CHAPTER 22

2.1K 141 0
                                    

Sassy's POV

Hindi ko alam kung saan ako titingin. Mapamesa o upuan gawa lahat sa babasaging materyales. Agaw pansin din ang nagkikislapan at naglalakihang chandelier. Pakiramdam ko nasa panaginip lang talaga ako. Hindi halatang pangmayaman talaga 'tong party. Gold, white at black lang ang kulay na nakikita ko. Gold ang mga sapin sa mesa, gold ang mga kubyertos at nakakapagtakang naging itim ang mga rosas na nasa gitna ng mesa. May itim ba talagang rosas o pininturahan nila 'yan?

Ang swerte ng magnanakaw na makakapasok dito, baunin niya lang ang isang gintong kutsara mamaya siguradong uuwi na siyang mayaman. Hindi ako nagpaparinig, wala talaga akong plano na dalhin pauwi ang kutsara.

May kaniya kaniyang mundo ang mga tao na nandito. Halos lahat sila pamilyar sakin. 'Yong iba nakikita ko sa TV o di kaya sa magazine o dyaryo. Maraming press ang nandito, ipapalabas kaya 'to sa TV?

"Uupo ka lang ba diyan?," boses 'yon ni Kyle.

Nilingon ko siya. Hindi ko maiwasang matulala sa kaniya. Ang gwapo niya talaga sa grey niyang tuxedo.

"Tara," nakangiti niyang inilahad ang kamay sa harap ko.

"Saan tayo pupunta?," tanong ko. Nagkibit balikat lang siya.

Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang kamay niya. Tumayo ako at sumunod sa kung saan niya man ako dadalhin. Nakita ko pa sina Hannah doon sa sulok, hindi niya kami napansin. Mukhang masaya na silang nagkukwentuhan ng mga kaibigan nila.

"Saan ba tayo pupunta?," muling tanong ko. Paakyat na kami ngayon sa palikong hagdan.

"Basta"

"Kung may plano kang dalhin ako sa pinakatuktok nitong kastilyo—"

"Whoah! Pano mo nalaman?," tumawa siya.

"Sinasabi ko sayo, kung plano mong itulak ako h'wag mo ng subukan. Isasama kita sa hukay," biro ko.

"Palagi mong naiisip na may masama akong balak sayo, wala ka bang tiwala sakin?," aniya nang makarating kami sa veranda. Kita mula dito ang kaganapan sa baba. Ang dami pala talagang tao ang pumunta.

"Hindi ka naman mabiro e 'no?," tugon ko. Tumayo kami sa may railings at pinanuod ang mga nangyayari sa baba.

"Tignan mo, si ma'am at sir!," turo ko pa sa dalawang kakapasok palang ng entrance. Hindi kumibo si Kyle.

Ilang minuto pa kaming nagmuni muni sa may veranda hanggang sa may iilang tao na din ang umakyat at gustong manatili sa pwesto namin.

"What if.. we go somewhere," saad ni Kyle nang may dalawang couple na sumandal sa railings kung saan kami nakatayo.

Sumulyap ako sa dalawa, nagulat ako nang bigla nalang sunggaban ng halik ng lalaki ang babae. Mabilis kong hinawakan ang braso ni Kyle at hinila siya paalis. "Tara"

Pareho kaming natatawa habang naglalakad paakyat sa pinakatuktok ng kastilyo.

"PDA na 'yon," sabi pa ni Kyle.

"Anong PDA?," tanong ko.

"Public display of affection? 'Yong ginawa nila," paliwanag niya.

"Ah.. kadiri"

Muli nanaman siyang natawa sa reaksyon ko. Totoo naman kasi, hindi man lang nahiya 'yong dalawang 'yon.

Habang nasa kalagitnaan na kami napatigil ako. Nilingon ako ni Kyle. "Are you alright?"

"Tatanggalin ko lang 'to, masyado niya ng pinapahirapan ang buhay ko," sabi ko habang hinuhubad ang heels na suot ko. Ang taas ng hagdan na inakyat namin, ang tibay din ng heels pero hindi matibay ang paa ko.

"Kaya mo pa bang maglakad?," humakbang siya palapit sakin.

"Tsh ako pa ba? Tara!," nagsimula na ulit akong maglakad at nilampasan siya.

Ilang hakbang pa at sa wakas narating namin ang tuktok ng kastilyo. Sinalubong kami ng malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili ko. Parang rooftop lang ang estilo nitong kinatatayuan namin. Walang bubong at ang nagsisilbi nitong railings ay gawa din sa batong pader na hanggang baywang.

Naramdaman ko nalang na pinatong ni Kyle ang coat niya sa balikat ko. Nag angat ako ng tingin at napangiti nalang. Bilog na bilog ang buwan ngayong gabi. Parang hindi normal ang laki nito o baka dahil nasa mataas na bahagi lang kami nakatayo. Nasa harap lang namin ang buwan at ito ang unang beses na nakita ko ito ng ganito kalinaw at kalaki. Ang ganda lang tignan kasama ang nagkikislapang mga bituin sa kalangitan.

"Parang ang lapit lang ng buwan," sabi ko habang inaangat ang kamay na para bang inaabot ang buwan.

"It looks surreal," ani Kyle.

Muli nanamang nilipon ng katahimikan ang paligid namin. Pareho naming dinama ang malamig na simoy ng hangin at ang katahimikan ng gabi. Umusog ako ng kaunti palapit sa kaniya. Napasulyap siya sa'kin. Magkadikit na ngayon ang balikat naming dalawa.

"Sana ganito nalang tayo palagi," mahinang sambit niya. Hindi ko alam ang itutugon. Ngumiti ako at inihilig ang ulo sa balikat niya.

Naramdaman ko ang malalim niyang paghinga. "I wish I could stop time," aniya.

"Bakit?"

Hindi siya agad na nakasagot. Nanatiling nasa buwan nakatuon ang mga mata ko habang nakahilig pa rin ang ulo sa balikat niya. Naramdaman ko nalang ang paggapang ng kamay niya sa baywang ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya.

"I'd stop time where I am holding you this tight," Kyle.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now