CHAPTER 8

2.7K 173 0
                                    

Sassy's POV


"Utang na muna 'to ah, kapag nakuha ko na ang sweldo ko saka na kita babayaran," sabi ko habang tinutulungan siyang ilagay lahat ng pinamili sa likod ng kotse. Hindi siya umimik.

Habang nasa gitna ng byahe pauwi, hindi ko maiwasang isipin ang dalawang babae kanina 'don sa mall. Gusto nilang magkaroon ng boyfriend na tulad ni Kyle. Sabagay kung mukha lang naman ang pag uusapan, sino bang hindi magkakagusto sa kaniya? Pero teka naiinis pa rin ako kasi tinawag nila akong jologs tsaka galing daw sa ibang panahon. Argh nanggigigil ako! Gusto ko silang balikan at makipagtrashtalkan sa kanila.

"What's with that face?" tanong ni Kyle.

Sumulyap ako sa kaniya. "Bakit anong nasa mukha ko?," tanong ko din pabalik.

"Nah"

Tanghali na ng makauwi kami kasi ang haba ng traffic. Si madam Flor ang nagbukas ng gate para makapasok ang kotse. Napataas naman ang kilay niya ng makitang bumaba ako mula sa kotse ni Kyle. Nakita kong nakasilip lang si Vivian sa double door na nakaawang ng konti.

"Nasa compartment ang mga pinamili ko ipasok niyo sa bahay," utos ni Kyle. Dali dali naman akong nagtungo sa likod ng kotse para tulungan si Madam Flor. Lumabas si Vivian at tumungo rin sa kotse para tumulong.

Napansin kong hindi pa rin umaalis si Kyle kaya nag angat ako ng tingin. Nakatingin lang siya sa'kin. "Anong ginagawa mo?," tanong niya.

"Tumutulong? Ipapasok 'to sa loob diba?," sabi ko.

"Ikaw ba inutusan ko?"

Napataas ang kilay ko sa tinuran niya. Pero mabilis din siyang tumalikod at nauna ng pumasok sa loob ng mansyon. Nagkatinginan naman kaming tatlo nila madam Flor at Vivian. Nagkibit balikat lang ako at muli na sanang babalik sa ginagawa nang..

"Sassy!"

Napalingon ako sa double door, nakasilip do'n si Kyle.

"Oh?"

Napatingin sa'kin si Madam Flor. "Sassy ayusin mo ang pagsagot kay young Master," mahinang sambit niya.

"Ah.. hehe sorry po," nasabi ko nalang. Napailing si Madam Flor. Naglakad ako palapit Kay Kyle. "Bakit?"

"Tawag ka ni mama," Ani Kyle.

"Mama?," naguguluhang pag uulit ko.  Mommy naman tawag niya kay ma'am Melisa ah.

"Mama mo, tsk"

"Si mama?"

"Paulit ulit?," may bahid ng inis niyang tugon. Naguguluhan pa rin ako.

"Tinatawag ako ni mama?," tanong ko ulit.

"Kasasabi ko lang, tsk bahala ka nga," pumihit siya at nagtungo sa grand staircase.

"Ang gulo mo kasi, tinawag mong mama 'yong mama ko.," reklamo ko pero hindi niya na ako nilingon.

Hinanap ko si mama at nakita ko siya sa kitchen.

"Ma!," nakangiti akong lumapit kay mama at niyakap siya. "Ibinili po ako ni Kyle ng school supplies, may gagamitin na po ako bukas. Pero sabi ko babayaran ko po 'yon kapag nakuha ko na ang sweldo ko. Kailan ba pwedeng kunin ang sweldo ma? Sabay lang ba tayong sasahod? Uuwi ba tayo sa probinsya para bumisita kina kuya kapag sumahod na tayo? Pwede kayang—"

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz