CHAPTER 13

2.5K 174 0
                                    

Sassy's POV

Masaya ako kasi maayos naman ang naging takbo ng first day ko sa school. Naging kaibigan ko ang mga kaibigan ni Kyle. Ewan ko lang kay Monica. Mabait naman sa'kin si Hannah. Sana nga classmate ko sila pero magkaiba kasi kami ng strand kaya hindi pwede.

4 PM.

"See you tomorrow," paalam ng teacher namin. Nagsimula ng magligpit ang mga kaklase ko tsaka isa isa na silang lumabas

"Wala naman kayong gagawin diba? May bagong bukas na coffee shop diyan sa tapat libre ko. Tambay muna tayo," sabi ni Kean.

"Sabihin mo kay Monica h'wag na niyang isama si Hannah," tugon ni Kent. Napatingin naman ako sa kaniya. Gusto ko ngang kasama si Hannah e kasi mabait 'yon sa'kin.

"Hayaan mong sumama kung gusto niya, move on din Dre. Sa inyong dalawa halatang ikaw nalang ang apektado," saad ni Kyle. Napataas ang kilay ko. Hmm move on? May something ba sina Kent at Hannah? Makikichismis nga ako mamaya kay Kyle.

"Oo nga 'no, parang wala na ngang pakealam si Hannah kung nandyan ka man o wala e," panunulsol pa ni Kean.

Tatayo na sana ako pero bigla nalang sumakit ang puson ko. "Argh.. ba't ngayon pa" Napahawak ako sa puson ko. Bumalik ako sa pagkakaupo sa upuan ko. Mabilis akong nilingon ni Kyle. "Are you okay?"

"Oo naman," peke akong tumawa. Muli kong sinubukang tumayo. Nakakainis kumikirot talaga ang puson ko. Anong petsa ba ngayon, parating na yata mensue ko.

Isinabit ko ang bag sa balikat ko saka dahan dahang naglakad. Sumunod na din sila palabas. Hindi pa ako nakakalayo, nagulat ako nang pigilan ako ni Kyle sa braso. Inis ko siyang nilingon. "Ano?!"

Hindi siya sumagot. Tumingin siya sa paligid at hinila ako papunta sa tabi. Isinandal niya ako sa pader. Napakunot naman ang noo ko. Ano bang ginagawa niya?

"H'wag ka munang umalis diyan," bilin niya.

"Teka bakit?," nagtatakang tanong ko. Sasandal nalang ako dito sa pader buong magdamag?

"Hanapin ko lang si Monica o si Hannah, baka makatulong," sabi ni Kean.

"H'wag na. Gamitin mo nalang 'tong jacket ko," presenta ni Kent. Hinubad niya ang jacket at inabot sa'kin. Kinuha 'yon ni Kyle.

Nagulat ako ng hilahin ako ni Kyle palapit sa kaniya. Ang lapit namin sa isat isa. Naguguluhan na ako. Pero hinayaan ko lang siyang itali ang jacket sa baywang ko.

"Done," humakbang siya paatras. Naguguluhan akong napatingin sa kanilang tatlo. "Ano bang trip niyo?," natatawang tanong ko.

Walang ni isa sa kanila ang sumagot. Nilingon ni Kyle ang dalawang kaibigan. "Hindi na kami makakasama, kayo na lang  muna. Uuwi na kami," paalam ni Kyle.

"Uy teka bakit? Sasama ako sa kanila, manlilibre si Kean e," anas ko.

"Ah Sas, siguro next time ka nalang sumama hehe," napakamot pa ng batok si Kean.

"Bakit?," naguguluhang tanong ko.

Nagkatinginan silang tatlo. "Labhan mo 'yang jacket ko ah, mauna na kami Kyle," paalam ni Kent saka inakbayan si Kean. Tumango si Kyle, tumalikod na ang dalawa at umalis.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Where stories live. Discover now