CHAPTER 34

2.2K 158 14
                                    

Kyle Vin's POV

Sa lahat ng katulong na nakasalubong ko sa buong bahay walang nakapagbigay ng sagot kung nasaan si Sassy. I didn't have any choice but to dial her number. Nagriring lang pero walang sumasagot. Pabalik balik ako sa tapat ng grand staircase habang paulit ulit na tinatawagan siya. Wala pa ring sumasagot. For the 15th time, I called her. It says cannot be reach.

"Damn it," napaupo ako sa staircase at sinimulan siyang itext. Saan ba siya pumunta?

Napalingon ako nang makita si Nida galing sa maids corridor. May hila siyang dalawang maleta.

"What's that? Where are you going?," I asked.

Bakas ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "Young master ikaw pala, a-ano ilalabas ko po ito," she stuttered. Hindi siya makatingin ng diretsyo.

My brows furrowed. Napatayo ako at lumapit sa kaniya. "Where's Sassy?"

"Si Madam Flor nalang po ang tanungin ninyo," nakayuko niyang tugon.

"Tsk," I hissed. I tried to control my temper. "Natanong ko na lahat ng nandito sa bahay, magtuturuan nalang ba kayong lahat?," I asked a bit annoyed. Hindi siya nakasagot.

May narinig kaming busina ng kotse. Dali daling tumakbo si Nida sa labas para pagbuksan ng gate sina mom at dad. Now they're here.

Nakita kong nagmamadali din si Aling Flor para pagbuksan ng pinto ang mga magulang ko.

"Las tonterías!," Mom screamed the moment she entered the house. She throw her bag away, tumama 'yon sa antigong vase. The vase broke into pieces. The maids stood aside and jittery were evidence in their eyes.

"Walang hiya talaga ang Sassy na 'yon nakipagsabwatan pa kay Hiro. Now look what happened to Perly. ¡A la mierda! Tama talaga ang kutob ko noong una palang, malas ang dala ng babaeng 'yon sa pamilyang 'to. Tama lang ang pagpapahiya sa kaniya sa mga balita sa telebisyon. Biruan lang namin ni Perly kahapon na ipaligpit ang probinsyanang 'yon pero ngayon parang ayoko ng gawing hanggang biro iyon. Katulad din siya ng mga pulubing nakadaupang-palad ko noon. They'll manipulate you and get all your riches– dahil manggagamit sila at ambisyosa!," mom exclaimed. Hindi ako makapaniwala sa naririnig mula sa kaniya. I remain silent. They haven't noticed me yet.

"Nangyari na ang nangyari, wala na tayong magagawa," Dad replied.

"What? Ganoon nalang 'yon Ian? Kasalanan niya 'tong lahat ng nangyayari sa atin. At ikaw! Kung hindi ka nag offer ng scholarship edi sana baka hindi pa nagawang piliin ng babaeng 'yon na magtrabaho dito!"

"Lina has been good to us, she somehow deserves that and her daughter —"

"HINDI! Simula ng dumating ang Sassy na 'yon nagkaleche leche na ang lahat. Nabilog na ng babaeng 'yon ang ulo ng anak mo. Kasalanan niya din kung bakit nasa ospital ngayon si Perly. Wala na talaga siyang dinala kundi puro kamalasan. Pati ang kasal na matagal ko ng pinakahihintay—–," napasapo siya ng sariling noo at napailing.

"Kakausapin ko si Ortiz, itutuloy nalang ang kasal kapag nagkamalay na si Perly, siguradong hindi rin papayag si Jessica na magpakasal habang nakaratay ang ina sa ospital," Dad explained. I cleared my throat to let them perceive my presence. Sabay silang napalingon.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now