"I'm married."

5.2K 157 4
                                    

Cassandra's  P.O.V

Dumiretso ako sa comfort room para mag-ayos ng sarili ngunit paglabas ko'y nagulat ako ng bigla akong haltakin sa braso at isandal sa pader ng isang lalaki. Hawak nito ang dalawang kamay ko kaya't hindi ako makapalag. Nagkakawag naman ako.

"Ahh!!! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" nakapikit na pagpupumiglas ko. Jusko naman! Pwede bang time out muna? Ngunit lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sakin.

"Totoo ba ang sinabi ni Harold kanina ha? Kayo na ba? Sumagot ka!" boses ni..

"L-Lei..." Madilim ang mukha nito at nag-aapoy ang titig. Ibang Lei ang nakikita ko ngayon.

"Sumagot ka!" at naipikit ko ang mga mata ko ng sumuntok ito sa pader malapit sa gilid ng mukha ko. My knees is shaking. Oh Lord.

"Cass, I trusted you! Baket??" naimulat ko ang mata ko at nakita kong nasapo nito ang ulo dahilan para mabitawan nito ang isa kong kamay.

I'm sorry Lei..Kung alam mo lang. Hindi ko ginustong lokohin ka.

Umiiyak na itinaas ko naman ang kamay ko at hinawakan ito sa mukha. "L-Lei..."

Pag-angat nito ng mukha ay nakita ko ang biglang pagngiti nito sakin na parang nasiraan ng bait at pagkatapos ay kinaladkad ako patungo sa kung saan ay hindi ko alam.

"Lei..anong gagawin mo?" nahihintakutang wika ko ng isakay ako nito sa kotse. Mabilis na pinaandar nito ang sasakyan kaya't napahawak ako ng mahigpit sa seatbelt.

"Wala pang nanloko sakin Cassandra." parang punum-puno ng poot na wika nito. Mahigpit ang hawak nito sa manibela na animo'y parang nakikipagkarera.

"Lei...magpapaliwanag ako..itigil mo'ng sasakyan.." nanginginig na wika ko habang nasa mata ang pagkatakot. Masyadong mabilis ang pagpapatakbo nito.

"Shut up!" at hinampas nito ang manibela kaya't napasigaw ako. "Yung tarantadong yun, hindi imposibleng maging kayo! Kilala ko ang Harold na yun! Hindi ako tanga Cassandra!" at inapakan ng mariin ang silinyador.

"L-Lei..let me explain... Mali ang iniisip mo. Itigil mo na 'to.." umiiyak na wika ko rito.

"That's shit Cassandra! Pinaglololoko mo ba ako ha? STOP DENYING?!" punumpuno ng hinanakit na wika nito.

"I't's not what you think!" naisigaw ko rito. Sumusobra na siya!

"So ano?" nanghahamon ang tinging wika nito.

Hindi na ako nakapagpigil pa. "FINE! KUNG YAN ANG GUSTO MONG ISIPIN, SIGE! KAMI NA KUNG KAMI! Pero, could you explain to me kung bakit may kasama kang babae sa boutique?" galit na ring wika ko. I can't bear na ako lang ang lumalabas na manloloko dito.

Natigilan ito sa sinabi ko ngunit nagpatuloy pa rin ako.

"And what's worst, she even kiss you huh?! And looking at your expression, you enjoyed it right? Hindi naman panloloko yun noh?" namumuo na naman ang luha sa mata ko. Putek naman oo! Pwede ba'ng patayin yung gripo sa mata ko?

Agad na napapreno ito at parang dagang nasilo sa lambat. Hindi ito makapagsalita.

"Now what? Hindi mo kayang i-explain? Sa tingin mo, ako lang ba ang lumalabas na manloloko Lei?"

"C-Cass..." Naging maamo ang mukha nito at balak sanang hawakan ang kamay ko ngunit lumayo ako.

"Don't you ever touch me!" singhal ko rito.

"Cass..let me explain..She's Andrea.." at napayuko ito. "my fiancée."

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon