man umaasa akong kakausapin na niya ako.

Nalaglag ang dalawang balikat ko nang mag iwas siya ng tingin at pumasok na sa kotse.

Alam kong wala talaga siyang balak pansinin ako. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin habang nagmamaneho siya. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, naiinis ako na nasasaktan.

Muli akong bumuntong hininga habang nakatingin lang sa bintana ng kotse. Ni hindi niya ako nagagawang sulyapan man lang kahit sandali.

Maya maya pa hindi ko na matiis ang katahimikan at para bang ilang segundo nalang sasabog na ako. Dahil sa dami ng mga salita at katanungang hindi ko mailabas.

"Hindi ka ba napapagod?," wala sa sariling tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Nasa daan pa rin ang mga mata niya. Mapait akong ngumiti, isa nanamang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago napasandal sa kinauupuan. "Kasi ako pagod na pagod na kakaisip kung paano maaayos lahat ng 'to. Alam mo bang pakiramdam ko sa mga oras na 'to mag isa ako? Hindi kami maayos ng mama ko, galit sa'kin ang mom mo. Ilang message na ng pagbabanta sa buhay ko ang natatanggap ko," pinakita ko pa sa kaniya ang messages sa cellphone ko na puro masasamang salita ang laman. Simula lang 'to no'ng lumabas sa TV na umamin daw ako kay Kyle na gusto ko siya kahit alam ko naman daw na ikakasal na siya sa iba. Mabilis siyang sumulyap sa screen ng cellphone ko, peke akong tumawa.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now