Pare, enjoy! xD

4.6K 153 3
                                    

Harold's P.O.V

Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso agad ako sa banyo. Naghilamos ako.  

Napatingin ako sa salamin. Tss..Syempre, gwapo pa rin. Ano pa bang dapat asahan ko. 

But...  

Mula sa salamin ay nakita ko ang expression ng mukha ko. Geez..namumula bang mukha ko? 

What the hell is happening to me? 

Binasa ko iyon ng tubig mula sa dumadaloy na tubig sa faucet. 

Bigla na namang sumagi sa utak ko ang nagyari kanina. Hindi ko naman sinasadyang hilahin si Cassandra. Nag-alala lang ako na baka kung ano ang isipin ni Gran pag nakita niya kami ni Cassandra na nagbabangayan. Baka makahalata pa siya. Yun lang yun.

Kinuha ko ang towel na nakasabit at tinuyo ang basang mukha gamit yun. Wala akong intensyong masama okey?

Hayyss..

Hinubad ko ang damit ko at inihiga ang sarili sa kama at ipinatong ang kaliwang braso sa ulo. Nakita ko ang naging reaksyon kanina ni Cassandra. She's dumbfounded when I pulled her but then, I saw her eyes. Ngayon ko lang napansin, she has a set of lovely eyes. It looks so naive.

I shook my head. Mali ata to. Ano ba'ng nangyayari sakin?

***************** 

Cassandra's P.O.V

Papasok o hindi? 

Papasok o hindi?

"Hayys!" at naupo ulit sa sofa. Kanina pa ko paikot-ikot dito sa living room. Hindi pa kasi lumalabas si Harold mula sa kwarto!

Pero sabi naman niya kanina, sumunod nalang daw ako.

Susunod? Gahd. Baka mamaya rape-in ako nun! Waaaa!!! And look, yung ginawa niya kanina? Pinagsamantalahan niya ko!!!

Ano ng gagawin ko?  

Lumabas nalang kaya ako ng kwarto tapos makitulog kina Britney? Alam ko naman kung anong room sila. Tama! 

Akmang bubuhatin ko na ang bag ko ng marinig kong may kumatok sa pinto. Ipinasya kong ibaba muna ang mga gamit ko at binuksan ang pintuan. 

"Sino--" 

Tumambad sakin ang mukha nina Frozen, Brent, Cristoff, Aldrade at Griffin.  

"Hi Cass.." medyo may pagkagulat sa mga mukha nito. 

"Hello." nagtatakang bati ko rin." Anong..ginagawa niyo rito?" at agad na lumabas ng kwarto at isinara iyon. Baka makita pa ang impakto! Nakakahiya! 

Sabay-sabay na napatingin ang lima sa itaas nung pintuan. 

"Room 709-CH. Tama naman pare di ba?" ani Cristoff kay Griffin. Tumango naman ito at tumingin sakin.

"Cass, ahmm..kasama mo si....?"  

Di man nito sabihin ay alam ko na kung sino. Ano nalang ang sasabihin nila? Waaaa naman!! Bahagya akong tumango at pilit na ngumiti. Nag-iinit na naman ang mukha ko. 

Natigilan naman lima ngunit agad na nagtawanan at nagsalita si Frozen. 

"Really?" anito na tawang-tawa sa sagot ko. 

"Wow! Nice one Cass!" ani Aldrade na tinapik ng bahagya ang balikat ko. 

Tintigan ko naman ito. "Anong nice dun?"  

"Pwede bang pumasok?" ani Griffin ngunit hindi pa man ako nakakasagot ay binuksan na nito ang pintuan at tuloy-tuloy ang lima sa loob.

"Asan si Harold?"  

Luminga ang lima at umupo sa couch na naroon.  

"Grabe! Mukhang mag-eenjoy kayo ah!" tudyo sakin ni Cristoff at nakakalokong ngumiti. 

"Mag-eenjoy talaga." walang gana kong wika rito.

"Cass, asan---" "Anong ginagawa niyo rito mga ugok??" ani Harold sa lima. Lumabas na ito mula sa kwarto. 

Napatingin naman ako rito at bigla kong natutop ang bibig ko sa nakita.

"HAHAHAHA...HAHAHA..." tawa ng mga kabarkada nito. Ako? Mukhang kamatis na hinog na ang mukha ko....T____T

"What's funny?" naguguluhang tanong nito sabay tingin sakin. "Ba't mo pinapasok ang mga sira-ulong yan?" 

Hindi naman ako sumagot bagkus ay nag-iwas ng tingin dito. Ba't ka ba lumabas na ganyan ang suot mo! Wala tong damit na pantaas at..naka-boxer's lang siya??WAAA NAMANNN!!! 

"Hahaha..hahaha..Tara na nga mga pare, mukhang nakakaistorbo tayo." At agad na nagtayuan ang mga to at tinungo ang pintuan. 

"Sige Cass," ani Frozen. "Pare, enjoy!" dagdag pa nito at ngumisi.

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. AWKWARDDDDDD!

"Cass, mauna na kami." ani Brent na noon ko lang napansin. Tahimik nitong tinungo ang pintuan. Parang gusto ko na tuloy lumabas at sumama kay Brent. 

"Wag nga kayong mang-asar mga ugok!" at pinagtulakan nito sina Cristoff palabas. Rinig ko pa rin ang pagtawa ng mga ito buhat sa labas.  

Pagkasarado ng pinto ay nakita kong natahimik si Harold.

"Cass, bakit ba?" parang wala pa ring alam na tanong nito.

Pinikit ko naman ang mata ko para wag mapasigaw. "Pwede bang bago ka lumabas, magsuot ka naman ng damit?!" at nagmartsa papasok sa kwarto.

Naiwan naman ito sa living room na parang inaabsorb pa rin ang sinabi ko. Aist!

***************

A/N:

Sa ngayon, hanggang dito lang ang U.D .:3 Pasensya na, 3 chap lang. Abangan ang susunod na mga kabanata. hehe.. (hanudaw? ^_^)

Masaya ako sa mga patuloy na nagbabasa nito. Hoho..mabuhay kayo! :))

-Bebz

Marriage at the Age of Sixteen! (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon