CHAPTER 32

2.1K 157 1
                                    

Sassy's POV

"Maliban kay Hiro Sandoval, sino sino pa ang mga kasamahan niyo sa pagkidnap kay Jessica Quiño?"

Parang sasabog na ang ulo ko sa paulit ulit na tanong ng pulis. Nakatingin lang ito sa'kin habang nilalaro sa daliri ang ballpen. Parang gusto ko nalang iumpog ang ulo ko sa mesa na nasa pagitan namin.

"Sir, hindi nga po ako kasama sa pagkidnap kay Jessica.," muling tugon ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng nasabi 'yon ngayong araw.

"Pero suot mo ang parehong boots na suot rin mismo ng kumidnap kay Jessica noong gabi ng Setyembre a singko. At hindi lang 'yon, kilala mo rin ito," ipinakita niya ang picture ni Hiro. Nakasimangot ko iyong pinagmasdan. Si Hiro na nakilala ko no'ng isang araw sa school, siya rin pala 'yong kumidnap kay Jessica?

Napatingin ako sa pulis. "Opo, kilala ko siya pero hindi naman gano'n ka kilala tsaka itong boots binigay lang sakin n-"

"Ayon naman pala! Ibig sabihin magkasabwat talaga kayong dalawa," pamimilit niya nanaman sa bagay na hindi naman totoo. Napabuntong hininga ako.

"Hindi nga po kasi dalawang beses ko lang siyang nakita -" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita nanaman siya.

"May gusto itong Hiro Sandoval kay Jessica Quiño. At ikaw naman," dinuro niya ako kaya napakunot ang noo ko. "May gusto ka din sa mapapangasawa nitong si Jessica, may gusto ka kay Kyle Vin Fuentes. Ang lumalabas dito e nagkampihan kayo ni Hiro na kidnapin si Jessica Quiño para hindi matuloy ang kasal. Tama ba ako?," mapang asar pang ngumiti ang pulis.

Bigla nalang bumukas ang pinto kaya napalingon kami. "Sir pwede ba kayong makausap sandali?" Isa pang pulis ang pumasok.

Tumayo itong si Sir na kanina pa nagtatanong sa'kin. Lumapit siya do'n sa kapapasok lang na pulis. Malayo sila ng kaunti mula sa kinaroroonan ko at mahina ang pag uusap nila, tahimik nalang akong naghintay.

Maya maya pa napalingon silang dalawa sa'kin. "Ang swerte mo at tumawag si Mr Quiño. Hindi ka na daw nila kakasuhan," balita ni Sir.

Napatayo ako sa gulat. "Talaga po?," hindi pa makapaniwalang tanong ko.

"Ayon ang sinabi e, bakit daw ba? Mabigat na kaso 'tong kidnapping," bumaling siya sa kasama.

"Hindi lang naman daw ito pagkakaintindihan kaya makakauwi ka na," tugon ng isang pulis.

Halos mapatalon ako sa tuwa dahil sa narinig. "S-Salamat po"

Sobrang gulo ng nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magalit at mainis kay Monica, alam kong pakana niya ang lahat ng 'to. Sa una palang hindi na maganda ang pakikitungo niya sa'kin. Kaya naman pala kahina hinala ang mga ikinikilos niya. Ang kasalanan ko lang, naniwala agad ako nang sabihin niyang mapagkakatiwalaan siya.

Napahinto ako sa gitna ng hallway. Hinubad ko ang boots. Nakapaa akong lumabas ng police station. Iniwan ko do'n sa pinto ang boots ni Monica.

Umihip ang hangin nang makalabas ako ng police station. Napapikit ako at dinama ang kalayaan.

"Sassy," isang pamilyar na boses ng lalaki.

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad ang nakangiting mukha ni Kuya Sam. "KUYA!!" Wala na akong inaksayang oras, agad agad ko siyang nilapitan at niyakap.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now