CHAPTER 19

2.3K 161 2
                                    

Sassy's POV

September 3.
Sabado ngayon at dahil walang pasok kailangan ko ng gampanan ang trabaho ko bilang personal assistant ni Kyle. Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya bitbit ang laundry basket. Ilang beses pa akong kumatok pero wala namang sumasagot.

"Papasok na ako ha, siguraduhin mong wala kang ginagawang kababalaghan diyan!," sabi ko. Hinawakan ko ang doorknob. Wala pa rin akong naririnig na tugon mula sa kaniya. "Bubuksan ko na 'to. Isa! Dalawa.. papasok na ako"

Dahan dahan akong sumilip sa loob pero hindi siya nahagilap ng mga mata ko. Nasa'n na 'yon? Hindi ko naman siya nakitang lumabas ng bahay matapos niyang umuwi galing sa practice nila sa basketball. Pumasok ako at isa isang pinulot ang nagkalat na damit sa sahig. Pinasok ko lahat sa laundry basket.

Napahinto ako sa bandang drawer nang mapansin ang nakapatong na picture frame. Picture 'yon ni Kyle no'ng bata pa siya. Siguro mga twelve years old siya dito. Nakasimangot siya at ang sama ng tingin. Akala mo naman ang laki ng galit sa photographer. Napansin kong medyo nakabukas ang drawer. Dala ng kuryusidad, parang may kung ano sa loob ko na gustong buksan at tignan ang nasa loob no'n. Sumulyap ako sa pinto ng bathroom, nakasara pa rin naman. Muli akong bumaling sa drawer at dahan dahan 'yong binuksan. Napangiti ako nang makita ang isang pamilyar na bracelet.

"Ang bracelet niyang pambabae nandito pa rin pala," natawa ako ng mahina habang hawak ang bracelet na gawa sa beads. Ibinalik ko 'yon sa drawer at kinuha ang isa pang interesanteng bagay. Litrato naming dalawa. Matagal na 'to, naalala ko sa school namin noon sa probinsya.

Napangiti ako habang nakatingin sa picture. Nakaakbay ako sa kaniya at ngiting ngiti. Ngayon ko lang napansin na hindi pala siya nakatingin sa camera. Nakatingin siya sa'kin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla nalang kumabog ng malakas ang puso ko. Hindi normal ang pagpintig nito, mabilis at malakas. Hindi naman siguro senyales ng heart attack 'to?

Nagulat ako nang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. Mabilis kong binalik ang picture sa drawer at sinara 'yon. Dinampot ko ang laundry basket at agad na lumingon sa bathroom. Nakatayo siya habang nakatingin sa'kin.

"A-Andyan ka pala, kinukuha ko lang ang maduduming damit mo m-maglalaba ako," nauutal na saad ko.

Katatapos lang niyang maligo. Nakatapis siya ng tuwalya sa baywang niya. Natatakpan ng magulo at basa niyang buhok ang mga mata niya. Pero nakikita ko, tumatagos ang blanko niyang mga tingin.

"May pupuntahan ka?," pag iiba ko ng usapan. Sinundan ko siya ng tingin, naglakad siya papunta sa closet at naghanap ng damit.

"Wala, bakit?," hindi niya ako nilingon. Patuloy siya sa pagpili ng masusuot doon sa mga nakahanger. "Tingin mo anong maganda? Kakabili ko lang nito last week," pumihit siya at ipinakita sakin ang dalawang nakahanger na t shirt. Isang itim at isang grey. Wala namang kadise-disenyo.

"Pareho lang naman 'yan e, walang design ang boring," tugon ko.

Napatingin siya sa damit at napaisip. "Maybe you're right. And it cost much, I should've chose different one" Umiling siya.

Natawa ako ng mahina. "'Yong grey, maganda"

Tinignan niya ako bago muling ibalik ang tingin sa grey na shirt. Tumango siya, "Yeah.. dahil diyan itim ang susuotin ko," maloko siyang ngumisi.

"Nagtanong ka pa ha," sarkastikong tugon ko. Tumawa lang siya kaya napailing ako. "Bahala ka na diyan, maglalaba na ako. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka"

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now