CHAPTER 48

52 1 0
                                    

(Photo not mine. Credits to the rightful owner)

Sassy's POV

Tumatawa ako habang pinapanuod si kuya Grey na rumarampa suot ang damit na dinesenyo ko - summer edition. Seryoso ang mukha niya tulad ng mga professional models na ang susungit tignan kapag rumarampa. Halatang gustong gusto ng mga guests ang nakikita nila. Naghihiyawan din ang mga tao. Konti nalang at masasapawan na ng mga tili nila ang sound system namin. I'm a bit overwhelmed, iba talaga ang energy ng mga audience dito sa Pilipinas.

Kuya's wearing a stripe tank top. I was smiling and clapping the whole time. He glanced at me, I saw him smirk before walking back to the backstage. Next is Austin, I chuckle when I saw his face. He looks nervous though he was able to walk with great confidence in front of the VIP's. He's topless and I saw some of the female guests' trying to hold theirselves from screaming.

Jeff came out next, he's wearing a grey buttoned polo shirt. "I know him, I saw him in Swarovski. I'm a fan of this supermodel, Jefferson McLaren," Liz, the crowned Miss Philippines 2023 whispered to me.

I chuckle. "I see, wanna meet him after the show?"

Biglang namula ang pisngi niya. "A-Are you serious? I don't know, Amara nahihiya ako"

"Don't worry, he's nice. Ipapakilala kita sa kaniya mamaya," I assured her.

Leo came out next. Nakasuot siya ng light blue na long sleeve at nakatupi hanggang siko. Nakabukas din ang butones tulad ng suot ni Chris na blue floral polo shirt na katerno ng gray na boxer shorts.

Sobrang proud ako sa kanilang lima. Hindi ko talaga inaasahan na papayag silang maging isa sa mga magmomodel ng mga damit na gawa ko.

"And the face behind these masterpiece.. Amara Arlington!," anunsyo ng host. Nagulat pa ako, cue ko na pala. Masyado akong nadala sa panunuod sa mga models sa runway.

Nakangiti akong rumampa sa runway. I'm wearing a V-neck long sleeve drape rouched, bodycon sequin dress.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Muli nanamang nagtilian ang mga tao nang kumaway ako. I'm almost teary eyed watching the crowd while sashaying along the runway. Malapit na ako sa dulo, napawi ang ngiti ko at napalitan ng pagkabigla ang kaninang nakangiting mukha ko. Muntik pa akong matapilok pero nagawa ko namang balansihen ang sarili ko para hindi tuluyang matumba.

I saw Kyle Vin standing in the middle of the crowd with his arms crossed on his chest. I froze instantaneously. Hindi ko alam na nandito siya. Bigla akong na conscious, sana kahit papano ay mukha naman akong tao sa paningin niya. Ilang segundo pa akong natulala sa runway. Parang bigla akong namental block, naiisip ko palang na nakatingin siya parang nakalimutan ko na paano huminga. Nang mapagtanto niyang nakatingin ako sa kaniya ay agad niyang isinuot ang itim niyang cap at saka tumalikod at umalis.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now