CHAPTER 24

2.1K 154 3
                                    

Sassy's POV

"I.."

Hindi ko alam kong naririnig ba niya ang sobrang lakas na pagpintig ng puso ko. Pinagpapawisan na din ako. Ano ba kasing sasabihin niya.

"M-May sasabihin din ako," humarap ako sa kaniya at ngayong nakatingin ako sa mga mata niya, mas lalong lumakas ang pagkabog ng puso ko.

"Sige, ikaw na ang muna," sabi niya.

Bigla akong kinabahan. Sasabihin ko na ba? Pero pano kung— pano kung hindi maganda ang kalalabasan? Natatakot ako.

"H-Hindi ikaw na muna," saad ko.

"Ladies first," ngumiti siya.

Aish! Sana pinatapos ko nalang kasi ang sasabihin niya. Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to! Mahirap bang umamin? Hindi? Pano ba ako aamin? Sasabihin ko lang naman ang nararamdaman ko. Madali lang ba 'yon? Oo? Magagawa ko ba? Sana nga.

"Kyle, kasi ano.." napatigil ako at napatakip ng mukha ko. Leche hindi ko kaya.

"I love you"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sinabi niya. Nanginginig kong ibinaba ang kamay kong kanina lang nakatakip sa mukha ko. Bumungad sa'kin ang nakangiti niyang mukha. Tuluyan ng napunta lahat ng dugo mula sa talampakan papunta sa mukha ko.

"A-Anong sabi mo?," nauutal pang sambit ko.

"Sabi ko..," humakbang siya palapit sakin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang nakangiti.

"I love you too," mahinang sambit ko.

"I love you more than anything, Sassy Lopez"

At ang mga salitang 'yon tila isang musika sa pandinig ko. At sa bawat paglapit ng mukha namin sa isat isa, palakas din palakas ang pagpintig ng puso ko. Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.. ang paglapat ng mga labi naming dalawa.

~BZZZZTTTTT~

Nagvibrate ang cellphone niya.

Napamura siya sa pagitan ng halik namin. Napayuko nalang ako at napakagat ng pang ibabang labi ko nang kapain niya ang cellphone sa bulsa.

"I'll just.. answer it," naiilang pang sabi niya habang nakatingin sakin. Wala sa wisyo akong tumango.

Ahhhhhhh!!! Gusto kong sumigaw at sumabog dahil sa pagpipigil ng lecheng kilig.

Hinayaan ko muna siyang sagutin ang tawag. Hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko.

Hinalikan niya ako.

Hinalikan niya ako.

Hinalikan niya ako?

Hinalikan niya ako!

Napahawak ako sa labi ko. Tumalikod ako at tahimik na napatili sa kawalan. Kulang nalang sumabog ako sa sobrang pagpipigil ng nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw, tumalon at lumipad — nababaliw na yata ako.

"What?! How?"

Napalingon ako kay Kyle nang marinig na lumakas ang boses niya. Halatang masamang balita ang narinig niya. Napakunot ang noo niya. Napawi ang mga ngiti ko.

Napasulyap siya sa'kin. Agad na lumambot ang mga titig niya.

"Alright.. papunta na ako diyan," aniya sa kausap sa cellphone bago ibaba ang tawag.

Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kaniya. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

Ngumiti ako nang halikan niya ang likod ng palad ko. "Do you love me?," tanong niya.

MISS FOREIGNSYANA [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon